51. One Truth

195 12 2
                                    

[ Andrei ]

"Ang sabi sa'min ng manghuhula, hindi namin kayo pwedeng paghiwalayin ni Breeyana. Dahil kapag nangyari 'yon, isa sa inyo ang posibleng mamatay".

Umaalingawngaw parin sa tenga ko ang mga ipinagtapat sa'min ng amin mga magulang.

Hindi parin kasi ako makapaniwalang inasa nila sa isang hulang ang buong buhay namin ni Yana. Isang hulang ni hindi nga kami sigurado kung totoo ba o pinaglalaruan lang kami at pinapaniwala. Ang masaklap pa, talagang naniwala ang mga magulang namin!.

"We only wanted what was best for both of you and our family".

Yeah, right!. lalong pagpupuyos ng aking damdamin habang patuloy kong naiisip ang mga nangyari. What's best for us o what's best for them!?.

Tiim-bagang na humigpit ang hawak ko sa manibela ng aking sasakyan at dahil na rin siguro sa nararamdamang galit ay biglang napadiin ang tapak ko sa gas.

"A-andrei-..."

Napakurap ako ng marinig ang hintakot na boses ni Yana, at para bang bigla akong natauhan at nagpreno. Mabuti na lang at wala masyadong sasakyan sa daan kaya't walang nangyaring masama sa'min. Muntikan ko na kasi talagang makalimutan na kasama ko nga pala siya, dahil siguro sa sama na din ng loob sa tatay kong hanggang ngayon ay parang 'di parin nauunawaan ang dahilan ng mga galit ko kaya't ginusto ko na lang din umalis ng bahay nina Breeyana.

"Ano ba!. Papatayin mo ba talaga tayo ha!?". galit na pinalo ni Breeyana ang braso ko't biglang bumunghalit na lamang ng iyak.

Napatingin ako sa kaniya't itinabi na lang muna ang kotse ko sa gilid ng highway.

Nang mga sandaling iyon ay hindi ko alam kung pa'no siyang patitigilin sa pag-iyak, kaya't ginawa ko na lamang ang una ko naisip na gawin to console her kahit paano.

"I-i'm sorry. O-okay ka lang ba?". tanging nasabi ko. "God, what was I thinking?!".

Inalis ko ang aking seatbelt at niyakap siya ng mahigpit habang palakas parin ang kaniyang pag-iyak.
At sa pagkakataong 'yon ay parang muli na namang tumigil ang pagikot ng mundo ko, at ang tanging naririnig ko lang ay ang tibok ng puso niya habang yakap ko siya't patuloy na inaalo sa kaniyang pag iyak.

Para siyang batang inagawan ng kendi, habang ako nama'y parang knight in shining armor ng isang damsel in distress na katulad niya.

Hindi ko maiwasang mapangiti pero at the same time naaawa din ako kay Breeyana, dahil katulad ko siguro'y nahihirapan din siya at na-disappoint sa mga nalaman namin mula sa'ming mga magulang. Kaya't hindi ko siya masisisi kung kulang na lang ay lumuha siya ng dugo sa sobrang sama ng loob ngayon.

Ilang minuto din kaming nasa gano'ng ayos nang hanggang sa 'di ko na namalayang nagkatitigan na pala kami't bigla na lang dahan-dahang lumapit ang mukha namin sa isa't isa, and I ended up kissing her which she surprisingly didn't resist. Instead, she kissed me back without any hesitations na para bang ramdam niyang may mangyayari ganito. And it did felt right. Mali mang sabihin but it feels so right.

And it was magical, na para bang huminto ang pagtakbo ng oras at nawalan ng sense lahat ng galit o pag aalinlangan ko sa buhay. Parang gumaan ang pakiramdam ko and all my pain was washed away by that moment.

That moment when I can finally say...

"I love you". pabulong kong nasabi nang saglit kaming mag bitaw, na kalaunan ay parang pinagsisihan ko ding masabi dahil natatakot akong baka hindi naman kami pareho ng nararamdaman. Mahirap na, baka ma-reject pa!.

"A-ano?". parang 'di makapaniwalang tanong niya sa'kin habang sisinghap-singhap parin siya mula sa pagkakaiyak.

Hindi ko tuloy alam kung pinapaulit lang niya sa'kin ang nasabi ko dahil gusto niyang marinig ulit o sadyang nabigla lang talaga siya't nabingi na kaya 'di niya 'yon narinig.

At natatakot man akong aminin, ngunit baka ito na talaga ang tamang pagkakataon para malaman din ni Breeyana ang totoong nararamdaman ko. I can't keep it anymore. At hindi ko na din kayang magkunwari pa sa nararamdaman ko para sa kaniya. Kelan ko pa ba sasabihin, kapag huli na ang lahat?.

"Ang sabi ko, I lo-..."

Ngunit bago ko pa man matapos ang aking sasabihin ay may kung anung liwanag na ang sumilaw sa amin at tila nabulag kami't nawalan na lang pareho ng malay.

--------------------

Masakit ang aking buong katawan. Hindi...pati pala ang ulo ko't leeg ay parang masakit na nangangalay. Pero hindi naman ako makagalaw, at ni 'di makasigaw. 'Tila ba walang tinig na lumalabas sa bibig ko kahit anong pagpupumilit. O baka nga hindi na talaga 'ko nakakapagsalita. Pipi na ba 'ko?.

Puro blankong liwanag lang ang nakikita ko at walang ibang marinig kun'di ang sarili kong paghahabol ng hininga, at mistula na kong nauupos na kandila dahil sa nararamdaman kong unti-unting pang hihina ng aking katawan.

Hindi na ko makagalaw, 'di makabangon para man lang sana alamin kung ano ba talagang nangyayari sa'kin. Pinipilit kong galawin ang aking mga kamay pero wala parin talaga eh. Stuck parin ako sa gano'ng kalagayan na parang paralisa sa gitna ng kawalan.

Pilit kong inaalala ang mga nangyari bago ako maging ganito, ngunit wala din akong matandaan. Basta't ang tanging naaalala ko lamang ay kayakap ko kanina si Breeyana, pagkatapos ay may isang nakakasilaw na liwanag akong nakita. Matapos no'n ay dumilim na ang lahat sa paligid ko at parang nawalan din nga ata ako ng malay.

Anak stay with us. Please stay with us. naririnig ko ang boses ni mommy, pero bakit 'di ko siya makita?. Marcus stay with mommy. Please, please don't give up on us. Please!.

Nananaginip ba 'ko?. tanong ko sa sarili. Ano bang nangyayari dito?.

Anak parang awa mo na gumising ka. 'Wag mo kaming iwan. rinig kong pagmamakaawa ni mommy kasabay ng naramdaman kong pag hawak niya sa'king kamay ngunit hindi ko parin lubos maunawaan kung bakit.

Pero isa lang ang nasisiguro ko ngayon, na mukhang may nangyayaring 'di maganda sa'kin at marahil ito ang dahilan kung bakit para 'kong lantang gulay na 'di makakilos at makapagsalita.

And then it hit me...

Am I dying?. tanong ng aking isip ngunit walang lakas na kumibo.

Nagsimula akong makaramdam ng panic sa buo kong katawan at pinilit ko paring makakilos ngunit 'di ko magawa. Para na 'kong nakatali ng isang invisible na lubid at 'di ko 'yon maalis sa katawan ko. Muli ko ding sinubukan na magsalita ngunit wala paring lumalabas na kahit ungot man lamang mula sa'kin

Hanggang sa may narinig akong mga yabag ng paa sa 'di kalayuan. Madami sila at parang nagmamadali pa. Kasunod no'n ay paglangitngit na tunog ng 'tila mga gulong na nagkikiskisan dahil marahil sa kalumaan.

Asa'n ba ko?. Ano ba talagang nangyayari dito?. Nasa'n si Breeyana?. Bakit wala akong makita?. sunud-sunod na tanong ng aking isip, ngunit nanatili lang walang kasagutan.

Unti-unti na 'kong parang nakakatulog, ngunit pilit ko lamang nilalabanan hangga't 'di ako sigurado kung nasaan ako't nalalaman kung nasa'n na si Breeyana.

Clear!. narinig kong sigaw ng isang 'di pamilyar na tinig.

Nanlalamig na ang pakiramdam ko at ramdam na ang panghihina. Parang 'di ko na kaya pa't mukhang ilang segundo na lang ay mawawalan na talaga 'ko ng ulirat.

One more. Clear!.

Iyon na ang mga huling narinig ko kasabay ng isang matinis na tunog at tuluyang pagkawala ng aking malay.

Forever-Together (FOREVER LOVE series: Book 1) -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon