Paano
Babae't lalaki'y magkaibigan
Matagal na aming pinagsamahan
Ibat ibang saya at tawanan
Sabay naming nasaksihanPaano kung magustuhan ko siya
Nang higit pa sa akala niya
Paano kung lumalim aking pagtingin
Ako ba'y kanyang sasaluhinKay hirap ng aking sitwasyon
Litong lito na ako ngayon
Di malaman ang mararamdaman
Natatakot na kanya itong malamanPaano kung magselos ako
Gayong wala akong karapatan
Paano kung mainis ako
Dahil dito sa aking nararamdamanLagi mo akong pinapatawa
Lagi mo akong pinapasaya
Wag mo sanang araw arawin
Wag mo na akong sanayinPaano kung mahalin na kita
Higit pa sa pagkakaibigan
Paano kung hindi moko makita
Dahil may mahal kang ibaBa't parati nalang ganito
Ayaw ako ng mahal ko
Gusto ko namang masuklian
Pagmamahal kong inilalaanSa kabila ng mga paano
Wala pa ring magbabago
Kahit man lang sa pagkakaibigan
Wala tayong hiwalayan
BINABASA MO ANG
Tula Para Sa Aking Mga Naging Sinta
PoetryMga salitang di mabigkas Kaya pilit na tumatakas Mga salitang di masabi Tinatago nalang sa paghikbi Mga salitang di magawa Aking idadaan sa tula Bunga ng pagmamahal at pag-iwan nila Lahat ng ito'y aking nailathala