Shocked :O

42 1 0
                                    

Nandito na kami sa bahay.

Pumasok na kami ni Jack. Ganyan naman kami lagi eh. Dumidiretso muna yan dito bago sa bahay nila.

"Goodevening kuya. Si mama? At BAKIT NANDITO NA NAMAN YANG HALIMAW NAA YAN?" Badtrip na nga ako. Tapos may makikita pa akong nakakabadtrip. Nandito na naman yung bestfriend ni kuya Les na si SUMMER. Ang init ng dugo ko dito. Argh. Alaskador kasi. Walang ibang gustong gawin kundi asarin ako.

"Namalengke si mama." Tipid nyang sagot. Pano ba naman. Nagdodota eh. Adik talaga. Pero kahit ganyan yan, labs na labs ko yan.

"HOY PANGET! BAKIT KA NANDITO? HINDI KA BA HINAHANAP SA INYO? Sabagay sino nga bang hahanap sa tulad mo eh wala ka namang nanay at tatay? Tsaka ang pangit pangit mo pa. Kawawa naman si Lola Gracia kasi inampon ka nya. Tsk." Naka-smirk kong sabi. Oo, ampon si Sum. Ewan ko kung saang lupalop yan napulot ng kapitbahay namin na si Lola Gracia.

Si Lola Gracia ang may-ari ng apartment na to. Kung saan kami nakatira nila mama at kuya. Dito din sa apartment na to nakatira sila Jack. Pero kakaiba tong apartment nila Lola Gracia. By house sya. Ganto oh.

HOUSE namin---big space---HOUSE nila Lola Gracia---big space---HOUSE nila Jack

Ayun lang yung occupied na house. Pero marami pang vacant.

Itong apartment ni Lola Gracia ay parang mini village. Kasi may gate tapos ayun na yung mga bahay. Naiimagine nyo ba? HAHAHAHA. Hope so.

"Wala ka na dun. Ikaw ba pinunta ko dito? Epal mo kahit kelan." Sabi ni Sum panget.

Binato ko nga nung unan.

"ANGAS MO NAMAN SUMMER." Sigaw ko sa kanya.

Dinilaan lang ako. Hindi ko na nga pinansin.

"Oh tol. Kain lang ng kain ah? Ikaw Jack, nahahawa ka na sa kapatid ko. Ang takaw mo na din. Simula nung naging close kayo ganyan ka na." Sabi ni kuya kay Jack. Hindi kasi umiimik eh.

"Oo nga! Halos nga magkapalit na kayo ng mukha ni Jes eh. Ayyy. Okay lang yun. Parehas naman kayong mukhang unggoy eh." Pang-aasar ni Sum. Porket ba pogi sya? Pogi din naman si Jack ah? Tsaka di kami mukhang unggoy. Tsk -__-

"Tigil-tigilan mo ako Sum. Pag ako hindi nakapagtimpi sayo." Napipikon na si Jackie.

Hindi ko pala nakukwento eh part ng tropa nila kuya at Sum si Jack. Pero that was 3 years ago. Super close sila dati pero bigla silang nagkaaway sa di malamang dahilan. Wala ni isa sa kanila ang gustong magshare. Ang dadamot. Di ko mapilit si Jack na sabihin sakin. Nababadtrip sya tuwing tinatanong ko kaya tinigil ko na.

Simula nung nagkaaway sila eh naging tagapagtanggol ko na si Jack.

Lumipat din sya ng school. Yung tropa kasi nila kuya ay nag-aaral sa iisang school. Dun sa AIM High. Iba-iba ang year level nila pero tropa pa din sila. Si kuya, Sum at yung kambal na sina Tonic at Toxic ay magkaka-age. Ako naman at si Jack ang magka-age. 5 pala silang magtotropa. Si Jack ang pinakabata. One year lang naman ang ahead nila samin.

Sa FLY High na nag-aaral si Jack. Sa school ko. Magkayear kami. Kaso iba ang section.

"Tama na yan! Bata lang?" Awat ni kuya nang di pa din lumilingon kasi nga NAGDODOTA.

"Huwag mo ng pansinin yan. KSP yan eh. KANIN SA PAPEL :P" Oras ko naman para dilaan sya.

Iniwan ko na sila. Umakyat na ako para magpalit.

Pagkapasok ko, ang unang sumalubong sakin ay yung aso ko na si Shiefer. Yung itsura nya po ay parang wolf. Yellow yung eyes. Grey and white ang fur.

"Shiefer baby." Hinug ko yung aso ko.

At dahil stressed ako eh nilabasan ko na naman sya ng sama ng loob. Dito lang talaga ako nakakapaglabas eh. Kahit close ko si Jack, hindi ko kayang mag-open up sa kanya. :(

"Shiefer... Bakit bumalik pa si Ceb?" Para akong tanga dito. Kinakausap ko yung aso ko.

"Naalala mo ba nung iniwan kita kay kuya nung bakasyon? Kasi diba pumunta kami ng Baguio ni mama. Nagbakasyon kasi kami sa kaibigan nya. Dun ko nakilala si Ceb. Anak sya ng kaibigan ni mama. Dun kami sa bahay nila tumutuloy." Kwento pa rin ako ng kwento.

"Alam mo ba, sobrang bait nya. As in super duper bait. Ang pogi pa. Kaya nung sinabi nyang kung pwede ba daw nya akong ligawan eh pumayag ako. Nasilaw kasi ako sa kapogian nya at isa yung sa pinakamalaking katangahan ko na pinagsisisihan ko hanggang ngayon. Na-fall ako syempre pogi, mabait at matalino pa. Pero di ko alam na lahat ng pinakita nya sa akin ay isang kalokohan lang pala. Niloloko nya lang ako. Mabuti nga at di ako bumigay eh. Hindi ko sya sinagot." Nangingilid na yung luha ko.

"Lagi nyang ini-insist na sagutin ko na sya. Pero ayoko kasi magagalit si kuya." May tumulo ng luha.

"Alam mo ba, dapat sasagutin ko na sya eh. Nanaginip kasi ako na magiging masaya daw ako sa kanya. Edi pagkagising na pagkagising ko eh dumiretso ako sa kwarto nya na katabi lang ng kwarto ko. Ang aga aga pa nun. Gusto ko kasi syang i-surprise. Pero..." Wala na. Naiyak na ako.

"Papasok na sana ako kaso may babaeng nagsalita galing sa loob ng kwarto ni Ceb. Edi pinakinggan ko yung pinag-uusapan nila. Nagtanong yung babae kung sino daw ako. Baka daw may gusto sakin si Ceb. Baka daw ipagpalit sya ni Ceb sakin." Umiiyak na ako habang nagkukwento.

"Sumagot si Ceb. Shiefer... Ang sakit marinig nung sinabi nya. Alam mo ba kung ano yung sinagot nya? Sabi nya lang naman eh gusto nya akong tikman. Fresh pa daw kasi ako. Eh yung babaeng kausap daw nya eh hindi nya nakuha ng virgin. May nakauna daw sa kanya." Niyakap ko ng mahigpit yung aso ko.

"Alam mo ba Shiefer, pumayag yung babae. At nagsuggest pa nga yun na THREE-SOME daw kami para masaya. Natuwa naman si Ceb sa sinabi ng babae. Tapos biglang tumahimik sa loob. Kaya napagdesisyonan kong pasukin sila. At nagulat ako sa nakita ko..." Waaaaaaah. Bumabalik na naman yung sakit.

"Wala silang damit. Shiefer... Gumagawa sila ng milagro. Tapos yung position nila ay..." Waaaaaah. Ayoko na. Masakit na masyado.

"Masyadong masagwa kung sasabihin ko pa. Basta nagbebedscene silaaaaaaa. Ayyy mali. Hindi kasi sila sa bed gumagawa. Sa carpet so carpetscene yun. HAHAHAHA" Nagawa ko pa talagang tumawa.

"Nagpauwi na ako after nun. Nireason ko kay mama na miss na kita. Pero miss naman talaga kita eh. Sorry nga pala kung di ko nakwento sayo to huh? Gusto ko na kasing kalimutan ang nangyari pero bumalik kasi sya. Bakit? Hays." Pinunasan ko na yung luha ko.

Tumayo na ako at nagpalit ng damit.

Chinarge ko na yung cp ko.

Inumpisahan ko ng gawin yung poem ko.

--------------------------------------------

Ang gross ng update ko. Sorry :( ayan yung naisip ko ngayon eh XD

ABBIE. Binaboy ko si Jinbabes XD

This Backspace Got Me SeriouslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon