chapter 3

15 0 0
                                    

[LIANNE'S POV]

sinabi ko sa mama ko yung tungkol sa pagiging personal maid ko para makatulong kami sa lolo ni Xyrus. gusto nga rin sana ni mama magkatulong din kaso hindi pa siya magaling kaya papahinga muna siya pero sabi ni lolo Ben ay gagawin na lang daw siyang cook dito sa mansyon nila kapag magaling na si mama.

oo nga pala, ngayong araw na ito ang umpisa ko sa pagiging maid ni Xyrus. naglalakad na kami ni lolo Ben papunta sa kwarto ni Xyrus.

pagbukas ni lolo Ben ng pinto ....

"ano 'to ??!!! bakit ang gulo-gulo dito ??!!" nakakagulat na tanong ni lolo Ben

O.O tokwa ......

parang dumaan dito ang malakas na ipo-ipo ..

sobrang gulo ng kwarto !!!

ung mga damit, kalat-kalat sa sahig tapos ung mga drawer at aparador nakabukas at niluluwa nito ang mga laman na gamit ..

=__= halatang napakalinis ng may-ari nito ...

" lolo !!!!!! nakita niyo po ba yung medyas ko !!!! T^T" sabi ni Xyrus na biglang sumulpot sa harapan namin

pagtingin ko kay lolo Ben ...

nakakatakot ...

nakakatakot yung reaksyon niya ...

nababalutan siya ng itim na aura .. kulang na lang magsuper sayan siya ...

" walang hiya kang bata ka !!!!!!! bakit ang gulo-gulo ng kwarto mo ??!!!!! di ba sabi ko sa'yo kahit may maid ka kelangan malinis pa rin ito !!!!! naku !!!!!! maaga akong mamatay ng dahil sa'yo !!!!" sabi ni lolo Ben habang pinapalo siya ng tsinelas niya

" eh lolo .. hindi ko kasi mahanap yung isa kong medyas eh ... T^T " sabi ni Xyrus habang sumisinghot-siinghot

napailing na lang ako, sandaling napalingon ako sa may sahig at may makita akong puting bagay na natatabunan ng mga damit ..

hinila ko yun ...

at nakita ko yung kapares ng medyas na suot-suot niya =__= ...

" eto ba ang hinahanap mo ??"

napatingin siya sa'kin at biglang nag-sparkle ang kanyang mga mata ..

dali-dali siyang pumunta sa'kin at dinedma ang mga sinasabi ni lolo Ben ..

tinitigan pa niya ito habang hawak-hawak ko at bigla na lang niya hinawakan ang kamay ko ..

" nahanap mo siya !!!!! YEHEY !!!!!!! \(^O^)/" sabi niya habang nagtatatalon sa tuwa

sa kabila ng pagsasaya niya, bigla siyang binatukan ng lolo niya ..

" manahimik ka .... " sabi ng lolo niya at lumalabas na naman ang itim na aura niya

T^T - Xyrus

" ehem .. ehem  ... apo, simula sa araw na ito at sa susunod pa na panahon ay si Lianne na ang magiging maid mo dito kaya ...WAG MO SIYANG PAHIHIRAPAN .." sabi ni lolo Ben at talagang diniin niya yung salitang WAG MO SIYANG PAHIHIRAPAN

napatingin sa'kin si Xyrus at ngumiti ...

tumingin sa'kin si lolo Ben ..

" iha, kapag may problema sa kanya, tawagin mo lang lang ako at papaluin ko yang batang yan .." sabi ni lolo Ben

" opo .. masusunod po sir .." sabi ko

" naku bata ka , wag mo na kong tawaging sir .. lolo Ben na lang .."

pagkatapos nun ay umalis na si lolo Ben ..

at nung pagtingin ko sa aalagaan ko ay nag-uumpisa na naman siyang maghalungkat sa mga damit na nasa sahig ...

" a-anong ginagawa mo ??" tanong ko

tumingin siya sa'kin with teary eyes ...

" ung sapatos ko, di ko mahanap .. T^T "

inisip kong mabuti kung bata ba o isang teenager ang aalagaan ko ..

tumignin ako sa kanya ...

parang parehas ata .. =__=

haayy .. jusko po ... mukhang tatanda ako ng maaga  dito sa lalaking ito ..

tinulungan ko na lang siyang maghanap, kakaawa naman kasi ang isang 'to ..

*******

 hinahanda ko na yung meryenda ni Xyrus ...

pagpasok ko sa kwarto niya ..

wala siya ..

saan kaya yun pumunta ??

iniwan ko muna yung pagkain niya sa may higaan niya at hinanap ko siya ...

grabeng paghahanap ang ginawa ko !!!

kulang na lang libutin ko ang buong mansyon nila para lang mahanap siya, ay mali .. talagang hinalugad ko ang buong mansyon nila para lang mahanap ko siya ..

nang makapunta ako sa may garden nila sa may likod ng bahay nila, nakita ko siya sa may mga bulaklak at may kung anong hinahanap ...

lokong 'to ..

sumasakit ang ulo ko sa kanya ..

" young master, anong ginagawa niyo po jan ??~.^" mataray kong tanong

" yung kaibigan kong tipaklong tumalon !! hindi ko na siya makita .. T^T" sabi niya sa'kin with teary eye

napasapo na lang ako sa mukha ko ..

inhale ... exhale ... Lianne .. patience ... kaya mo yan ...

" young master, talagang hindi mo na makikita yun dahil tumalon na .. halina po kayo sa loob at yung pagkain niyo po baka masayang .."

" pero nag-iisa kong kaibigan yun eh ... hindi niya ko pwedeng iwan ... siya lang ang meron ako tuwing ......." biglang naging malungkot yung mukha niya at yumuko

nakaramdam ako bigla ng awa sa kanya at parang sa loob-loob ko, naiintindihan ko siya ..

kung titingnan mo siya sa lagay niya ngayon, yung expresyon ng mukha niya ay parang dito na magtatapos ang buhay niya ...

lumapit ako sa kanya at hinawakan ko siya sa ulo niya ..

" young master, pwede niyo naman akong maging kaibigan eh .." napatingala siya nung sabihin ko yun

" talaga ??" sabi niya

yung mga mata niya parang gustong malaman kung totoo ba ang sinasabi ko ..

" oo naman ..." sabi ko sa kanya

biglang nag-sparkle yung mga mata niya at niyakap niya ako ..

" YEHHHEEEYYYY !!!!! may kaibigan na ako !!!!!"

hinila niya ako patayo at pinaikot-ikot pagkatapos nun binuhat pa niya ako ..

" young master !!!! bitawan niyo po ako !!!! >///<"

nung pagbitaw niya bigla siyang nag-isip ..

" dapat hindi na young master ang tawag mo sa'kin ..."

eh ???

ano daw ??

nag-isip siya ulit ..

" ahh alam ko na !!!! tawagin mo kong Ruru ikaw naman si Nene ... diba ang cute ??!!!" ngumiti siya sa'kin

hindi kaya cute yun .. =__=

ang ayaw ko sa lahat eh ang tawagin akong nene kasi ayaw ko ...

nagtatalon ang loko sa tuwa at pumassok na sa loob ng bahay ...

sinabi ko ba talaga na pwede kaming maging magkaibigan ??

parang gusto ko tuloy bawiin yung sinabi ko .. (_ _ ")

[A/N; sa mga nagbabasa po ng kwento ko, comment po kayo kung ipagpapatuloy ko pa po itong story na 'to o kaya po kung napapangitan kayo ... thank you sa pagbasa !! ^__^]

My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon