•Tell me

1.4K 33 11
                                    

Pangalawang beses ng nagising ako at nandito ako sa kwarto ni Jaythan.
Napangiti ako kahit hindi ko pa naididilat ang mga mata ko.

"Luh, masaya sya oh."

Narinig ko ang boses ng isang lalaki na nasa gilid ng kama.
Idinilat ko ang mga mata ko at nakita ko si Jaythan na nakaupo sa upuan sa gilid ng pwesto ko.

"Goodmorning."

Bati ko sa kanya saka ako naupo sa kama.

"Goodmorning."

Bati nya sakin pabalik saka ginulo ang buhok ko kahit na magulo naman na talaga ito.
Saka sya tumayo, at nag unat.

"Mag asikaso ka na, nag luto na po ako hihintayin kita sa dining area."

Sabi nya sakin saka nakangiting lumabas ng kwarto.
Napaka gaan ng pakiramdam ko nang umaga nayon hanggang sa naalala kong nakalimutan kong icharge ang phone ko at kaylangan ko pumasok ng kwarto.

Tumayo na ako at dumiretso muna sa kwarto ko para kumuha narin ng damit.
Pinihit ko ang doorknob at napa hinto ako sa kinatatayuan ko sa nakita ko.

Magulo ang kwarto ko, bawat sulok ay halos hindi pinalampas para itaob ang mga gamit.
Ang mga laman ng cabinet ko ay nakalabas lahat.
At ang pinaka kinatatakutan ko ay ang nakasulat sa pader ng kwarto ko.

"Riley Forteza will be next in line."

Pintura iyong pula at dahil sa takot ko ay agad akong lumabas ng kwarto at pinuntahan kung sino ang pinaka malapit para sabihan ng aking nakita.

Si Zac.

Mabilis ang pag katok ko at wala akong pinalampas ni isang segundo.

"Zac?"

Tawag ko sa kanya mula sa labas.

"Zac?"

Nilakasan ko na ang pagkatok ko dahil kinakabahan talaga ako kahit na maaliwalas naman.
Dali daling umakyat si Jaythan.

"Jagi? Anong problema?"

Nag aalala nyang tanong sakin.
Napaturo nalang ako sa kwarto ko at hindi alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang kung anong nasa loob ng aking kwarto.

Dali dali syang lumakad at pumasok sa kwarto ko, nakasunod lang ako sa kanya.
Tumambad sa kanya ang mga salitang gumulat sa akin kanina, at maski sya ay nagulat sa kanyang nasaksihan.

Napatingin sya sakin saka inilabas ang cellphone nya mula sa kanyang bulsa.

"Tawagan natin sila Vicku."

Nag mamadali nyang sabi, agad ko syang pinigilan habang nag ddial sa cellphone nya.

"Wag na, ayokong mag alala sila."

Sabi ko sa kanya na napatingin sa akin saka tumango at muling itinago ang cellphone sa kanyang bulsa.

"Baka alam 'to nila Zac. Mabuti pa sa kanila na muna natin sabihin wag muna kay Vicku at sa dalawa."

Kung alam man ni Zac, ay sana nandito sya.
Tingin ko ay sumangayon naman si Jaythan sakin saka bumuntong hininga at saka ako inakbayan papalabas ng kwarto.

"Pero ipacheck muna natin sa mga guards dito yung lugar pati yang kwarto mo. Baka mamaya may kung ano silang nilagay dyan."

Sabi nya sakin habang nasa labas pa kami ng pintuan.

"Sige."

Sagot ko nalang sa kanya.
Saka kami sabay na bumaba papuntang dining room.

"Ano bang problema ni Zac? Tingin ko wala nanaman sya jan sa kwarto nya, tapos kaylangan pang sunduin para makauwi."

Beauty and The seven Beast || Complete ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon