To those who got their heart broken, this one's for you.
Kamusta Ka Na?
Ano ba ang pinakamasakit na parte sa break up? Yung taong mahal mo talaga na di mo kayang iwan at talikuran? Yung mga naramdaman mo, the way you felt wanted, the way he tells you that you are beautiful and suddenly you are, the way you felt like for the first time, someone actually wants to be with you, loves you and needs you? Yun bang mga taong nakaclose mo habang kayo pa? O yung memories nyo?
Ilang oras kang umiyak? Isa? Dalawa? Tatlo? Buong maghapon? Ilang araw kang hindi kumain? Ilang araw kang hindi makatulog? Ilang araw kang hindi makausap ng maayos? Ilang araw kang nakatulala? Ilang araw kang hindi makatulog sa gabi?
Ang sakit pala no? Kapag iniwan ka ng taong pinagkatiwalaan mong hindi ka iiwan. Kapag yung mga pangako niya, biglang napako. Yung tipong, kahapon lang anjan pa siya, ngayon wala na. Hindi mo alam kung bakit, hindi mo alam kung papaano. Hindi mo alam kung saan ka nagkulang, kung anong nangyare, kung bakit ka niya iniwan. Gusto mo pang maayos, gusto mo pa siyang balikan. Pero ayaw niya na eh. AYAW niya na. AYAW niya na, SAYO.
Ang sakit, lalo na pag biglaan. Yung tipong di mo inaasahan. Nakatatak parin ba sa isip mo? Kung pano niya tinalikuran ang lahat? Ang bilis niya bang umalis? Di mo manlang nalaman na mawawala siya, di niya manlang ba dinahan-dahan para nakapaghanda ka? Di ka siguro sanay sa biglaan no? Hiniling mo ba na sana dahan dahan nalang nawala?
Ang sakit pala. Naniwala ka kasi kaagad, sa mga salita niyang… “Promise, di kita iiwan kahit anong mangyare,” o di kaya, “promise, di ako magsasawa sayo.”. Ang sakit pala no? Promise, promise, promise. Tanginang promise yan! Kaya ikaw, sa susunod, wag kang umasa pag pangako lang ang pinanghahawakan mo.
Nadisappoint ka ba? Nagexpect ka kasi. Mataas kasi ang expectations mo sakanya. Kaya nung iniwan ka, ayan. Nadisappoint ka lang. Kasi hindi akalain na magagawa niya sayo yung mga bagay na sinabi niyang hinding hindi niya gagawin. Nahihirapan ka na ba ulit magtiwala? Magmahal ulit? Ayos lang yan. Sa una lang yan.
Ikaw kasi, naniwala ka agad, sa sabi nilang iba siya. Bakit hindi mo muna sya kinilala? Ngayong wala na kayo, pinagsisisihan mo ba? WAG. Pointless kung pagsisisihan mo ang isang bagay na ginusto mo din naman.
Ngayon, ang daming tanong na bumababagabag sa utak mo. Minahal ka ba niya talaga? O hindi niya lang gusto maging mag-isa? O siguro, masyado kang mabuti para sa ego niya? O kaya naiparamdam mo sakanya yung mga gusto niyang maramdaman, pero minahal ka ba niya? You don’t destroy people you love. Kung talagang mahal ka niya, ipinaglaban ka niya. Kung talagang mahal ka niya, hindi ka niya sasaktan. Kung talagang mahal ka niya, di ka niya iiwan. Siguro nga, MINAHAL ka niya. MINAHAL. Past tense, MINAHAL.
Galit ka ba sakanya? Hindi no? Gusto mong magalit pero hindi mo magawa. Masyado ka kasing mabait. Ayan tuloy, inabuso ka. Ang galing ng mga lalake no? Never underestimate a man’s ability to make you feel guilty for his mistakes. Pustahan tayo, sinisi mo sarili mo no? Na ikaw yung may kasalanan. Hindi ikaw, kayong dalawa. Siguro may mga pagkukulang ka, pero siya din naman sayo, hindi ba? Hindi niya manlang na isip na mas madaming mas better sakanya pero siya ang pinili mo at iniwan ka niya para pumili ng mas better. Nakakagago ba?
Iniisip mo pa siya no? Kung okay lang ba siya, kung kumain na ba siya, kung anong ginagawa niya, kung malungkot ba siya o masaya, kung nakamove-on na ba siya, kung meron na ba siyang bago o kung ikaw parin ba. Ang unfair naman sayo non, ikaw ba, iniisip niya? Iniisip niya ba kung okay ka lang? Kung kumain ka na? Kung anong ginagawa mo? Kung malungkot ka ba o masaya? Kung nakamove-on ka na ba? Kung may bago ka na ba? HINDI. Kasi wala na siyang pakealam sayo.
Kamusta ka na? Ayos ka pa ba? Siguro kung nabasa mo ‘to at nasaktan ka, hindi pa. Pero ayos lang yan. Magiging okay ka din. Hindi naman minamadali yan. Mapapagod ka din. Maiisip mo din na tama na, tama na. Siguro sa ngayon, hindi ka pa handa magmahal ulit, magtiwala ulit. Syempre, nasaktan ka eh. Pero maniwala ka sakin. Merong dadating sa buhay mo na magpapaniwala ulit sayo. Hindi lang ngayon, wag mo nang hintayin. Hindi hinihintay yan, kusang dumadating yan. Darating din sayo, at malilimutan mo siya. Darating din sayo, na hindi talaga kayo para sa isa’t isa. Tandaan, kapag may umaalis, may dumadating na mas better. God doesn’t give you the people you want, he gives you the people you need. To help you, to hurt you, to love you, to leave you, and to make you the person you were meant to be. Sa susunod na tatanungin kita kung kamusta ka na, dapat okay ka na ha? Dapat di ka na umiiyak, dapat kapag binasa mo ulit ‘to, di ka na nasasaktan, dapat tinatawanan mo nalang.
O siya, Kamusta ka na ba?
Masaya ka ba?
Malungkot?
Namimiss mo na siya?
Nagsisisi ka pa ba?
Nakamove on ka na?
Nagmomove-on?
Magmomove-on?
Kamusta ka na?
Naka usad na siya. Ikaw din.
Kamusta ka na?