IN MY DIARY: I'm Sorry, I love You [Part 6]

900 14 0
                                    

"IN MY DIARY: I'M SORRY, I LOVE YOU..."  

Sa kotse…

Hanggang ngayon ay nageecho sa utak at tainga ko ang mga salitang binitawan ni Dianne. Ang sakit. Sobrang sakit kaya naman di pa rin natapos ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Pero dapat lang naman. Kasalanan ko naman talaga. I deserve to be burt. Sana nga after this, mahanap na nya ang tunay nyang kaligayahan. Sana mahanap na nya ang lalaking makapagpapasaya sa kanya. Kung wala siguro ako, malamang nakahanap na si Dianne. Kasalanan ko lahat ng toh. Pero… Gusto ko lang namang may magmahal sa akin. Yun lang. Pagmamahal ang hinahanap ko. Hindi iyon naibigay ng mga magulang ko simula nung pumanaw sila. Bigo ako. Ngayo’y, wala na si Dianne. Di bale na. Alangan namang habang buhay kong sasaktan ang babaeng mahal ko. Alangan namang habang buhay ay pahihirapan ko sya. Kaya naman magpapalaya na ako, lalayo, para sa kaligayahan nya. Kung lalo kong ipagpipilitan ang sarili ko, baka lalo pa nya akong kamuhian. Mas maganda sa umpisa pa lang ay, gagawa na ako ng aksyon. Aalis akong, kahit papaano’y, may magandang impresyon akong naiwan sa kanya. Ayokong maging masama sa panigin ng mahal ko. Paano ba ito… Tapos na ang lahat. Parang hindi talaga ako deserving mahalin.

“A… aray ko…”

Napahawak bigla si Jay sa kanyang dibdib. Kumikirot-kirot iyon. Hinahabol nya ang kanyang hininga. Inaatake na naman sya. Sinubukan nyang kunin ang kanyang gamot na nasa bulsa ng kanyang bag. Mahirap ngunit pinilit nya. Nawala naman sa kanyang isipan na ihinto muna ang kotse sa tabi. Di nagtagal ay nakuha na ito ni Jay. Bubuksan na nya sana ng…

Isang malakas na busina ang kanyang narinig at naging masilaw na rin ang paligid…

“Di… a…”

In My Diary: I'm Sorry, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon