Chapter 6:
"Ayoko niyan masyadong mabulaklak! atsaka ang sakit sa mata ng kulay." Bulyaw ko kay Kevin dahil pinipilian niya ako ng damit na para sa first pasabog day namin bukas para sa perfect revenge na yan.
Kanina pa kami dito sa mall namimili at naghahanap ng essentials for perfect revenge thingy. Kaya kahit gustong-gusto ko ng umuwi ay hindi ko magawa dahil binabantayan ako ng maigi ni Avy. Miski nga sa loob ng fitting room ay sinasamahan pa ako ng bruha. Tinalo pa niya ang security guard sa pagbabantay sa akin wag lang makatakas. As if namang makatakas ako dito sa fitting room na puro salamin lang ang laman sa loob. Kakaloka siya hays.
"What did you said!? Anong masakit sa mata? This is what you called fashion!! Kailangan maging attractive ka sa paningin ni Blake noh!" Paghihimutok ni Kevin.
"Sa tingin mo magugustuhan yan ni Blake? Eh ang sakit kaya sa mata! baka mabugbog lang ako nun at kutya-kutyain dahil diyan sa damit na yan!" Depensa ko dito. Sana kumagat ang loka-loka sa sinabi ko.
Tinignan niya ako ng nakataas ang isang kilay at sabay singhal atsaka niya padabog binalik ang damit sa kung saan niya ito nadampot. Whew! Buti naman at kumagat ang gaga.
"Eto Kevin tignan mo! Mukhang bagay sa kaniya 'to! Bilis tignan mo!" Maligalig na sambit ni Ferdie. Kaya't lahat kami ay napatingin sa kinakatayuan niya. Dali-dali namang pumunta si Kevin sa pwesto ni Ferdie upang tignan kung ano yung sinisigaw ng baklang amazona.
"Wow! Ang ganda naman nito! Tama ka. Mukha ngang bagay 'to sa kaniya. Minsan Ferdie mapapakinabanggan ka din pala." Tuwang-tuwa sabi ni Kevin. Dahil na curious ako ay lumapit na din ako dun sa pwesto nila at tinignan ang damit na hawak nila Kevin at Ferdie na maganda daw.
"Ang ganda ng jumper dress na 'to magmumukha kang tunay na babae dito Ash! Pero any kind of clothes naman na pang girl magmumukha ka na talagang girl." Maligalig na sabi ni Kevin. Nanlaki ang mata ko ng unti-unti niyang inangat ang jumper dress na hindi ko talaga actually alam. Akala ko ito yung simpleng jumper lang na pang unisex na pwede kahit kanino pero laking gulat ko ng papalda pala ito na jumper! Jusmiyo mapapatay ako nito nila kuya eh! Pero si Avy mukhang walang pakialam kung mapagalitan man ako nila kuya Ashton at kuya Ashford dahil ang lapad ng ngiti niya na parang baliw.
"Ay bet ko yan! Yan ang trending jumper ngayon eh,! Ang cutie naman neto. Pwedeng ako na lang ang bumili nito." Sabi ni Avy na ikinatuwa ko.
"Oo nga sis! Mukhang bagay nga sayo yan! Ikaw na lang magsuot niyan ha." Pang-uuto ko sa kaniya. Pero dito talaga sa storyang ito may mga kontrabidang pa epal katulad na lang ni Kevin.
"Hindi! No! No! No! No! Hindi pwede! Syempre dapat mas magmukhang girl sa paningin ni Blake itong si Ash kaya siya ang dapat magsuot nito. Kung gusto mo bumili ka na lang din ng isa but I preferred na mas maganda kung hindi kayo mag katulad ng damit baka malito si Blake niyan sainyo." Mahaba niyang litanya. Diba ang epal niya. Kainis lang.
In the end ayun na ang binili namin na damit at kung anu-anong pang malalanding gamit ang binili nila para daw sa akin.
Pumunta naman kami sa shoe department kung saan ibibili daw nila ako ng stilettos, kaya't agad-agad akong nagmaktol na ayoko dahil super uncomfortable mag suot ng high heels.
"Girl kailangan mo yan! Para mas maattract mo si Blake, diba yun ang una nating goal." Sabi ng mangkukulam na si Kevin.
"For God sake Kevin! Ayoko mag heels natatapilok ako dyan. Baka yung principal pa ang maattract sa akin niyan at imbitahan ako papunta sa office niya at bigyan ng suspension or worst, expulsion. Gusto mo yon? Ako kasi hindi ko gusto yun."
"Yeah tama siya Kevin baka mapagalitan siya ni Moises (Principal naming panot) " Pagsang-ayon ni Veronica.
"Hindi yan mukha ka namang true girl Ash! Sa tingin mo ba malalaman agad ni Mr. Moises na badeng ka. Diba hindi!" Bulalas ni baklang Uno na sinang ayunan pa ng baklang hapon at ni putrageece.
BINABASA MO ANG
Operation: Seducing Mr. Homophobic
Novela JuvenilDISCLAIMER: BOY TO BOY CONTENT! "Make Mr. Homophobic fall inlove with you" Yan ang katagang gumulatang sayo na lumabas sa bibig ng iyong kakambal ng lokohin at saktan ang fragile heart nito ni Blake Edwards. Alam mong napaka imposibleng mangyari an...