Leron, leron sinta
Buko ng papaya,
Dala-dala'y buslo,
Sisidlan ng sinta,Pagdating sa dulo'y
Nabali ang sanga
Kapos kapalaran,
Humanap ng iba.Sa kantang Leron Leron Sinta, Ano ang pinaka masakit?
A. Nabali ang sanga.
B. Kapos kapalaran.
C. Humanap ng iba.
Parang love lang yan eh. Sa una masaya, mahal na mahal niyo ang isa't isa. Susunod, magkakalabuan kayo, magtatalo madalas may mga bagay na kayong hindi mapagkakasunduan. Ang ending?
TENTENENTENEN! Ang mahiwagang Break up!
In other words walang perfect na relationship sa bagay na yan pantay pantay ang lahat ng kasarian ng tao.
Lalo na sa relasiyon ng ikatlong lahi. Unbalanced dahil pareho silang seloso, walang tiwala sa isa't isa.
Paano parating ikinukumpara ang sarili sa iba. Insecure, walang kompyansa sa sarili at higit sa lahat parating tamang hinala sa isa't isa. Kaumay diba?
Katulad din sila ng ibang relasiyon. Dumadaan din sila sa iba't ibang klase ng pagsubok na higit pa sa inaasahan mo.
Komplikado kasi parehong pabibo. Magulo, away bati, bati away. Selos dito, selos doon. Maingay at makulay.
Parang switch ON and OFF.
Parang pinto. May PUSH may PULL.
Parang Araw at Gabi.
Parang klima sa Pinas Tag araw at Tag ulan.Parang lalake at Babae...
Nakakarindi kung bumbilya lang sila malamang pareho na silang napundi.
Mataas ang pride. Mataas pa sa height nila pareho. Pero kapag nagmahal sila. Mahal na mahal kaya kapag nasasaktan din sila masakit na masakit.
Diba ang gulo parang ako. Nobodys perfect kung meron ituro niyo sa akin kokonyatan ko. Ching! :D
Copyright © 2017 by cyborgmomo
All rights reserved.
Walang bahagi ng kwentong ito ang maaring sipiin o gamitin ng walang nakasulat na pahintulot mula sa may akda.
Ang kwento ito ay pawang kathangisip lamang. Ang mga pangalan, karakter, organisasiyon, lugar at mga pangyayari ay produkto lamang ng imahinasiyon ng manunulat.
Kung may pagkakahalintulad ang mga ito sa aktwal na mga tao, lugar at pangyayari, ito ay pawang pagkakataon lamang.
BINABASA MO ANG
LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)
Teen FictionNa in LOVE ka na ba? Kung Oo anong lasa? Mapait, matabang, maanghang o matamis ba? Eh yung feeling ng nililigawan ka, naaalala mo pa? O Mas naalala mo pa yung time na iniwan ka niya? Ang love walang pinipiling gender yan. Kapag tinamaan ka, sap...