Chapter 4: Danger!

102K 3.3K 385
                                    

XYRA's POV

"Students, meet the new transfer student. Miss Go, please introduce yourself to the class," nakangiting sabi ng professor namin. Marahang tumango si Selene at nagpakilala.

"I'm Selene Go. I'm glad, I'm still accepted in this class even though I'm already late for enrollment. I hope we can be in good terms. Please, look after me, " sabi niya habang makahulugang nakangiti sa'kin.

"Find a vacant seat, Ms. Go," sabi ng professor. Tumango si Selene at naghanap nang mauupuan. She sat on the vacant seat near me. May isang upuang nakapagitan sa'ming dalawa. Kampanteng naupo siya roon at hindi man lang kami pinansin.

Hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan. Dahan-dahan akong napaupo nang nagtatakang napatingin sa'kin ang professor. Hindi pa rin ako makahuma sa pagkagulat. Hindi ko alam ang sasabihin ko kay Selene. Natutuwa ako na buhay siya. Napahinga ako nang malalim nang magsalita si Clauss.

"Breathe and calm down. We still need to verify if she's undoubtedly the real deal," Clauss muttered.

"How? Do we still need to confirm her identity? Hindi ba pwedeng maniwala na lang tayo na buhay siya? Na nagbalik siya?" mahina kong sabi. Gusto kong maiyak sa tuwa dahil sa muli niyang pagbabalik kahit wala pang malinaw na sagot kung paano siya muling nabuhay.

"Don't be deceived. Nakita natin kung paano namatay si Selene sa harap nating lahat. Nakita natin kung gaano kalaking sugat ang natamo niya sa atake ni Jigger. Don't you think it's odd that she's alive, now?" kunot-noong sabi ni Clauss pero hindi niya ako tinitingnan. Nakatingin lang siya sa harap ng whiteboard na sinusulatan ng lecture ng prof namin.

Tumahimik na ako. Alam ko ang gusto niyang iparating. It's really odd. Did the gods bring her back to life? Did the gods raise her from the dead? Tahimik lang kami sa buong klase. Nakikiramdam ako sa paligid nang tumunog ang bell tanda na tapos na ang klase namin sa hapon. Nag-alisan na ang mga estudyante na nagmamadaling umalis. I gathered all my courage to stand up and face Selene. Inaayos niya ang gamit niya at handa na ring umalis.

In my peripheral view, I saw Clauss frowning at me. I can't blame him. I'm really impulsive.

"Selene Go? Ikaw ba ang Selene na kaibigan namin?" kinakabang tanong ko. I hope she's really Selene, our friend. Nakataas ang kilay na napatingala siya sa'kin. While staring at her, I'm convinced that she's really the Selene I knew. Her eyes, facial features and gestures are still the same like in the past.

"Who are you? I actually don't remember being friends with you," mataray na sabi ni Selene. Humalukipkip siya at tiningnan ako nang nakakaloko. I heaved a deep sigh.

Oo nga pala. She's not considering me as a friend before. She's still the same until now. 

"Fine. Hindi mo ako kaibigan. Pero hindi naman yata tama na itanong mo pa kung sino ako. Hindi mo ba ako kilala?" mahinahong tanong ko sa kanya. Muling napaangat ang kilay niya.

"Of course, I don't. Nagpakilala ka na ba?" she sighed then stood up. Napaawang ang mga labi ko sa sinabi niya. "I think, we're just wasting our time. I really don't know you. Hindi ako manghuhula para hulaan pa ang pangalan mo. I'm in a hurry. Bye," she sarcastically said then waved like she's dismissing me. Natigilan ako at hindi makapag-react. Nalampasan na niya ako pero wala pa rin akong masabi. Nakalimutan na ba niya ako?

Napalingon ako nang marinig ang malakas na sigaw mula sa pintuan.

"Selene!" malakas na sigaw ni Akira habang gulat na gulat pang nakatingin kay Selene. Nagtatakang napalingon sa'kin si Selene na tila nagtatanong kung sino ang lalaking nakatayo sa harap ng pintuan. Kunot-noong napalingon siya muli kay Akira nang hindi ako nagsalita.

Wonderland Magical Academy: Escaping DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon