Magkabilang Mundo
ni Lee - Anne
Ika’y mayaman, gwapo’t matalino
Kung tutuusin nga,
Ikaw na ay perpekto.
Pinapangarap ka nang lahat.
Matanda, bata o mapabalaki man.
Kasi ikaw yung tipo,
Na ideal ng lahat.
Isa ako sa umiidolo sa’yo.
Pinapangarap kong
Mamahalin mo rin ako
Hindi lang yung taong inilaan para sa’yo.
Pero, sabagay, anong magagawa ko?
Kahit anong gawin o isakripisyo ko,
Hindi pwedeng magkaroon ng ‘tayo’.
Mas mahirap ka pang abutin
Kaysa sa kay Daniel Padilla.
Kasi ang mga katulad niya,
Isang “Hi!” lang,
Pwede pang makuha.
Pero sa’yo?
Kahit isang ngiti,
Wala akong makukuha.
Napakasaklap, ‘di ba?
Napapanaginipan kita,
Pero hanggang doon lang.
Dahil tayong dalawa,
Iba ang mundong ginagalawan.
Nakatira ka kasi,
Sa imahinasyon ng tao!
Gawa – gawa ka lang
Ng kahit sino!
Ako ang sa realidad
Ikaw naman sa fantasia.
Totoong hangin,
Di mo hinihininga.
Mundo nati’y magkaiba.
Masakit!
Kasi ikaw pa ang pinangarap ko!
Pero kahit hindi ka totoo,
Tandaanan mo sana to:
Minahal kita ng buong – buo,
Kahit isa ka lamang tauhan sa isang libro! </3
Flashback Elem. PSB.
ni IDa FaYe
Naalala mo pa ba?
Grade 1 pa lang tayo?
Sinabi mong,
“Kumita ka ti ngato!”
Ako rin nga shunga, tumingin.
“Tekka!” Tawa mong sabi.
Pag – uwi ng bahay,
Konting hinga tas assignment na.
Para tamang – tama,
Meteor Garden na! Yipee!!
Tandang – tanda ko pa nga
Yung first time natin sa Academy Day?
About New York ang atin.
Props natin,