"Gising gising! Oras na para magbanat ng buto!" sigaw ng mga pulis habang kinakalampag ang mga rehas.
Pagmulat ko ay nakita ko ang mga kapwa ko preso na naghahanda na. Napapikit ulit ako,kailangan ko na siguro sanayin ang sarili ko na nandito na sa loob ng kulungan ang bago kong buhay.
"Kendall bangon na,baka mapag initan ka." ang sabi ni Delo na kakababa lang sa higaan nya.
"Gusto ko munang maligo." ang sabi ko pero hindi para sa kanya iyon.
"Mamayang gabi na siguro bata." nanlaki ang mga mata ko sa narinig kong boses kaya nilingon ko ito.
"Kuya Gardo!" agad akong napatayo at niyakap ito.
"Bakit nandito ka bata?" anito ng humiwalay ako sa pagkakayakap.
"Idiniin ako." ani ko at tiningnan si Delo. Tiningnan din ito ni kuya Gardo. Nakatingin sa amin si Delo na walang pinapakitang ekspresyon.
"Mamaya tayo magkwentuhan,tara na." ani kuya Gardo,sumunod kami ni Delo.
"Ano po bang gagawin?"
"Alam mo yung community service? May ganun din dito. May mga tindahan din dito. Pero dapat paghirapan ang pera kung gusto nyong bumili." paliwanag ni kuya Gardo.
Napakadaming preso,nakakatakot.
"Oh,yung dalawang bago,magbihis muna kayo. At pagkatapos pumunta kayo sa likurang bahagi,magbunot kayo ng mga damo." sabi ng pulis na lumapit at iniabot ang damit.
"Hintayin ko kayo dun." ani kuya Gardo. Bumalik kami sa selda ni Delo. Dalawa na lang kami at naghihintay yung pulis.
Tiningnan ko yung damit. Ito yung nakikita ko sa palabas. Never in my wildest dream na magsusuot ako ng ganito.
"Sino yung Gardo na yon?" ani Delo pagkatapos namin magbihis.
"Huwag kang magtanong. Dahil sayo kaya ko sya nakilala." inirapan ko sya at lumabas na ako. Kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya.
"Dyan! Bunutin nyo ang mga damo na yan! Titigil lang kayo pag nagtanghalian,dapat bago lumubog ang araw ay wala ng damo dyan." sabi ng pulis. Nasa labinlima kaming magbubunot ng damo,hindi na siguro mahirap.
"Mukhang lumala ang kaso mo dahil dito ka dinala. Nasan na ang abogado mo?" tanong ni kuya Gardo habang nagbubunot kami ng damo ng mano mano.
"Ewan ko ba,malakas daw ang ebidensya laban sa akin. Hindi alam ng dati kong abogado na nakulong ulit ako. Ang masaklap dun,yung kinuhang abogado ng mga bago kong kakilala ay yung abogado nasa kabilang panig nung una kong kaso. Masama ang loob nya sa akin kaya tumanggi syang maging abogado ko." ang mahaba kong sagot. Naalala ko na naman si Chrollo,dapat magalit at magtampo din ako sa kanya eh,pero hindi,mahal ko talaga sya at naiinis na ako.
"Tsk tsk. Eh yung kasama mo?"
"Sya ang may kasalanan ng lahat. Dinadamay nya ako eh."
"Huwag kang mag alala. Diba naniniwala ako sayo na hindi mo iyon magagawa. Nga pala,nagkita na kayo ni Orriz?"
"Nakalimot na siguro yon kuya. At masaya ako para sa kanya." ang sagot ko at nagpatuloy sa pagbubunot ng damo kahit masakit na ang mga kamay ko.
"Hmmmn.. Pwede ka ba mamayang gabi bata? Yung dati nating ginagawa?" ang bulong ni kuya Gardo.
"Oo naman. Madaming preso ang nag gaganunan dito. Pero hindi sila bakla. Gusto lang nilang mailabas ang init ng katawan nila." nakangising sabi ni kuya Gardo.
Nanlaki ang mga mata ko. Posible pala talaga iyon? Akala ko mga sabi sabi lang iyon.
"Titingnan ko kuya." ang sagot ko na lang. Napalingon ako kay Delo,nakatingin sya sa amin habang nagbubunot ng damo. Inirapan ko sya at nakipag kwentuhan na lang ulit kay kuya Gardo patungkol sa ibang bagay.
BINABASA MO ANG
Love Above The Law
Fiction généraleBOYXBOY BROMANCE GAY | Isa kang mabuting mamamayan,may magandang trabaho,may magandang set of friends. At kahit kabilang ka sa 3rd sex ay tanggap ka ng lahat. Paano kung isang araw ay magising ka na isa ka ng suspect sa isang krimen? Paano mo hahara...