Hi! I'm Alex. Super boring ng first two classes ko kanina and 5 hours ang break namin before our next class. Biruin niyo, 5 hours? Pwede pa kong manood ng sine! Pero dahil nakakatamad lumabas ng school, tambay nalang muna kami sa usual tambayan namin dito sa university, ang "runway". Well, kaya siya tinawag na "runway" kasi daanan talaga siya. Nilagyan lang ng chairs yung magkabilang gilid para gawing tambayan ng mga students. Yung ibang students nga lang na dumadaan, feeling model maglakad sa gitna kasi nga naman may tendency na pagtinginan sila ng mga taong nakaupo sa gilid. So syempre, gagalingan nila maglakad. Hence, "runway".Btw, I'm with Barbs, Gela, Camille and Jeremy right now. Mga barkada ko sila since 1st year but sadly, hindi ko sila classmates this sem. Currently, we're on our 3rd year na as Advertising students. One more year to go and graduation na! BUT! I know it's never going to be easy for me since kailangan kong i-maintain ang GWA ko kung gusto kong maka graduate with Latin honors. Haaay wish me luck guys!
Barbs: Uy Gela, kamusta pala yung celebration ng monthsary niyo ni Dave kahapon?
Haaay nako! Ito na naman tayo sa usapang "jowa". Can't relate kami ni Jeremy pagdating jan kasi wala naman kami nun! Ako? NBSB. (Yep guys, you read it right NBSB ako) Di ko pa kasi nahahanap "siya" eh. CHOS! Di naman kasi ako naghahanap. Laude muna bago lande, ganern! Si Jeremy? Ayern, tinderella ng taon! Ewan ko ba sa mamshie ko na 'to kung anong trip niya sa lyf. (He's gay)
Gela: Ayun okay naman. Ang sweet nga niya eh, paano ba naman ininvite niya yung buong pamilya ko maglaro ng bowling, libre niya syempre. Tapos kumain kami sa buffet.
Me: Taray, may pa-buffet si Mayor! Hahahaha.
Jeremy: Hahaha, uy ano ka ba mamshie! At least ma-datung ang nabingwit nitong friendship natin. Oh ikaw Barbs, malapit na anniversary niyo ni Karl ah. Anong balak mo?
Barbs: Ako? Wala naman. Para namang hindi niyo kami kilala ni Karl. Kakaiba kami magcelebrate ng mga ganyang occasion diba? Gusto ko nga sana umakyat ng Pulag or mag Baguio eh. Wala lang.
Jeremy: Uy teh, ang goals niyo talaga ng jowa mo ano?
Me: Hoy Jeremy, alam mo ikaw tigil-tigilan mo nga ako diyan sa goals goals na yan ha. Dapat kapag nasa relationship ka hindi mo iniisip o bine-base yung mga gagawin niyo sa kung anong magiging tingin ng iba sa inyo. Dapat hindi nakadepende sa "relationship goals" na yan ang mga gagawin niyo. Kaya ako kapag nagka boyfriend, gusto ko spontaneous...yet happy.
Jeremy: Ayan na, nagsalita na si Mayora. Sige teh, kailan pa kaya mangyayari yang spontaneous yet happy eklavu mo diyan? Kung ako sa'yo, mag-aral ka nalang.
Me: CHE KA BAKLA!
Gela: Oh ikaw Camille, kamusta na kayo ni Nick?
Camille: Keri lang. Ganun pa din. Wala namang bago haha.
Jeremy: Naku bakla, magulat ka pag may bago na yang jowa mo hahahahaha.
Camille: Baliw ka baks! Subukan lang niya! Susugurin ko siya sa Pampanga ng wala sa oras!
Me: Ate mong palaban hahahaha.
Barbs: Ikaw ba Alex, anuna? Isang taon na lang tayo dito sa school oh. Ano nang balak mo?
Me: Ay nako bakla, wala akong balak. Balak ko grumaduate ng may latin honors. Yun lang.
Jeremy: Alam mo teh, napaka grade conscious mo no? Mag unwind ka naman minsan! Wag puro aral! Lahat ng sobra, hindi healthy. Have fun! Fall in love! Try mo rin kaya!
Me: Wow, coming from you ah?
Camille: Actually Alex, tama si bakla. Masaya rin yung alam mong bukod sa pamilya mo, may ibang nagmamahal and nag-aalaga sa'yo.
Gela: Oo nga girl! Tsaka masaya gawin yung mga bagay na gusto mo kasama yung taong mahal mo.
Barbs: Korek! Masarap mainlove Alex. Wala namang mawawala sa'yo kung susubukan mo eh.
Grabe tong mga to magsalita, edi kayo na may lovelife! Actually, minsan naiiisip ko rin naman kung anong feeling magka boyfriend. Curious lang din ako. Syempre may pakiramdam din naman ako no? Hindi naman ako robot. Pero hindi naman kasi ako nagmamadali. Naniniwala akong may right time para dun at hindi yun ngayon. Pero dahil sobra nila kong i-pressure ngayon, I decided to...
Me: HEP HEP! Tama na! Okay. Sige. Uhm. My pamili. Wait. Ow my gosh hahaha.
Barbs: Bakla ano ba!
Me: Haha ito na kasi! Ano, may sasabihin kasi ako sa inyo.
Jeremy: Oh chika! Bet ko yan!
Me: Actually guys........
I'm dating someone.
LIE.
BINABASA MO ANG
Two by Two
RomanceAlex is an overachiever yet NBSB who is pressured by her friends to have fun and get herself a boyfriend. A part of her wants to experience what it feels to have a boyfriend, but also a part of her thinks she doesn't need one and she should just fo...