Nakakainis talaga itong babaeng ito, hindi ba'to marunong ngumiti?
Kahit na nagkakasayahan na sa buong klase, libro pa rin nya ang hawak nya. Abnormal ba sya?
"yes! wala raw si Miss Algebra!" sigaw ng isa kong kaklase. Ganyan kami dito sa classroom.
Walang pangalan ang teacher namin. Kung ano ang subject nya, yun ang pangalan nya. Di na kailangang i-memorize pa.
"Miss Hanna Garbriel" Bulong ng katabi kong nerd na walang inatupag kung hindi ang makapal nyang libro. nakakainis, sya pa ang seatmate ko, yung isa ko pang katabi, pader.
What a Life.
Nag sasalita pa mag-isa. Abnormal ba to? Loner e. Ni walang friend. Kung sabagay, first year pa lang naman kami at halos ilang days pa lang simula nong nagstart ang class.
Kilala ako bilang isa sa pinaka madaldal at loko lokong studyante sa dati kong school. Public lang naman ito kasi hindi naman kami ganon kayaman.
Ako nga ang hari sa pinaka pasaway na istyudyante sa dati kong school e, kanang-kamay ko ang bestfriend ko.. si Lyric. nag eenjoy na siguro yun dun ngayon, samantalang ako, panis ang laway!!
"ahm, seatmate, ano ang pangalan mo?" uumpisahan ko na sa simpleng mga tanong para hindi naman ako mabored.. muka naman syang matalino, kailangan ko ng makokopyahan. bwahahahha!
hindi sya pinansin nito, para bang walang narinig. Aba! nakakainis to ah! "ehem! ehem!" nagpapapansin na ako di pa rin sya lumilingon sa akin. isa pa isa pa. mas nilakasan ko pa. "ehem ehem!" tatlong beses ko pa inulit ulit ang pekeng ubo ko..
Sa wakas! lumingon din itong babaeng to! Inihanda ko na ang isa sa pinaka malapad kong ngiti. Ang aking banana smile! ^_______^ para namang slow motion ang nangyari..
unti-unting tumingin ang isang babaeng may makapal na salamin, sa likod ng mga salaming iyon ay mga magagandang mata.
Nawala ang sobrang lapad na pekeng ngiti ko, napalitan ng isang totoong ngiti.. Hindi ko alam kung bakit ako napangiti ng totoo..
dahil kaya yon sa muka nyang bahagyang nakasimangot o dahil sa sobrang cute nya na ang sarap pisilin ng mga pisngi nya?
Nagulat ako ng bigla nyang hawakan ang noo ko.. Naramdaman ko ang ilang libong boltahe ng kuryente dumadaloy mula sa balat ng babae papunta sa balat ko..
Pakiramdam ko nag-iinit ang mukha ko.. Nagulat pa nga ako dahil sa kuryenteng naramdaman ko, kaya bahagya akong napa atras..
"okay ka lang ba? May sakit ka ba? Inuubo ka kasi.. namumula ka pa.. gusto mo bang samahan kita sa clinic?" concern pang tanong sa kanya ng babae.. Ang bilis ng tibok ng puso ko.. Bakit hindi ako makahinga? baka nga may sakit talaga ako.
"a-ah a-ano o-okay lang ako.. sa-salamat." nabubulol ako, nahihirapan din akong magsalita? ano to? Magpapatingin na lang ako mamaya sa clinic. Tssssk.. Mahal magkasakit!
-----
Uwian na kaya't lahat ay nagmamadaling magsi-alis sa classroom, maliban sa isa kong kaklase. Di ko pa nga pala natatanong ang pangalan nya..ang seatmate ko.. kausapin ko kaya o wag na lang?
Mukha namang busy yung seatmate ko. Tapos na nga ang klase, aral pa rin ng aral.
Tinignan ko ang relong pambising ko at nagmamadaling lumabas ng school. Nakita akong nakasandal si Lyric sa lilim ang puno at naghihintay sa paglabas ko.
"tengene naman Ly! Sinundo mo pa ako! Mukha tuloy tayong mag shota nito!" Pagbibiro ko sa kanya habang nakangiti ng malapad. Sinuntok ko pa ng marahan ang braso nya, gumanti naman ito. Normal lang to, wag kayong mag alala. Boys e.
BINABASA MO ANG
Twisted Love Story Prequel (One Shot)
Teen FictionHow their twisted love story became twisted even before they knew it. An Entry para sa That Twisted Creativity Contest ni Pilosopotasya. :)