A Start of Something New

132 2 2
                                    

Yumi slumped in her chair at her office desk. It was a Friday ngunit marami pa siyang dapat tapusin. Hapon na nga ngunit hindi pa niya tapos ang ginagawa niya at mayroon pa siyang kailangang hintaying files. At kanina pa nangungulit si Aya na dumalo sa despedida party nito. She had been so persistent all afternoon. Huling araw na nito sa Pilipinas dahil nakatakdang mag-migrate ang pamilya nito sa Japan kinabukasan. Kung hindi nga lang sa pagpipilit ng matalik na kaibigan na daluhan ang despedida party nito ay nunca siyang pupunta.

Her head had been throbbing all day dahil nape-pressure na siya. Pakiramdam niya ay binabarena ang kanyang ulo.

Muli niyang hinarap ang computer sa kanyang desk. Isa siya sa mga contributing writers at photographer ng isang kilalang publishing company na naglilimbang ng iba't-ibang magazines. It would have been an awesome job, had it not been for their boss. Ang baklang socialite na si Andre Montealto na wala na yatang ibang nakikita kundi siya.

Inabot ni Yumi ang black coffee na binili niya sa coffee shop sa ibaba ng kanilang opisina kaninang afternoon break. She was never a fan of coffee at madalang pa sa patak ng ulan sa disyerto kung uminom siya noon, ngunit inisip niyang baka makatulong ito sa sakit ng ulo niya. She loved the smell kaya siya naenganyong bumili.

Nagsisimula na siyang mag-edit ng ginawa niyang article na kailangan ng ipasa ngayong alas singko when her boss' booming voice filled the office. For a gay man, masyadong buo ang boses ng kanyang amo. Kung hindi nga lang ito bakla ay maraming babaeng maaakit dito.

"Mayumi Rodriguez!"

Napapikit si Yumi. Alam niya ang kinaiinit ng ulo ng kanyang boss. For printing na ang kanilang travel magazine mamaya ngunit wala pa ang front cover nito na dapat ay nai-submit na noong isang linggo pa. It was sent to their office by the photographer a few weeks ago ngunit na-misplace niya ang CD na naglalaman ng mga larawan. And the photographer was abroad for a wedding gig!

Nagulat pa siya nang pagharap niya ay bumungad sa kanya ang malaking bulto ng katawan ni Andre Montealto.

"Sir..." bungad niya habang tumatayo ngunit hindi na siya pinatapos pa ni Andre sa pagsasalita.

"Fix this! Hindi mo alam kung ilang daang libo ang mawawala sa kumpanya ko kapag na-delay ang printing ng magazine!" Paghi-hysteria nito na lalong ikinasakit ng ulo ni Yumi.

"I know, Sir. Ang sabi po ni Paul sa akin ay ipapadala niya through email ang larawan ngayong araw. He had no internet access dahil nasa byahe sila," paliwanag ni Yumi.

"That's not my problem! Gawan mo ng paraan, or so help me God, I will fire you!" Patuloy ni Andre.

Magkahalong pagod at pressure ang nagpangyari upang tuluyan ng bumigay ang kanyang katawan. She doubled over at inilabas ang lahat ng kinain niya nang araw na iyon, na ikinatili ng kanyang boss.

---

Bubulung-bulong si Yumi habang nililinis ang kalat na ginawa niya. Umuusok sa galit ang kanyang boss kanina dahil nasukahan niya ang damit nito, at tuluyan na ring nagtampo sa kanya si Aya dahil sinabi niyang hindi siya makakarating. Ibinuhos na lamang niya ang inis sa pagkuskos ng carpeted na sahig ng kanilang opisina. Tinulungan siya ng janitor nila kanina ngunit pinaalis niya ito at inako ang paglilinis. Nabawasan naman ang init ng ulo ng kanyang boss nang humingi siya ng tawad at sabihing naipasa na sa printing office ang cover photo, but he was still mad at her. Ewan nga rin ba niya kung bakit natiis niya ang trabahong ito. Maybe it was because of all the travel perks she had.

Napabuntong hininga si Yumi at napatingala nang hindi na niya mapigilan ang kanyang mga luha. Muntik pa siyang mapatili nang makita ang isang binatang nakatayo sa harapan niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Start of Something NewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon