Chapter 6 - My treat

594 157 38
                                    

CAR's POV

 Maaga akong nagising dahil sa liwanag ng araw na tumatagos sa bintana. Ang ganda ng view! Inayos ko na agad yung kama ko. Si Cathy tulog pa rin, pero si yaya gising na, wala na siya sa kama niya eh. Pagkatapos kong magligpit, lumabas na muna ko para maglakad-lakad sa tabing-dagat. Cloudy day ngayon kaya hindi masyadong masikat ang araw at mahangin din. Ang sarap sa pakiramdam. * Yaaaaawn* Halos wala pang tao dito, so I decide to go shopping instead, since there are many shops here. Souvenir na rin :) Ayy oo nga pala si Cathy. Isasama ko na yun. Two is better than one, girl bonding na rin naming magbestfriend.

I went to our room to see my bestfriend still lying on her bed. It’s already 9 am, but she’s still sleeping. Siya naman pala yung tulog mantika eh. Psh. It’s payback time! Remember nung nagtatatalon siya sa kama ko para sirain yung beauty sleep ko? HAHA. Ako naman! Umupo ako sa tabi niya, may laway pa siya sa mukha. HAHAHAHA! Ang panget ng bestfriend ko eh. Ano kaya pwedeng gawin? Hmmm.

 “ Bebs, gising na.” nakailang ulit ako sa paggising sa kanya pero hindi pa rin siya nagigising. Mas tulog mantika pa siya sakin eh. Ayoko namang tumalon sa kama niya, baka masira ko pa. Lagot ako kay Tito Chris pagnagkataon. Hmm. Ayoko rin namang sigawan to, baka marinig kami nila mom tapos pagalitan pa ko. Think Angellic, think. Hmmm. Ahhh! Alam ko na! * Evil Laugh* Ha ha ha.


“WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHH! Ang lamig!"

 " HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" nakakatawa yung itsura niya. Hahahahaha. Bakit siya sumigaw? Binuhusan ko lang naman siya ng tubig tapos nilagyan ko pa yun ng yelo. Hahaha sareeeh.

 " Ano bang problema mo? You're mean. Waaaaah!" Hahaha. I can't stop laughing. Mwahahaha.

 " Hahahaha. Eh kasi. Hahahaha. Ayaw mong magising eh. Hahahaha. Peace!" 

Hindi na siya sumagot pa at dumiretso na agad siya sa banyo para maligo. Hahaha. Edi diretso ligo siya ngayon. Effective di ba? Hahaha. Sumakit tiyan ko kakatawa ah. A few minutes after, natapos na siyang maligo. Ang sama ng tingin niya sakin. Waaaaah! Mommy! Amazona pa naman tong bestfriend ko, baka kung ano pang gawin sakin neto. 

 " So, what's the purpose of waking me up?" nakairap pa siya sakin niyan.

 " Gusto sana kitang yayain magSHOPPING eh." kanina nakairap ngayon naman ang lapad lapad ng ngiti tapos kumikislap kislap yung mga mata niya. Tss, shopaholic kasi tong babaeng to.

 " Tara tara! San tayo?"

 " Dun sa baba. Remember, maraming booths and shops dun?"

 " Yeah yeah! C'mon bebs."

 " Wait. Kain muna tayo, gutom na ko eh. Puntahan muna natin sila mom."

Lumungkot naman bigla yung mukha niya. Atat magshopping eh. Dumiretso na kami sa room nila mom para yayain silang kumain. Sakto naman at pababa na rin pala sila tapos nakasalubong namin si yaya kaya sabay sabay na kaming kumain. Ang bilis natapos ni bebs sa pagkain niya, excited much? Binagalan ko lang yung pagkain ko para malasap ko yung sarap ng pagkain, kaso etong si bebs pinagmamadali ako kaya ayun, no choice. Nang matapos na ko sa pagkain ko, hinila niya agad ako sa mga shop. 

 " Bebs, libre na kita. Kunin mo na lahat ng gusto mo, ako na magbabayad!"

 " May sakit ka ba?" sa pagkakaalala ko kasi di pa niya ko nililibre pagdating sa pagshoshopping.

 " Wala ah *pout* Minsan lang to kaya sulitin mo na." nagpout pa talaga eh. Manang mana sa boyfriend niya.

Tulad ng sinabi niya, kinuha ko na lahat ng gusto kong bilhin, mula sa mga sapatos hanggang sa mga accessories. Tiglilima lang naman yung kinuha ko! Hihi. Kumuha din ako ng limang dress, tops, skirts, shorts, and skinny jeans. Siguro naman okay na lahat to. Dagdagan ko pa ba?

 " Woah. Ang dami naman niyan bebs."

 " Ngayon ka lang manlilibre eh, kaya sinulit ko na! Tsaka yun naman sabi mo eh. Kinuha ko lahat ng gusto ko." I smiled widely at her.

 Wala na siyang nagawa kundi bayaran lahat ng pinamili namin. Mapera ang bestfriend ko ngayon ah. Almost ₱ 200,000 ang nagastos namin. Kasama na yung mga binili nya tsaka mga souvenir. Binilhan na rin namin ng damit sila mom pati syempre sila Dwyne. Siguro kung sa mall kami nagshopping, half a million ang magagastos namin. Hahaha. I missed shopping. I love all the stuffs here in the resort. After namin magshopping, we decided to have some foodtrip. Later na kami magsiswimming. Ang sasarap talaga ng mga pagkain dito, specially the carbonara!

Bitin ang one day stay namin dito eh. Nang mabusog na kami ni bebs, we decided to change our clothes to a swim suit. Mwahahaha. I'm sexy and I know it. Ang daming nagtitinginang lalaki samin ni bebs. Well, wala nang bago dun. Hahaha. We started to swim and enjoy the sun.

After a few minutes, may dalawang lalaki ang nakashorts and shades. Damn. They're hot. Pero mas hot yung isa! Sila naman ngayon ang pinagtitinginan. Napatingin sila sa side namin, then they removed their shades. Omg! Adrian and Dwyne?

--

AN: Update muna kahit konti! Pagtyagaan muna.

       Comment naman kayo guys :*

       Next time ko na lalagyan ng picture sa side :)) Abangan niyo yun! Hahaha. 

My Lady SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon