Dumilat ako at isang maliwanag na kwarto ang bumungad sa akin.
Nakabukas ang mga bintana, pumapasok ang malamig na hangin at naka bukas ang TV.
Anong oras kaya ako nakatulog kagabi?
Mabuti nalang at wala namang nangyari kakaiba."Goodmorning."
Napatingin ako sa pinto at nakita ko si Jaythan na kakapasok lang ng kwarto.
"Goodmorning."
Bati ko pabalik sa kanya na lumapit sa gilid ng kama, kumuha ng upuan at naupo sa harap ko.
Umupo ako ng maayos."Anong gusto mong almusal? Mag luluto ako."
Tanong nya sakin.
"Uhm, sila Zac ba anong gusto?"
Tanong ko pabalik sa kanya.
Nawala ang ngiti sa mukha nya at saka muling nag salita."Wala kasi si Zac eh. Si Bryon hanggang ngayon hindi parin bumabalik."
Nag taka ako matapos ng sinabi ni Jaythan.
San naman sila pwedeng pumunta? Kahapon pa wala si Bryon si Zac naman ngayon."Hindi ba nag txt sa'yo? Baka kasi hindi lang nag paalam na may pupuntahan."
Sabi ni Jaythan sakin.
Inabot ko ang cellphone ko mula sa mesa at tinignan kung merong message.
Pero walang galing sa dalawa, tanging ang mga text lang mula kay Loisa kagabi ang nandito."Wala eh."
Sagot ko kay Jaythan.
Napaisip si Jaythan."San naman sila pupunta? Hindi naman nawawala yun si Zac ng hindi nag papaalam."
Nag tatakang sabi ni Jaythan sakin.
"Hindi parin sya umuuwi?"
Nag tatakang sabi ni Daemon mula sa kabilang linya.
Tumawag na kami sa kanila dahil wala na talaga kaming maisip na pwedeng puntahan ni Zac.Si Bryon naman ay patay ata ang phone dahil kahit anong dial sa kanya ay laging out of coverage area lang ang naririnig.
Maski ang mga tao dito sa mansion ay isa isang tinanong pati na ang mga guards na nag babantay sa gate kung napansin ba sya.
Pero hindi."Ano nanaman ba kasing ginawa ninyo? Oy ikaw Bonsai may kalokohan ka nanaman ba?"
Tanong ni Daemon sakin.
Nakaupo kami ni Jaythan sa sofa sa mainhall at nag hihintay ng balita.
Hindi kami pwedeng tumawag ng pulis lalo na't hindi pa naman 24hours na nawawala si Zac.Pero si Bryon.
"Wag nyong ipapahanap si Bryon sa pulis. Nababaliw na ba kayo? Kaya ni Bryon ang sarili nya wala lang ang mga pulis kumpara kay Bryon. Baka naman nag kita kita lang sila ng barkada nya."
Sabi ni Daemon sa akin.
Nag aalala ako sa dalawa dahil wala talaga akong maisip na pwede nilang puntahan.Hindi naman sila umaalis ng sila sila lang.
"Kami na bahala. Babalitaan nalang namin kayo kung makita namin sila."
Sabi ni Daemon sakin.
"Sige."
Sagot ko nalang saka nya ibinaba ang tawag.
Wala kaming magagawa ni Jaythan kundi mag antay ng mangyayari.
Umaasa nalang kami ngayon kay Daemon, Galen at Vicku.
BINABASA MO ANG
Beauty and The seven Beast || Complete ✓
Romance#B7B Mag alaga ng pitong anak ng mag asawang mayaman. Yan ang magiging trabaho ni Riley sa pag pasok nya sa buhay ng pamilyang Ryder. Pero ang akala nyang normal na pag aalaga ay hindi pala gaya ng pag aalaga ng mga batang sampung taon ang gulang, k...