Nine.1

4.3K 113 3
                                    

Nasa kwarto sina Mr. at Mrs. Lee.

"Tumawag si Mama kanina, naipadala niya na raw ang pera," nakatungong sabi ni Mr. Lee..

Napansin ni Mrs. Lee na nalungkot ito pagkatapos magsalita. "Bakit hindi ka ata masaya?" tanong niya.

"Nag-aalala lang ako para sa mga bata, problema natin 'to, pero nadamay pati sila."

Sabay silang napabuntong hininga.

Alam nila na kung malalaman nina Gian at France ang tungkol sa problema ay siguradong gagawin din ng mga ito ang lahat maisalba lang ang paaralan. Pero alam din nila na mali pa rin ang ginawa nila. Gusto nilang pagsisihan na dinamay pa nila ang mga ito.

FIND a way to get her. -- Hanggang ngayon ay iniisip pa rin ni Ren ang sinabing iyon ni Marj.

Sa kakaisip, hindi niya namalayan na dinala na pala siya ng kanyang motor sa Mansiyon nila Gian. Inihinto niya ang kanyang motor nang makita si France na naglalakad. Nilapitan si France ng isang lalaki. Kinabahan siya lalo nang makita niyang nawalan ng malay si France sa bisig ng lalaking iyon.

"France!" tawag niya.

Pero bago pa siya makababa sa sinasakyang motor ay nagawa nang maisakay nung lalaki sa itim na van si France.

Y-Yung van... Alam ko kung kanino 'yon.

NANG imulat ni France ang kanyang mga mata ay nasa loob na siya ng isang van. Nasa pinakalikod siya ng sasakyan sa tabi ng isang lalaki. Nakasuot ito ng maskara na tanging mata lang ang kita. Sa unahan naman nila ay mayroong limang lalaki na nakatakip din ang mga mukha at mga naka-purong itim. Nakaupo yung dalawa sa tabi nung driver at yung tatlo sa kasunod na row.

Saan ba ako dadalhin na mga ito? Sino ba sila?

Tumingin si France sa katabi niyang lalaki, "S-Sino kayo, saan niyo ko dadalhin?" tanong niya.

Hindi umimik ang lalaki.

Teka, kasamahan kaya sila ng men in black? H-Hindi kaya nagkamali ulit sila ng taong dinukot? Hay, sobrang shunga naman nila kung tama 'tong iniisip ko.

Tinapik uli ni France yung lalaki sa tabi niya, "Parang awa niyo na wala akong pera, wala rin kayong mapapala sakin kaya pakawalan niyo na ko!"

Nanatili ang lalaki na walang kibo. Ano'ng gagawin ko?

"Boss, may sumusunod satin," biglang sabi nung driver.

Lumingon si France at nakita si Ren. Sakay ito ng motor.

"Ren, iligtas mo ko, nandito ko!" iyak ni France.

"Itigil nyo ang sasakyan!" biglang utos nung lalaking nakamaskara.

P-Pamilyar yung boses niya.

Huminto yung van. Mas nangamba si France dahil mukhang wala ni isang sasakyan ang dumadaan sa lugar.

Bumaba yung mga lalaking nakapurong itim. Nakita ni France na bumaba rin si Ren sa motor nito, "T-Teka, ano ng nangyayari?"

Muli niyang hinarap yung katabi niya, "Sabihin mo, anong gagawin nila kay Ren?"

Hindi na naman ito sumagot. Pinalo-palo niya ito sa dibdib, "Palabasin niyo ko dito, sasama na ko kay Ren!"

"Umalis na tayo," utos nung lalaki sa driver.

Lumingon si France sa likod. Nakita niyang pinalibutan nung mga lalaki si Ren at sinimulang suntukin,

H-Hindi maari 'to!

"Tigilan niyo yan!" sigaw niya.

Unti-unting bumuhos ang mga luha mula sa mga mata niya, "Tama na! Ren!!!"

Gusto niyang iligtas si Ren, pero paano? Palayo na nang palayo ang van na sinasakyan nila.

"F-France!" sigaw ni Ren, pero tuluyan ng nakalayo ang van.

"Hiyaaa!" sunod-sunod na suntok at sipa ang tinatamo niya sa mga lalaki na kasamahan nung mga dumukot kay France. Gumanti siya ng suntok, tumalsik yung dalawa sa kanila. Bigla namang nakahanap ng kahoy ang isa at ipinalo sa likod niya.

"Ah!" tumumba siya. Naging pagkakataon iyon ng mga lalaki para tuluyan na siyang mapabagsak, pinagtatadyakan siya ng mga ito.

Hindi na inalintana ni Ren ang mga tinatamong pasa. Wala siyang ibang iniisip ngayon kundi si France.

Ang hina ko! Wala man lang akong nagawa para iligtas ang babaeng mahal ko.

France...

"Mukhang mahihirapan na 'tong makatayo, hayaan na natin yan!" aya nung isa sa mga lalaki.

Nang makaalis na sila, dahan dahan gumapang si Ren palapit sa motor niya. Naandon yung phone niya.

"H-Hello," utal niyang sabi. "S-Si France, nasa panganib siya."

"R-Ren, R-Ren..."

Hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak at sa pagtawag sa pangalan ni Ren si France. Sinisisi niya ang kanyang sarili. Hindi niya alam kung anong gagawin niya kung may mangyayaring masama kay Ren.

Tumigil na yung van. Nakita niya na sa tapat iyon ng isang dalawang palapag na bahay. Pamilyar sa kanya ang bahay na 'to.

Bigla siyang hinila nung lalaking nakamaskara hanggang sa maisama siya nito sa labas.

Nagpumiglas siya sa pagkakakapit dito, "Bitawan mo ko!"

Sinunod naman iyon ng lalaki kaya napasubsob siya sa lupa, "Aray!"

"Ang kulit mo kasi," inis na sabi nito. Kinuha ulit nito ang kamay ni France at hinila papasok ng bahay.

Dinala niya ito sa isang kwarto na pamilyar din.

TUMIGIL ang isang pulang kotse sa tapat ni Ren. Sakay niyon sina Jed at Chris kasama si Marj.

"Ren!" nag-aalalang tawag ni Marj. Lumapit ito sa kanya at yumakap.

Tumingin si Ren kina Chris at Jed.

"Huwag ka na muna magsalita, kailangan mo munang madala sa hospital," siryosong sabi ni Jed.

Inakay nila si Ren papasok ng sasakyan.

"PAMILYAR yung mga mata mo, yung boses mo." Tinitigan ni France ng masama yung lalaking nakamaskara, "Sino ka ba talaga?"

Better Than SexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon