Chapter Twenty Nine

1.7K 46 1
                                    

(Warning: SPG Alert...)

Reign POV

Hanggang ngayon hawak hawak ko pa din ang bulaklak na nakuha ko kanina. Ang sarap sana isipin na ako na ang susunod na ikasal kaso alam ko namang malabong mangyari yun.

Hindi ko din naiwasan magtampo sa kanya kanina ng tanungin kami kung kelan kami ikakasal, hindi kasi sya sumagot pero alam kong iniiwas nya lang pag usapan yun.

Madalas ko din syang nakikita ngayong nakatulala kagaya kanina, hindi ko alam kung bakit sya nagkakaganun kaya nilambing ko na lang sya.

"Mauna ka na magshower babe!" Sabi ko sa kanya ng makarating kami sa kwarto sa condo nya.

"Sige babe!" Sabi nya saka ako dinampian ng halik sa lips bago nagtungo sa banyo.

Inihanda ko na ang kanyang susuotin. Salitan kami, pag ako naunang maliligo sya ang nagpprepare ng susuotin ko at ganun din naman ako sa kanya pag sya ang nauna. Parang mag asawa na nga kami sa set up namin eh kasal na lang talaga ang kulang.

Hay naku! Kasal na naman. Tsk.

Tumayo na ako saka nagtungo sa banyo ng makitang tapos na syang maligo.

Nang matapos akong magshower nagsuot lang muna ako ng underwear bago pinatungan ng bathrobe saka ako lumabas.

Nakita ko naman syang nakaupo sa kama at nakasandal sa headboard habang nagbabasa ng libro. Ewan ko ba kung anong binabasa nya. Ang hilig nya kasing gawin yan bago matulog.

Ang hot nyang tignan ngayon, bagay na bagay sa kanya yung salamin nya. Napadako naman ang tingin ko sa makinis nyang legs. WTF! Bakit parang bigla yatang uminit. Tsk tsk. Epekto yata to ng wine na nainom ko kanina, nakarami din kasi ako.

Aaminin kong ilang beses na din kami nag make out ni AJ pero hindi yun tumuloy sa ano.. alam nyo na un! Sya na din ang unang tumitigil. I know she respect me so much kaya sya nagpipigil pero minsan hindi ko din maiwasang mag isip. May nangyari na kasi sa amin diba nung nalasing sya noon at nagkaaminan kami ng feelings namin sa isa't isa, so ano pang use ng pag pipigil nya? Napatigil naman ako sa pag iisip ng maramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likod.

"Sorry babe!" Bulong nya habang nakayakap sa akin. Kita ko ang repleksyon namin sa salamin.

"Sorry for what?" Takang tanong ko naman dito saka humarap sa kanya habang nakayakap pa din sya sa akin.

"Alam ko kasing nagtatampo ka. Babe! Promise! Darating din tayo dun. Hindi lang muna ngayon. Sana main~" Hindi na nya natapos ang sasabihin nya kasi pinutol ko na iyon ng halik.

"I understand babe! Don't worry. Maghihintay ako babe kasi mahal kita." Sabi ko.

"Salamat babe sa pag intindi. Mahal na mahal din kita." Saka ako hinalikan ulit.

Nakaramdam ako ng init ng palalimin nya ang aming halikan at parang nanghina ang tuhod sa mga haplos nya kaya nakapit ako sa batok nya.

Unti unti syang umaatras ng hindi napuputol ang aming halikan hanggang naupo sya sa kama at pinaupo ako sa lap nya paharap sa kanya.

Ngayon nya lang ito ginawa kaya sa tingin ko hindi lang make out ang mangyayari sa amin ngayon. Okay lang naman sa akin yun dahil handa naman akong ibigay ang sarili ko sa kanya dahil mahal na mahal ko sya.

*****

AJ POV

Ang dapat na balak kong lambingin lang sya kanina ay napunta mainit na tagpo.

I Will Never Give Up on You (Girl X Girl) - 'Completed'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon