"JACKET"

46 1 0
                                    

(Memory of friend zone)

                Paano mo nga ba masasabi kung inlove ka na sa isang tao? Yun ba yung willing kang i-sacrifice lahat? Yun ba yung kahit sobra ka ng nasasaktan okay lang sayo wag mo lang syang makitang umiiyak at nasasaktan?? O ito ba yung masaya ka ng nagtatago sa sarili mong feelings wag lang masira kung ano man ang mayroon kayo ngayon?? At paano mo nga ba papakita o ipaparamdam kung gaano mo sya kamahal sa tamang paraan na walang magbabago???.

                Torpe? O feelings na di mo masabi. Feelings na di mo alam kung paano mo ihahandle?? But what if kung kailan ready ka na, huli na pala. At kahit ano ang gawin mo di mo na  maibabalik yung time. Dahil ang daming chance na nasayang.

                Regret??? Yan siguro yung feelings na puno ng salitang “SANA at WHAT IF’S”. Diba ang pagmamahal di naman humihingi ng kapalit o kasagutan?

*********

                Hi I’m Althea Janine.. People use to call me Janine. Both of my parents were in abroad. Mayroon naman akong ate pero nasa province sya. Ako kasi nandito sa manila to finish my studies. So my parents bought me a condominium.. Di naman kami mayaman like what you are thinking siguro afford lang ng parents ko kasi nga they are both working in abroad.

                KRING !!!!!! KRING !!!!! KRING !!!!!!!!!

                Ilang beses ng tumutunog yung doorbell ng suit ko. Kanina ko pa din nadidnig yan. Siguro malapit ng mapudpod yung daliri nung kung sino man yung taong istorbo na yun. E sa ayaw ko pang dumilat. Nakakaasar kasi. Lagi na lang bang  ganito yung scenario tuwing mapapaginipan ko yung scene na yun bigla na lang may magdodoorbell.

                Konti na lang e, magdidikit na yung lips namin. Then saka may magdo-doorbell. Ang isa pang nakakainis ilang beses ko nang napapaginipan ito, but until  now malabo pa din yung mukha nung lalaki na nasa panaginip ko. Basta ang alam ko lang ay  matagal ko na syang kilala at based sa panaginip ko sobrang mahal  namin ang isa’t isa.

KRING !!!!! KRING !!!! KRING !!!!!!

                Patuloy pa din sa pagtunog nung doorbell.. Hanggang sa mainis na ako at dali dali akong pumunta para pagbuksan ng pinto kung sino mang kumag na istorbo yun.

                “AJ!!” bungad nya.

                “Best??” Bigla akong napatakip ng dalawang kamay sa tapat ng dibdib ko. Paano naman kasi ang loko ko palang bestfriend yung istorbo. E naka sando lang ako at wala akong panloob.

                “Oh ano nangyari sayo? Bakit ganyan ka makareact? ” nagtataka nyang tanong.

                “Addict ka ba? malamang wala akong panloob kaya ganito akong maka-react” sagot ko naman

                “Naku AJ.. wag kang magalala.. di ko yan pagnanasahan. E parang napadaan lang yang dibdib mo saka di ka sexy” sabi naman nya.

                “Ang sama mo naman. Baka nakakalimutan mo nandito ka sa condo ko. Meaning nasa territory kita.” Banta ko sa kanya.

                “At baka nakakalimutan mo din na may pasok ka ngayon. At kaya ako nandito dahil naisip ko na  baka ma-late ka na naman ng gising at di ka na naman makapasok ng first subject mo.Di nga ako nagkamali dahil mukhang bagong gising ka lang. Ayan oh may panis na laway ka pa” then tinuro nya yung gilid ng pisngi ko.

                “Oh di nga??” tanong ko naman.

                “OO nga.. kaya maligo ka na” sabay tulak sakin papasok ng banyo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"JACKET"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon