Miko’s POV
Sino naman yung naghahanap sakin?
Ewan ko brod. Pero sabi nya may kasalanan ka daw sa kanya. Patay ka nabuntis mo yata.
Kasalanan? Na buntis? Wala akong alam sa mga pinagsasabi mo brod. Tigil tigilan mo nga ako.
Tanga. Pero maganda yung naghahanap sayo. Tsaka mukha syang pamilyar. Ewan ko parang nakita na naten yun. Binigay ko nga number mo dun e.
Hala?! May pagka-adik ka din no? bakit mo binigay yung number ko ng walang permiso ko?
Chix kase brod e. di ko matanggihan kase may pagka terror. Akala ko nga girlfriend mo e. di mo man lang pinakilala saken.
Alam mo namang single ako diba? Tsaka kung magka-girlfriend man ako. Papakila ko sya sa inyo gunggong.
Hmmm…. Napa-isip ako sa sinabi ni Rodney. “terror” at “chix”… may isang taong pumasok sa isip ko…. Pero di ako sure kung sya nga.
May idea na akong kung sino yung nakausap mo brod.Sige aalis na muna ako. Babalitaan na lang kita.
------
Confirmed! Sya nga. Tumawag kase ako gamit ang ibang number. Nakita ko na lang kase sa cellphone ko na merong dalawang missed call. Di kase ako madalas na nagamit ng cellphone. Anyways kilala ko na sya. Tama nga si Rodney. May pagka terror yung babaeng yun. Pero mabait sya. FC nga lang. pano kurutin ba naman ako ni hindi nya alam pangalan ko sabay ginanun nya ako. Tsss. Kung hindi lang maganda yun. Nako baka nakutusan ko pa sa noo yun. Makatulog na nga lang.
Nagising na lang ako kinaumagahan sa ingay ng cellphone ko. HAPPY BIRTHDAY!! Puro mga text at missed call. Na ang nadatnan ko pagkakuha ko ng cellphone ko. Pero may isang text message na umagaw ng pansin ko. “Hoy kung sino ka mang tao ka. Kung malakas ang loob magpakilala ka!” alam ko si terror yun. Sya lang kase tinawagan ko kagabi at binabaan ko ng cellphone. Haha. Medyo badboy. Di ko muna sya nireply-an. Sabay pumasok sa isip ko. Birthday ko nga pala. Di ko na naalala. Makapag shower na nga at makapunta sa simbahan nang makapag-pasalamat kay Boss.
Pagkatapos kong magsimba. Dumiretso ako sa isang mall. Para magpalamig. Eksakto namang naalala ko si terror. nagtext ako sa kanya. Syempre yung isang number gamit ko.
“Kung gusto mo ko makilala. Pumunta ka dito.” Then sinabi ko yung location kung nasaan ako.
“Nandito din ako sa mall na sinasabi mo.” Sagot nya.
Napalunok ako dun sa sagot nya. Say what??? May sa stalker yata tong babaeng to. Wala na akong nagawa kundi hintayin na lang sya. Siguro inabot din ng 30 minutes yung paghihintay ko. Alam nyo naman mga babae pag nasa mall. May makita lang na kung ano. Titigil na yan para I-check kung ano man yung nakita nila. Tayo kaseng mga lalaki. Tingin lang okay na.
Nung makita ko sya na parang naghanap. Tumayo na ako para lapitan sya. Hindi nya ako napansin nung nilapitan ko sya. Kinutusan ko sya. Pero mahina lang. paglingon nya nanlilisik yung mga mata nya. Sabay peace sign ko agad.. “Kwits na tayo! Kinurot mo ako nun first meet-up naten remember?”
Miko?
Ay. Hinde. Picture ko lang to. Nagsasalita ang galing no?
Makakutos ka ha. Teka bakit nandito ka?
Diba sabi mo kung malakas loob ko magpakilala ako? Well eto na ako.
Kinurot nanaman nya ako this time matagal na kurot. “Aray ha!” “kapag tatawag ka magpakilala ka kung sino ka ha!. Nakakabadtrip kase. Tapos binabaan mo pa ako sa cellphone. May pagka bastos ka din ano?”