Ano ba ang Katotohanan?

118 3 0
                                    

Nababaliw na ba ako?

Sa bawat minuto at segundo?

Tangan lagi ang litrato mo

Hanap hanap ka sa panaginip ko

Oo implusible na

Na sa aki'y mapunta ka,

Langit ka ako'y lupa,

Alipin ako't ika'y bathala

Litong lito na ang aking isip

Inihihiling kana sa panaginip

Ipinagdarasal ka sa langit

Tanging ikaw ang gustong makamit

Nalilito ka rin, iyong banggit.

Mga katagang  maling nasambit

Kirot sa puso at aking isip

ni sigundo'y hindi mawaglit

Ano ba ang bawat kahulugan?

Mga ngiti natin at tinginan,

Siguro nga't ilusyon lamang

Ano nga ba ang katotohanan?

Ano ba ang Katotohanan?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon