(Author's note: Please watch the video I made for a more vivid prologue on the multimedia side.)
Prologue
Paano kung ang isang bagay ay nagsimula sa isang malaking kasinungalingan?
Nagkasalubong ang mga landas sa isang nakakatangang pangyayari.
Naging aso’t pusa sa isang walang katapusang bangayan.
Ang isa ay humarap sa isang problemang ikamamatay daw niya.
Ang isa naman ay nagipit at pinatos ang isang bagay kung saan ang nakataya ay ang mga puso nila.
Paano na lang kung sa gitna ng pagpapanggap ay naiba ang sitwasyon?
Paano kung ang naumpisahang kasinungalingan ay mauwi sa katotohanan?
Ang kasinungalingang naging ugat para maiba ang nararamdaman para sa isa’t isa.
Eh paano na lang kung biglang gumulo ang sitwasyon?
Ano na lang ang mangyayari?
Paano kung ang nakaraan ay biglang dumating sa kasalukuyan?
Ang nakaraan na handang bawiin ang naiwan.
Magiging handa ba ang isa sa kanila na magparaya at masaktan?
Magagawa ba nilang ipaglaban ang tunay na nararamdaman?
Masyadong komplikado ang sitwasyon pero paano mo nga ba masasabing mahal mo ang isang tao?
Sa kwentong ito, malalaman mo na ang LOVE is about SACRIFICE.
BINABASA MO ANG
Love Contract
RomancePaano na lang kung ang isang bagay ay nag-umpisa sa isang malaking kasinungalingan na nauwi sa katotohanan? Nag-umpisa sa pagiging aso't pusa sa isang walang katapusang bangayan. Hanggang sa iba na pala ang nararamdaman. Posible nga bang ma-inlove a...