"Ngayon ko lang narealize, mas takot pa la kong mawala ang knight ko kaysa sa prinisipeng hinahabol-habol ko."
--
/DASURI/"'Yung prinsipe at batang babae, si Kai ba 'yon at si.. Sarah?" Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Marami na kasi akong naririnig tungkol sa nakaraan nila pero ngayon lang talaga ko nalinawan sa mga nangyayari.
Kaya ba ganon na lang kung makatingin sa'kin si Sarah? Kaya ba sa tuwing tititigan nya si Kai, para syang nasasaktan?
Pinahinto ni Shawn ang paglalakad ng kabayo. Nilingon nya ko at nagsalita, "Kung sabihin kong oo, may gagawin ka ba para mawala ka sa kwento?"
I stare at him for a seconds. I don't know what to say. Basta nakatitig lang ako sa kanya at pilit inaabsorb ang lahat.
"Hindi. Hindi 'yan totoo. Sinasabi mo lang 'yan para guluhin ang isip ko," I forcefully shook my head.
"Bakit ko naman gagawin 'yon?" He confusingly asked me.
"Ewan ko. Basta hindi 'yon totoo. Ang mabuti pa, bababa na ko dito." Sinubukan kong bumaba na mula sa ibabaw ng kabayo pero pinigilan nya agad ako.
"Sandali, makinig ka muna sa'kin," hinawakan pa nya ko sa braso.
"Hindi ako nagbibiro. Kung gusto mo puntahan mo pa 'yung kakahuyan na 'yon," Itinuro nya 'yung kakahuyan sa di kalayuan, "Meron sila doon na itinayong tree house 'nung bata pa sila. Doon sila madalas magpalipas ng oras at maglaro na parang tunay na magasawa. Pumunta ka 'don nang malaman mong nagsasabi ako nang totoo," nakipagtitigan sya sa akin para ipakita ang sinseridad nya sa kanyang mga binitawang salita.
Nanginginig kong hinawakan ang kamay nya sabay hawi rito. "Hindi parin ako naniniwala."
Bumaba ako sa kabayo nang walang tulong nya. Bahagya pa kong nadulas pero naitukod ko naman agad 'yung siko ko kaya hindi ako masyadong nasaktan. Mukhang balak pa nya kong tulungan pero tumayo lang ako at agad syang tinalikuran.
Tama sila. Dapat umpisa pa lang hindi ko na sinubukang kausapin ang isang total stranger. Ano bang nasa isip ko't sumama pa ko sa kanya? Tino-toxic nya tuloy ang utak ko.
"Bahala ka! Kung ayaw mong maniwala sa'kin, tanungin mo 'yung asawa mo. Sigurado naman akong pareho lang ng sinabi ko ang isasagot nya sa'yo," nagawa pa nitong isigaw sa'kin. Pero hindi. Hindi ako tanga para maniwala. Hindi ko na sya sinagot at nagsimulang maglakad palayo.
"Ano bang problema nya? Bakit nya sinisiraan sa'kin si Kai?" Nagdire-diretsyo na ko nang lakad patungo sa bahay ng lola ni Kai.
Labing limang minuto rin ang lumipas bago ko nakarating roon. Papasok pa lang ako ng pinto nang mamataan ko si Sarah, nakita na rin nya ko at napahinto sa paglalakad.
"'Yung prinsipe at batang babae, si Kai ba 'yon at si.. Sarah?"
Kaya ba ganon na lang kung makatingin sa'kin si Sarah? Kaya ba sa tuwing tititigan nya si Kai, para syang nasasaktan?
"Kung sabihin kong oo, may gagawin ka ba para mawala ka sa kwento?"
"Okay ka lang ba?" Nakatingin sya sa siko kong may sugat.
Hindi ako sumagot. Nilagpasan ko lang sya at naglakad na papasok. Ano ba 'tong nangyayari sa'kin? Pakiramdam ko nakikita ko 'yung batang Kai at Sarah na masayang naglalaro sa bawat parte ng bahay. Sa sala, sa kusina, sa hagdan at maski na sa mga kwarto. Hindi ko tuloy mapigilang maalala 'yung sinabi sa'kin ni Shawn.
"Doon sila madalas magpalipas ng oras at maglaro na parang tunay na magasawa."
I shook my head. Hindi ako mapapakali hangga't hindi ko nalalaman ang totoo. Lumabas akong muli nang bahay at muling nilagpasan si Sarah. Ayokong sa kanya magtanong. Paano kung kasabwat pala sya ni Shawn? Paano kung ginagawa pala nito 'to para magkasira kami ni Kai? I won't let that to happen.
BINABASA MO ANG
BOOK II: Officially Married To My Bias
Fanfiction"A successful MARRIAGE requires falling in love at many times, always with the same person." Book I : Secretly Married To My Bias