YVETH POV
katatapos ko lang magsulat nung update dun sa story ko. what I have to do is to publish it. ano kayang mangyayari sa story ni Kenji at Jeanne ? nahulugan kaya ng paso si Jeanne ? magkakatuluyan kaya sila ? aamin kaya ng nararamdaman nya si Kenji ? hay naku. nakaka stress naman mag isip ng susunod na gagawin kong update.
Kasalukuyang binabasa ni Marie ung story ko. Hays. Nandito kami ngayon sa bahay ko. Bakasyon kasi ngayon. It’s summer. And malapit na kaming mag enroll ni Marie. Pareho kami ng kukunin at pareho din kami ng school na papasukan. Ewan ko ba kung bakit ayaw naming maghiwalay. Ang kukunin naming course ay Bachelor of Science in Mass Communication. Hays. Bakit kamo ? eh mahilig lang naman kasi kami sumulat ng mg article at stories. Tulad ko diba.
Ayan sya ngayon. Nakahiga sa sofa ng kwarto ko. Wala bestfriend ko yan eh. Feel at home lang ang peg. Binabasa nya ung draft nung story ko bago ko i-publish. Ewan ko ba dyan sa babaeng yan pero pagkatapos nyang basahin yan ay aasahan ko nang magtatanong at magre-react na naman sya. Naku. Masanay na ako.
Eto naman ako nakadapa sa kama habang nagla-laptop. FB mode lang. saka twitter. Eto ang buhay ko. FB. Twitter. Sulat ng update. Mga ganun. Naka FB na nga ako sa laptop. Pati sa iPhone ko pa. yaman. Hahaha. Kumakain din pala ako ng French fries tapos meron din ako ng paborito kong Mountain dew Pitch black. Ang sarap kaya. Lasang slurpee na wine na grapes na coke na ewan basta di mo maexplain sa sarap. Adik na nga kami ni Marie dyan eh. Minsan nag aagawan pa kami kapag isa nalang ung natira.
So pumunta ako sa CR ng room ko. Tumingin sa salamin. Tinitigan ung sarili ko. “Ako nga pala si Yveth Mae Sanchez. 15 years of age. Upcoming 1st year college this upcoming school year. Ako ang salutatorian nung batch namin when I was in high school. I love reading books and writing stories. But my favorite hobby is eating. I love eating. I love siomai, cookies and cream ice cream and many more. Lovelife ko ? huh nevermind. I’m single since birth. Study priority eh.” Napahinto ako sa pagsasalita. Medyo may naramdaman ako. napahawak ako sa bandang dibdib ko and nanghihina ako. nahihirapan din ako huminga. “MARIE !!!!”
Nakita ko si Marie na binukas ang pinto. Hindi ko na alam ang sunod na nangyari because all went black.
--
Next thing happened eh minulat ko ang mata ko. Nakita ko ung kisame and I know wala ako sa kwarto ko. All white. And nakita ko ang mga tao sa paligid ko. Si Grandma. Mga pinsan ko. Si Marie, Faye, and Danielle na mga bestfriends ko. Lahat sila mukhang nag-aalala.
“Ohmy. Thanks God nagising ka na Mae” bungad sakin ni Faye. “tae ka pinag alala mo kami. Tumawag bigla sakin si Marie na nasa hospital ka daw. Takte nataranta ako pumunta dito alam mo ba yun ?”
“sorry. Sorry kung nag alala kayo.”
“It’s okay. Mae ano ba ang nangyari sayo. Bakit bigla ka nalang nahimatay ? may nakain ka ba ? or may nararamdaman ka bang di maganda ?” tanong ni Marie na di mo maipinta ung mukha sa pag-aalala.
“hindi ko rin alam. Basta ang alam ko nagsasalita ako sa harap ng salamin. Tap-“
“naku Best !! nababaliw ka na ba ? bakit ka nagsasalita ng mag-isa sa salamin. Naku best baka may sumapi na sayo. Ikaw ba talaga yan ?” tanong ni Faye. Di ko tuloy naipag-patuloy ung pagsasalita ko.
“loko ka Faye. Mukha bang sinapian yang si Mae. Edi sana nagwawala na yan dyan” may point si Danielle. Saka tumingin sya sakin “tapos ano ?”
“tap-“ magsasalita na sana ako ng biglang sumingit na naman ang magaling kong bestfriend na si Faye.
“eh hindi naman lahat ng sinasapian nagwawala eh. Ung iba nga nagpapanggap lang. tulad nung sa Insidous 2” may point nga naman si Faye. Pero di ako sinapian.
“yan sa kakapanuod mo ng mga horror movies. Para namang pinagpipilitan mo na sinapian talaga si Mae ng masamang espirito.” Sabi ni Marie.
Oo nga pala. Nagtataka kayo bakit kami lang nag-uusap. Umalis kasi muna ung mga pinsan ko. Bumili ng pagkain. Tapos si Mamita (Grandma) eh kausap si Mom and Dad na nasa Paris. Kaya ganto nalang kung makapag asaran tong tatlong to. Pero medyo tahimik yan pag nandito mga relatives ko. Nakuu. Mga bestfriends nga naman talaga.
“teka nga. Di ako sinapian okay ? tama na. pagpapatuloy ko na kwento ko.” Sabi ko. Ayun nakuha ko naman atensyon nila. “nagsasalita ako sa harap ng salamin tapos may nakita ako sa likod ko na babaeng duguan.” Huminto ako at tinignan ang reaksyon nila. Natatakot hahaha. Malapit na ako matawa sa kanila pinipigilan ko lang. at may pumasok sa isip ko na kalokohan. Binago ko ung facial expression ko na natatakot. “guys. AYUN SYA !!” sabay turo sa likod nila.
“WAHHHHHHH !!!!!!!” sabay nagtakbuhan sila sa tabi ko.
“nasan na sya ?” tanong ng natatakot na si Marie. Hahaha.
“ayan. Mag kwentuhan kasi kayo ng mga sapian sapian na ganyan. Naka isip tuloy ako ng kalokohan. Joke lang po yun.” So ayun nakahinga sila ng maluwag. Tapos naupo sa may sofa. “pero seriously guys. Diba nga nagsasalita ako sa harap ng salamin then nakaramdam ako ng sakit sa may bandang dibdib. Tapos nanghihina ako. nahihirapan din huminga kaya tinawag ko si Marie tapos nakita ko syang pumasok and wala na. nag black na ung paningin ko.”
*ekkk*
Nagbukas ung pintuan at pumasok si Grandma. Sinalubong ko sya ng tanong. “Mamita, ano daw po sabi ng Doctor ?” gusto ko malaman ung sabi ng Doctor. Ano bang nangyari sakin. Deym. Baka naman may brain cancer na ako. dahil sa kaka-laptop at cellphone. Tangek Mae !! ang layo ng brain sa puso ah. Takte. Baka naman may heart cancer ako. tangek Mae !! meron ba nun ?
“mas mabuti kung Mom and Dad mo nalang magpapaliwanag. Pauwi na sila ngayon ng pilipinas. Kakasakay lang nila ng eroplano. Dadating na silang mamayang hating gabi. Wag ka mag-alala. Sige magpahinga ka muna. Aalis lang muna ako at kukuha ng gamit sa bahay.” Sabay lumingon sya sa mga bestfriends ko. “bantayan nyo muna si Yveth ah. Uuwi lang muna ako. di bale. Nagpabili naman ako ng pagkain at kung may kailangan kayo eh tawagan nyo nalang ako okay ?”
“sige po. Thank you po” sabay sabay na sabi nung tatlo. Sabay labas ni Mamita sa kwarto ko. Deym. Ano kaya ung resulta. Kinakabahan ako.
“mga babae !! ano kaya ung sabi ng Doctor ? kinakabahan ako ? paano kung may sakit ako ? paano kung may taning na pala ako ? paano kung maya maya mamatay na ako ? sheym ayoko pa !!” tapos tumulo na ung mga luha ko kaya yumuko nalang ako. at tinatakpan ko mukha ko. Naramdaman ko naman na niyakap nila akong tatlo.
“wag ka nga mag-isip ng ganyan. Nagiging nega ka na naman eh. Diba sabi ko sayo maging positive ka. Diba nga positive thinker ka na. tama na wag ka nang umiyak” sabi ni Marie habang hinihimas ung likod ko. Sana nga wala akong sakit. Sana nga.
BINABASA MO ANG
Never Been Loved
Teen Fictionsa panahon ngayon, mas uso pa yata ang lovelife kaysa sa pag-aaral. lilingon ka nalang kaliwa't kanan may mag syota. pero kung kayo kaya ang nasa kalagayan ni Yveth. ano kaya ang feeling ng NEVER BEEN LOVED ?