Chapter 1: "ROOM 13"

645 5 0
                                    

“Kring! Kring! Kring!”

“Ano ba Lorie ang ingay naman ng cell phone mo! Patayin mo nga yan!” galit na sabi ni Lucia

“Sorry ate, kasi naman ang kulit ng manliligaw kung ito, kahit alas dose na ng gabi tinatawagan parin ako!” sagot naman ni Lorie sa Ate nito.

“Eh sino ba kasing manliligaw na yan? Kahapon nakita kita kasama si Lloyd doon sa may cafeteria, tapos kanina si Stephen, tapos ngayon ibang manliligaw?! Ayos-ayosin mo nga yung buhay mo!”

At hindi na nakasagot pa si Lorie at dinampot nalang ang cell phone sabay sabing “Hello? Sino ba’to? Hating-gabi na, please lang patulugin mo naman ako, pwede?!”

Subalit walang sumasagot sa kabilang linya. . .

“Hello! Sino ba’to?” galit na sabi ni Lorie ngunit wala paring sumasagot sa kabilang linya, maliban lang sa kaluskos at ingay  ng electric fan ang naririnig ni Lorie.

“Ano ba Lorie?!! Magagalit boardmate natin yan eh! Hinaan mo nga yang boses mo!” pagalit na pabulong ang pagkasabi ni Lucia sa kapatid.

“Bahala ka sa buhay mo! Gago!” pabulong na sabi ni Lorie sa tumatawag sa phone at tuluyan narin niya itong binaba.

Kinaumagahan, tumunog ulit ang cell phone ni Lorie.

“Oh! Ano na naman yan?”

“Ate, text lang ito, galing kay Stephen, nag go-good morning lang”

“Ikaw talaga, oh eto na yung tuwalya (sabay abot kay Lorie) maligo ka na at male-late kana sa trabaho mo”

“Yes madam”  pabirong sagot  ni Lorie at kinuha ang tuwalya sa kapatid nito.

Pagkalabas ni Lorie sa pintuan ay may napansin siyang isang pintuan na bahagyang bukas. Dahan-dahan siyang lumapit at nagulantang sa nakita, isang pulang mata na natatabunan ng buhok. Napa-atras si Lorie sa takot at dahan-dahan na naninigas ang mga laman nito. Hahawak na sana siya sa doorknob subalit hindi niya namalayan na kamay pala ni lucia ang hawak-hawak niya.

“AHHHH!!!” sigaw ni Lorie

“Hoy Gaga! Ako ito! Ano bang nangyayari sayo? Ba’t ka sumsigaw? Baka magising yung ibang boarders”

“Ate naman eh! Ba’t andiyan ka? Kanina ka pa ba diyan?” ngining na tanong ni Lorie

“Hindi ba pwedeng pumunta ng banyo?” birong sagot naman ni Lucia

“Eh kasi naman ikaw eh, ba’t ang lamig ng kamay mo? Akala ko tuloy may multo sa likuran ko”

“Overs naman ito! Eh sino naman kasi ang hindi lalamigin sa tubig at ang ginaw kaya ngayon, baka nalimutan mong umuulan kanina pa? Pero teka nga, ba’t ba parang ang putla mo? At parang naninigas ka diyan huh? Namaligno kaba?”

“Eh kasi ate, parang may nakita akong something diyan sa kwartong iyan (sabay turo sa ROOM 13)” halata pa sa kamay ni Lorie ang panginginig.

“Nakita? Na ano?” pagtatakang sagot naman ni Lucia

“Parang babae, mataas ang buhok”

“Eh ano ngayon? Diba nga mataas naman talaga ang buhok ng mga babae, katulad ng buhok mo! Hay naku, parang nahihibang ka na”

“Eh, okay sana kung ganun pero yung mga mata niya, ang pula tapos nakakatakot ang mukha niya, parang sunog na di ko mawari” at nagsimula nang maging hysterical si Lorie

“Hali ka nga! Sa ROOM 13 ba yung sinasabi mo?” sabay hablot sa natatakot na kapatid. At dahil nga sa takot na takot si Lorie ay sinubukan niyang pumiglas sa kamay nang kanyang ate subalit hindi niya magawa dahil sa mas malakas si Lucia kaysa kay Lorie.

A BOARDING HOUSE HORROR TALE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon