Tapos
Kay tagal na nating nagsamang dalawa
Inabot na nga tayo ng taon sa pagiging magshota
Pait, saya, tuwa, kilig ag samu't saring mga emosyon
Lahat ng iyan pinaramdam mo sa akin noonPero bakit tila di ko mawari kung ano ang atibg problema?
Minahal mo bang talaga ako o biro lang lahat ng ito?
Mahal, hindi ako laruan na gagamitin mo kapag bago oa at kapag naluma ay iyong binabalewala..
Hindi ako isang chewing gum na kapag wala nang lasa itatapon muna..Lahat ng pangako mo pinanghawakan ko..
Pero bakit parang kalaunan napapako ang mga ito..
Pinagtitripan mo lang ba ako o ano?
Minahal kita ng buo, kaya ayoko ng may kahati kapag minahal mo ako..At ngayong wala na tayo?
Sige magpakasawa ka diyan sa bago mo..
Maging masaya sana kayo
Kahit alam niyong nasasaktan ako..Hindi ko na rin naman mababago ang nakaraan.
Hindi ko na maibabalik ang oras kung saan tayo pa ang nakalaan
Mahal kahit umiyak pa ako ng dugo buong maghapon balewala rin naman sayo
Kahit lumuhod ako sa harapan mo hindu na mababago ang ngayon..
at kahit sabihin kung mahak kita, mahal pa rin kita, at mamahalin pa rin kita.. Siya pa din naman ng pipiliin mo hindi ba?Kaya mahal, Sayang lang ang aking luha kung patuloy pa itong tutulo
Sayang lang ang aking pagod kakahagulgol kung wala ring magbabago
Sayang lang ang laway ko kung patuloy akong magmamakaawa sayo...
Sayang lang ang pagiging matapang ko kung para rin lang naman sa taong ayaw ako...Mahal, ito ang tatandaan mo...
Tapos na ako..
Tapos na akong magsabi sayong mahal kita kase iyong binabalewala..
Tapos na akong umiyak para sayong pagpapa-asa
Tapos na akong umasa sa iyong mga salita
At tapos na ako sa pagmamahal sa taong katulad mo na wala namang pake sa taong nagmamahal sayo..Kase alam mo Mahal, ang hirap mong mahalin..
Ang sakit mong mahalin... Kaya sa pagkakataing ito...
Sususko na ako sayo...
Maging masaya ka na lang sa bago mo..
Tapos na ako sayo at magsama na kayo..
BINABASA MO ANG
Tula Para Sa Aking Mga Naging Sinta
PoesíaMga salitang di mabigkas Kaya pilit na tumatakas Mga salitang di masabi Tinatago nalang sa paghikbi Mga salitang di magawa Aking idadaan sa tula Bunga ng pagmamahal at pag-iwan nila Lahat ng ito'y aking nailathala