Pastry Chef vs. Chief Cook (Part VIII)

363 12 0
                                    

PCvsCc : (4th meet)

Martin's POV

pagdilat ng mata ko ay nakita ko na ang haring araw na sumisilip na sa kurtina ng bintana ng kwarto ko, naupo ako sa kama at saka nag dasal, matapos kong mag dasal ay kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa beside table ng kama ko para sana silipin kung anong oras na

1message received
from: unknown number

mabilis kong inunlock ang phone ko gamit ang finger print scanner ng button ng celphone ko at saka ini-open ang message

[good morning martin, tara breakfast tayo]
gumuhit ang mga ngiti sa labi ko ng mabasa ko ang message ng antipatikong to, agad ko namang isinave ang number nito saka nireplyan

"morning, kakagising ko lang eto gagawin ko lang morning rituals ko bababa na din ako para mag breakfast" reply ko dito, ang aga aga my parang mga butterflies nnman akong nararamdamang palipad lipad sa loob ng tyan ko.

[ah ganun ba?, oh cge do your morning rituals and eat your breakfast after that, and take care of your self, mag aayos na ko my pasok kasi ako sa trabaho ngayon eh] halos magpa-gulong gulong ako sa kama ko ng mabasa ko ang reply nito, i think i like this antipatiko na,

"ok hahaha caring ha, parang tatay lang, by the way ingat ka sa trabaho mo and dont skip your meals to" pa demure na reply ko ulit dito paking shape kulang nalang malaglag ako dito sa kama ko sa sorang kilig na nararamdaman ko,

[hahaha parang tatay talaga? ang gwapo ko namang tatay, haha by the way thanks, and promise me you'll never skip your important meals, cge ligo na ko] reply nya

tuluyan na kong nalaglag sa kama ko kakapagulong gulong dito,

"aww!" daing ko ng makatayo ako

*knock knock*

"kuya martin gising ka na ba? pwede mo ba kong ihatid sa school ngayon" sabi ni bunso sa likod ng pinto

binuksan ko ang pinto para kausapin ito

"wow kuya ang fresh mo naman po ang blooming nyo po, di halatang kagigising nyo lang" sabi nito ng makapasok sa kwarto ko

"nako ang agang pambobola nyan ha, kahit di mo naman bolahin si kuya eh ihahatid naman kita sa school! ikaw pa ba ang lakas lakas mo sakin, anong oras ba pasok mo?"

"10:00am po, and for your information kuya i'm just telling the truth, ngayon lang kita nakitang blooming kahit bagong gising, siguro kuya napanaginipan mo si future brother no? ayieeee" pang iintriga nitong kapatid ko, kabata bata my nalalaman pang mga ganun feeling ko tuloy ka-edad ko lang kausap ko

niyakap ko ito para i-kiss at kilitiin

"hahahahaha kuya hahahahaha tama na hahahahaha kuya please hahahahaha" reklamo nito ng walang tigil ko syang kilitiin

"ikaw bunso yang mga iniisip mo, naku tigilan mo si kuya, pag di ka tumigil kikilitiin pa ulit kita"

"hahaha oo na po kuya, basta hatid mo ko sa school ha"

"oo na hahatid na kita, mag ayos ka na tapos after natin mag almusal hahatid na kita, mag aayos lang din ako" sagot ko dito ng damputin ko ang comforter ko na nahulog na sa sahig

Pastry Chef vs. Chief Cook (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon