Isang bagsak

31 0 0
                                    




Si Andy at si Gago

May kasabihan tayo na, kapag matalino ang babae, tanga sa pag-ibig, di ba? High school pa lang ako, naniniwala naman ako dun eh, dahil pinanood kong magpakatanga yung first honor namin sa iba't ibang lalaki sa buhay niya. Lahat ng nangyari sa kanya at sa mga kaibigan ko sabi ko sa sarili ko, hinding-hindi mangyayari sa akin yun.

Hindi nga nangyari, dahil iba pala yung magiging kwento ko.

Bored ako nung mga panahong yun dahil nga nasa bagong lugar ako para sa trabaho, wala akong kilala at hirap din akong makipagkaibigan sa iba. Nag-online ako sa isang app para kahit papano may magawa ako sa weekend ko, halos lahat ata ng posts nirereplayan ko, iba namang pangalan ang gamit ko kaya okay lang yun, big move dahil kasi kahit ganun mahiyain pa din ako. Halos pare-pareho lahat ng reply ko, "Sabihin mo 'tangina' nila. Haha." May mga nagreply sa akin pero hindi nila magets kung ano yun dahil halos foreigner sila.

Eksenang Isa:

Kano: What do you mean?

Me: Sabi ko gago ka.

Kano: Do you speak English.

Me: Oo, pero hindi sayo.

Kano: I can't understand.

Me: Paalam, Adios Marimar.

Eksenang Pangalawa:

Kano: Are you Pinay?

Me: Tingin mo teh?

Kano: I love Pinays.

Me: Mahal ko din sarili ko.

Kano: Can I see you? Pinays are beautiful.

Me: Pag lumipad ang baboy.

Kano: Huh?

Me: Sabi ko gago ka.

Di ba? Sobrang bored ko lang.

Gago: minura ko na nga sila eh, di ko sila bati binlock nila ako

'Tangina, pinoy pala 'tong isa,' sa isip-isip ko.

Me: Hala, bakit? Baka kasi gago ka.

Gago: good boy nga ako eh

Gago: di ko alam

Gago: judgmental mo naman

Gago: panget ko kasi

Me: Grabe naman yang mga nakakausap mo.

Gago: oo nga

Gago: pag ako pumogi di ko sila kakausapin

Me: Malamang nablock ka na eh

Gago: sungit mo naman

Gago: ano ba pangalan mo

Me: Di bale, di naman kita ibblock eh. Baka ako pa iblock mo

Gago: oi di ako nambblock ah

Gago: ayoko ngang maranasan ng iba mablock

Gago: ako na lang wag lang iba

Gago: sanay naman ako laging sinasaktan

Me: Hahaha gago humugot

Gago: syempre

Gago: ano na nga pangalan mo

Me: Di ka ba nagbabasa? Ayan nga oh.

Gago: totoong pangalan mo yan

Gago: andy eigenman

Gago: maganda ka siguro

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 17, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Si Andy at Si GagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon