Xandra's POV
Nag lalakad ako ngaun papunta kung saan mag isa. Hapon na din, mga tulog din kasi mga kasama ko. Mga napagod siguro. Haha. Ayaw ko naman mag stay sa kwarto namin kasi nabobored lang ako at hindi din naman ako inaantok. Kaya pinili ko na lang na mag lakad lakad.
Habang nag lalakad lakad ako parang nakarating ako sa isang gubat? Woooow! Akalain mong may ganito dito. Haha. Buti na lang dala ko yung camera ko, baka may mga magagandang bagay ang nasa loob nitong gubat nato.
Nag lakad na ako papasok ng gubat pero siyempre sa lahat ng nadadaanan ko nilalagyan ko ng tanda. Mahirap na no. Baka maligaw ako dito tas baka hindi na ako makalabas. Mahirap kaya yun. Baka dito matapos ang buhay ko. Haha. Tas maging end of the story agad to. Haha.
Xander's POV
Sinusundan ko siya ng palihim. At feeling ko naman hindi niya ko nahahalata kasi busy sa pagkuha ng picture. Yeah, si Xandra ang sinusundan ko. Nakita ko kasi siya nag lalakad papunta dito sa gubat nato kanina. Hindi ko naman gusto na sundan siya pero feeling ko ito na yung chance ko na makausap siya ng walang sagabal.
At yung mga tanda na nilagay niya sa bawat dinadaanan niya tinatanggal ko din ng palihim. Kasi alam kong kapag lumitaw ako sa harap niya mag mamadali umalis to. Kaya tinanggal ko yun at pinalitan ng ibang tanda. At yung tanda na yun hindi niya mahahalata.
Nag pipicture si Xandra at ako naman biglang sumingit dun sa kinukuhaan niya.
Ay pusang gala! Ano ginagawa mo dito, Xander? " sabi niya. Xander nanaman ang tawag niya sakin -_- Sinabi kong Yves na lang eh.
Baka sinundan ka. Tsk. Wag mo nga akong tawaging Xander. Sinabi ko na Yves na ang itawag mo sakin eh. Tsk" sabi ko
Bakit mo ako sinundan? Dapat di kana sumunod sakin. Tsk. Oo na lang"
Wala lang. Masama ba sundan yung taong gusto ko? Tsaka may nag sabi sakin noon na sundan ko daw yung pangarap ko, kaya ito sinusundan kita" sabi ko. Langya, parang ang ewan ng sinabi ko ah -_- Pero ayos na din yun kasi nakita ko siyang namula. Haha. Mabilis pa din talaga siya mamula.
Che! Hindi ako nakikipagbiruan sayo, Yves. Tsk. Bumalik kana nga dun. At hindi ako ang pangarap mo"
Ayoko nga. Hindi kita iiwan dito, baka maligaw kapa. Ikaw din. Baka bigla kang mawala tas ka susundan agad kita para magkasama na tayo habang buhay " sabi ko habang ngiting ngiti. Haha. Tas siya lalong namula ang mukha. Ang cute mag blush.
Tigilan mo, Yves Alexander Young! " Sigaw niya habang namumula. Haha. Ang cute talaga.
Alam niya buong pangalan ko. Ikaw ah. Haha. Mahal mo pa ko no?"
Takte talaga. Tsk. E ano naman kung mahal pa nga kita? Kahit mahal pa kita hindi na tayo pwede kasi may boyfried ako! " sabi niya sabay takip ng bibig. Nadulas to. Haha. Tuloy tuloy kasi kung mag salita eh. Ayan tuloy nangyayare. Pero sa totoo lang di ko ineexpect na aamin siya ngaun. Niloloko ko lang naman siya eh.