[Green Valley Royal High]
Hindi siya yung estudyante na bagsak yung grades, di rin naman siya yung tipong dadaan sa corridor at hindi mapapansin. Sa totoo nga, dahil matataas ang kanyang grades mabibilang na siya bilang isa sa mga nerds pero napakatalentado niya kaya nakaligtas siya sa titulong nerd. Dancing at singing, mas gusto pa niya ang dalawang iyon kaysa pag-aaral pero wala siyang magagawa, nakakulong siya sa isang school na parang kulungan.
Para sa kanya, ang kanyang school ay mas marami pang rules kumpara sa isang republic. Nung una, ayos lang sa kanya yung striktong paraan kung saan parang pinipilit sila ng kanilang school na mag-aral ng mabuti dahil bawat estudyante ay dapat makakuha ng mahigit 60% bawat exam. Pero sumobra na ito nung pinakekealaman na ng nila ang mga kaliit-liitang bagay. Halimbawa: bawal ipakulay ang buhok at tama lang ang ayos ng kanilang buhok pag papasok, black shoes lang dapat at rubber shoes lang kapag P.E. class. Lumala pa noong pinagbawal na ang pagdadala ng gadgets gaya ng cellphone, iPod, laptop, mp3 players at iba pa. Hmm, sabihin na nating pwede pa nga nilang dalhin kaso kailangan pang i-surrender sa class adviser bago magsimula ang classes at mababawi lang ito pagkatapos ng lahat ng classes. Sabihin na nating music is her passion kaya hindi na niya kayang magtagal pa dito. Sinayang na niya ang isang taon ng kanyang high school life, ayaw niyang masayang lahat ito sa kanyang school.
Nag-bow siya sa principal bago siya lumabas ng office. Pagkalabas niya doon, hindi niya napigilang ngumiti habang tinitignan ang letter na nakuha niya kanina. Approval form iyon, tungkol sa request niya kung pwede siyang mabilang sa mga exchange students na dadalhin sa Green Valley Imperial High next month. Dahil nga matalino siya, napagbigyan siya.
"Jenny!" isang pamilyar na boses ang tumawag sa kanya.
Tumalikod siya at humarap sa papalapit niyang kaibigan. "Trevor, sabi ko sayo hintayin mo na lang ako sa may gate eh."
"Oo, kaso 30 minutes na ata akong naghihintay doon. Nagmumuka na akong tanga kaya pinuntahan na lang kita dito." Napatingin si Trevor sa letter na hawak ni Jenny.
Napangiti si Trevor. "Natanggap ang request mo?! Masaya ako para sayo Jenny!"
"Hindin mo alam kung gaano ako kasaya ngayon, sa wakas makakaalis na ako sa school na ito." Huminga siya ng malalim at pinagpatuloy niya "Kailangan ko na lang ngayon ay pumasa sa exam sa Imperial High para maging permanent student na ako doon, makakaalis na rin ako sa impyernong ito~"
Biglang nawala ang ngiti ni Trevor. "Balak mo talagang umalis? Jenny, pag nakapasa ka na sa exam, tatanggapin ka ng Imperial High bilang isang permanent student at hindi isang exchange student, di ba? Ang weird mo talaga."
"Alam kong nalulungkot ka sa desisyon ko, pero wala naman akong magagawa. At bakit naman ako weird, huh?!" pabiro niyang siniko si Trevor.
"Bakit? Kasi kung gusto mo talagang makaalis dito, ba't di ka na lang nag-drop out ka at nagtransfer sa ibang school? Ba't kailangan mo pang magvolunteer para maging exchange student at mag-eexam para maging permanent student doon?" paliwanag ni Trevor.
Nagbuntong-hininga si Jenny "Trevor, alam mo namang hindi ako papayagang magtransfer ng parents ko. Sila ang nag-enroll sa akin dito di ba? Kailangan kong makahanap ng paraan para makaalis dito at kung makakapasa ako sa exam, madali na lang akong makakalipat. Ikaw rin! Dapat lumipat ka rin sa school na may buhay at kalayaan."
Nagtaas ng kilay si Trevor "Jen, isa sa mga professors dito ang dad ko di ba? Hindi pwede, at alam mo iyon. Siya nga pala, alam ba ng parents mo itong exchange-student thing?"
"Oo, ipinaalam na sa kanila na ipadadala ako ng school sa Imperial High bilang exchange student, pero hindi ko ipapaalam sa kanila yung plano ko na pagkuha ng entrance exam. Maganda rin palang maging exchange student no?" sabi ni Jenny at ngumiti kay Trevor.
"Yeah, right. Good luck na lang sayo!" sabi ni Trevor.
"Punta tayo sa dorm, tulungan mo akong mag-ayos ng gamit ko Trev." sabi ni Jenny, habang ipinapakita ang kanyang siganture puppy eyes sa kanyang kaibigan. Umiling lang si Trevor, iniisip kung paano makakasurvive sa Imperial High si Jenny nang wala ang tulong niya. Ang dorm nila ay may 2nd floor. Isang floor para sa mga boys at isa para sa girls.
Papasok na sana sila sa gate ng dorm, may nakita si Jenny na pamilyar na lalake sa harap ng gate na nakikipag-holding hands sa isang babae na kilala ni Jenny. Si Andrew at ang girlfriend niyang si Summer, parang ang sweet ng pinag-uusapan nila.
Ang gandang couple naman...Sinabi ni Jenny sa kanyang sarili.
Tumawag ng taxi si Andrew at binuksan niya ang pinto para kay Summer. Bago pumasok sa taxi si Summer, hinalikan siya ni Andrew at nagpaalam na. Maraming beses nang nakita ni Jenny iyon na paulit-ulit, at lagi siyang nasasaktan pag nakikita iyon. Iniwasan niyang tignan ang dalawa at tumingin na lang sa sapatos niya.
Agad namang napansin ni Trevor ang nag-ibang ekpresyon ng kanyang kaibigan, syempre alam ni Trevor si Jenny at alam niyang isa ito sa mga tinatakbuhan niya sa kanilang school.
"Jenny?" tinanong niya ang kaibigan niya na tumigil sa paglalakad. "Makakalimutan mo rin siya, pagkaalis at pagkaalis mo sa school. Magtiwala ka lang sakin, alam kong kaya mo yan." siniguro niya sa kanyang kaibigan.
Mahinhin na tumango si Jenny habang pinipigilan niyang umiyak "I know, thank you." Naglakad na sila at pumasok sa gate, papunta sa kanilang dorm.
In-love nga si Jenny sa kanya pero hindi ito alam ni Andrew. Magkaibigan sila pero hindi alam ni Andrew na may gusto si Jenny sa kanya. Mahirap para kay Jenny ang magstay pa sa kanilang school kaya napag-isipan niyang umalis at magandang paraan ang pagpapadala ng exchange students ng kanilang school. Killing two birds with one stone, makakaalis na siya sa kanilang school at makakatakbo na siya sa kanyang nararamdaman.
Naniniwala siya na makakamove-on na siya, of course she can. Pero hindi ibig sabihin noon ay hindi na siya maiinlove pang muli.
[Green Valley Imperial High]
Pagkababa niya sa kanyang Porsche, lahat ay nagsitinginan sa kanya pero inalis rin nila ang kanilang titig pagkataas ng kanyang ulo. Mali ang pagkasuot ng kanyang uniform, pero gwapo naman tulad ng nakasanayan. Nakalagay ang kanyang mga kamay sa kanyang bulsa habang naglalakad papalapit sa gym.
Bigla niyang napansin ang isa sa mga basketball varsity members na tumititig sa kanya, sobra siyang naiirita doon. Habang nilalapitan niya ang lalakeng titig nang titig sa kanya, ilan sa mga cheerleaders ay nagsisigawan na parang isa rin siya sa mga varsity players.
"Dennis Park, will you go on a date with me?!" sigaw ng isa sa kanila
"Dennis oppa, ang gwapo mo ngayon!" at lahat na sila ay sinigaw ang kanyang pangalan.
Tinignan ng masama ni Dennis ang mga cheerleaders habang dinaanan niya ang mga ito. Nanlaki ang mga mata nila sa gulat at tumahimik silang lahat.
Nilapitan niya ang lalakeng nakakairita sa may bench. Habang nakatayo si Dennis sa harap ng kinaiinisan niya, ngumisi naman yung lalake at idinribble ang hawak niyang bola.
"Tinignan niya lang ng masama yung mga cheerleders. Bakla ata siya!" sinigaw niya, pagkatingin niya sa mga members niya ay nakita niya na mukhang takot na takot sila. Dahil ba iyon sa sinabi ko? sabi niya sa sarili niya.
Tinignan niya uli si Dennis. Kinuha ni Dennis ang bola na idinidribble ng lalake nang mabilisan at hinagis ito sa mukha niya. Lahat ay nagulat kung gaano ito kabilis nangyari. Malakas siyang natamaan ni Dennis kaya nahulog siya sa sahig at dumudugo ang kanyang ilong. Tutulungan na sana siya ng kanyang mga team mates pero hindi nila itinuloy dahil tinignan silang lahat ng masama ni Dennis.
Tinignan niya ang lalakeng nakahiga sa sahig "Dahil mukhang bago ka pa lang dito, warning pa lang ito para sayo. Yumuko kapag nakita mo ako, lagot ka sakin pag nahuli kitang tumititig sakin ulit." Tumalikod si Dennis at lahat ng mga naroon sa gym ay umiwas na tumingin sa kanya.
YOU ARE READING
I fell for a JERK [ON HOLD]
Teen FictionKilalanin si Jenny: Isang babaeng tinatakbuhan ang kanyang nararamdaman... Nakalayo nga siya... Pero hindi pa doon nagtatapos ang lahat... Alamin ang kwento ng ating weird exchange student at ang kanyang mga bagong experiences ^^