Namanghat at gulat na gulat si Violeta ng makita ang bagong THE GOURMET na pinamamahalaan ng isa sa mga bastardang anak ng asawa nito na si Helga.Halos masuka si Violeta ng makita ang mga exotic foods na hinahain sa mga bisitang sarap na sarap sa luto ng kusinerang si Dina.Agad na kinausap ni Violeta si Helga na nooy expected na darating si Violeta para punain ang bagong sistema ng pamamahala niya sa resto ng pamilya.
''This resto was an idea of my daughter Desiree! i cant believe what u have done to this place.Anong klaseng pag iisip na meron ka para gawin mong katatawanan ang pinaghirapan ng anak Helga.'' reklamo ni Violeta.
''Tita patay na po si Desiree,at ito po ang binigay niyo sakin na negosyo.Sabi niyo pataasin ang sales ng resto oh kitams ang daming costumer at ang cash umaapaw.Wag niyo nalang po pakelaman ang diskarte ko ok? wala naman po kayong rules na sinabi na bawal baguhin ung mga negosyo namin dba?''giit ni Helga sa tila napahiyang si Violeta.
''Ok palalampasin ko ito,pero once na may nag reklamp na costumer sa pamamalakad mo ikaw ang mananagot hindi ako.And stop serving dog meat to our costumer,pinagbabawal yan ng batas.Wag mong ilagay sa kahihiyan ang pamilyang ito Helga,do what is right.''wika ni Violeta sabay tingin sa mga taong sarap na sarap sa mga pagkaing inahahain sa kanila.
Hindi na nagtagal si Violeta sa restaurant,gustong bumaliktad ng sikmura nito sa itsura ng mga pagkain inihahain ni Helga sa mga costumers nila.Ngiti naman ng tagumpay ang makikita sa mukha ni Helga ng makitang tila napahiya si VIoleta ng sitahin nito ang pamamalakad niya ng resto.
''Humanda ka Violeta sa mga susunod na araw makikita mo kung ano ang hinanap mong babae ka!''wika ni Helga na may lihim na galit sa babaeng sumira sa buhay niya.
ANG NAKARAAN NI HELGA
''Teka ano ito? sino po kayo?''tanong ni Isabel ng makitang hinahakot ng ilang mga kalalakhan ang gamit niya palabas ng apartment na tinitirhan nilang mag ina.
''Pinapahakot po ni Mam Violeta,pinapalayas na daw po kayo dito.''wika ng isang lalakeng inutusan ni Violeta para palayasin ang kabit ng asawa nito na si Isabel.
''Hindi! hindi niya ako pwedeng palayasin! dito kami pinapatira ni Mariano!''giit ni Isabel ng pumara sa harap ng apartment ang isang magarang kotse.
''Matagal pa ba yan? ''wika ni Violeta na lumabas ng sasakyan at makikita si Isabel hawak sa kamay nito ang batang si Helga.
''Violeta ano ba to? please wag mo naman kaming palayasin ng anak ko.Wala kaming matitirhan at may sakit si Helga.''pagmamakaawa ni Isabel sa galit na si Violeta.
''Hindi ka na nakuntento Isabel,inagaw mo na nga sa akin ang asawa ko pati ba naman ang property ko gusto mong angkinin? Wala akong pake sa bastardang anak niyo ni Mariano,get out of my land! get out of our life you leach!''galit na wika ni Violeta.
Recently lang nalaman ni Violeta ang pagbibigay ng suporta ni Mariano sa mga inanakan nito.Nang malaman niya na sa apartmet na pagmamay ari pinatira ni Mariano ang isa sa mga kabit at bastarda ng asawa ay agad niya itong pinaalis dala ng galit sa babaeng sumira ng buhay niya.
''Kahit kelan wala akong inagaw sayo Violeta,nasa iyo na si Mariano.Bago ka pa man niya pakasalan nauna akong inanakan kesa sayo.Suporta lang ang hinihingi ko sa asawa mo kaya wag mong ipagkait un sakin.''rason ni Isabel sa hindi nakikinig na si Violeta.
''Suporta na galing sa pera ko,nakakalimutan mo ata na akin ang apartment nato.Kung gusto mong humingi ng suporta dun sa pera niya wag sa pera ko.Marami siyang properties bakit dito pa niya kayo sinisiksik sa apartment ko.Lumayas kayo dito kung ayaw niyong ipapulis ko kayo.''wika ni Violeta sabay sakay ng kotse habang si Isabel naman ay walang magawa kungdi ang umiyak habang nakatanim na sa isip ni Helga ang pang iinsulto na ginawa ni Violeta sa kanilang mag ina.
ILANG TAON ANG LUMIPAS
''Ma tingnan mo nanalo ako sa contest pwede na kitang maipagamot.''wika ni Helga sa may sakit nitong ina na si Isabel.
''Im so proud of u anak,sayang hindi kita napanuod kanina.''wika ng malungkot na si Isabel habang si Helga naman ay naiiyak habang nakatingin sa patpatin nitong ina.
''Ma puntahan ko na kaya si Papa,kailangan natin ng pera para mapagamot yang cancer mo.''
''Huwag na huli na rin naman ang lahat,Helga anak kung papupuntahin kita sa Papa mo un ay ang pagkuha mo ng karapatan sa mga ari arian niya.Mayaman si Mariano at anak ka niya,may karapatan ka sa lahat ng kayamanan ng iyong ama.Ipaglaban mo un anak,minsan na tayong pinagkaitan ng karapatan ni Violeta huwag kang papayag na hindi mo makuha kung ano ang nararapat sayo Helga.''wika ni Isabel na unti unting nahihirapang huminga.
''Ma! Ma dadalhin kita sa ospital! Ma!''wika ng nagpapanic na si Helga.
Agad na dinala sa ospital ni Helga si Isabel,halos naubos ang perang napanalunan niya sa mga gamot na kailangan ng kanyang ina.Halos mabaliw siya kakaisip kung papano matutustusan ang patuloy na paglaki ng bill sa ospital at ang mga kailangan pang gamot ni Isabel ng alukin siya ng isang trabaho ng dating kaibigan niya.
''Isang gabi lang yan pero tiba tiba ka dyan Helga.Kung ayaw mo ok lang pero ito lang ang alam kong solusyon sa problema mo.''wika ng kaibigan nito sa mapapaisip na si Helga.
''Hindi nalang muna Cait may isa pa naman akong option salamt nalang.''wika ni Helga ng alukin siya ng kaibigan na magbenta ng laman sa isang mayamang matandang lalake.
Sa bahay ni Mariano makikita si Helga na desperadang makausap ang ama para hingan nito ng pera.Bigo itong makita si Mariano dahil kasama nito ang kanyang pamilya sa America para sa pagpapagamot ni Desiree sa kanyang leukemia.Desperadang maligtas ang ina ay pinatulan ni Helga ang alok na trabaho ng kaibigan.Diring diri siya sa kanyang nagawa ngunit ng makuha na niya ang pera ay agad siyang pupunta ng ospital ng madatnan niyang wala ng buhay ang inang si Isabel.
''Ma! Ma bakit mo ako iniwan?sabi ko dba ipapagamot pa kita? Ma!''pagtangis ni Helga habang hawaka ng walang buhay na katawan ni Isabel.
Nang mahimasmasan ay bumangon si Helga at inayos ang pagpapalibing sa kanyang ina.Ipinangako nito sa sarili na babawiin niya ang lahat ng pinagkait sa kanila ni Violeta.
''Hindi ako papayag na mapupunta lang kay Natasha ang lahat ng ito Violeta.Ako lang ang dapat na maging tagapag mana,hindi si Patricia o si Natasha ako lang.''wika ni Helga na dala sa dibdib ang galit kay Violeta at ang plano nitong masama sa dalawang kapatid niya.
Itutuloy.................
BINABASA MO ANG
BASTARDA,ANAK NG KABIT
ChickLitNang mamatay sa sakit na cancer ang nag iisang anak ni Mariano Nuevez tatlong anak sa ibat ibang babae ang papasok sa mansion nito upang gampanan ang pagiging tagapag mana ng mayamang Don.Si Helga,anak sa isang prostitute.palaban at matalas ang dila...