KACHAKAHAN 10

995 25 0
                                    


Chapter 10

Wooh grabe na buhay to! Yung feeling na sa traffic ka lang din talaga mapapagaod! Yung dating isang oras lang ang byahe mo papunta sa company na pinag ta trabahuhan mo, ngayon ay parang uubusin na ang 8 hours mo. Mapapamura ka lang din talaga sa traffic ehh, at di ko lang din talaga mabatid kung saan napupunta ang tax naming binabayaran. Ay oo nga pala, alam ko na ang sagot dyan, syempre sa buwaya sa congresso! Nagpapalaki lang ng tiyan at nag papa-aircon!

Kwento ko lang mga beshie ahh, muntikan na akong ma late sa work ko, at yun sana ang unang pagkakamali ko if ever na magagawa sa work ko, buti nalang mga beshie ay dumaan ang kotse ni sir Clifford kanina, hehehe, kilig much nga ako mga beshie ehh, gusto ko nga sanang himatayin sa subrang kilig kaso napag isip ko, wala palang sasalo sa akin if ever na nahimatay ako.

Maybe you asking me bakit di ko kasabay si itay papunta sa work ko? nagsabi kase ako sa kanya kagabe na nine pa ng umaga ang pasok ko sa company, at si itay naman ay six ng umaga, kaya di nya talaga ako mahihintay mga beshie dahil baka magka roon sya ng bad record sa VBL dahil ma li-late sya if ever kung hihintayin nya pa ako.

Mga seven this morning ay umalis ako ng bahay, at take note wala akong almusal, at wala din akong dinner kagabe dahil nakatulog lang naman ako dahil sa pagod.

Nag abang na ako ng jeep sa tapat ng bahay namin papunta sa bayan, at sa bayan naman ay mag aabang ako ulit ng jeep papunta sa VBL.

Nang may dumaan ng jeep ay syempre sumakay na ako, alangang paparahan ko lang yung jeep saka di sasakay. Kaya hayun nga nang sumakay na ako ay biglang tumunog ang tyan ko, nag fiesta ang mga alaga ko, nag welga dahil sa gutom!

At hayun na nga mga beshie, nang sumakay ako sa jeep, may isang ale akong kasakay na kumakain ng burger. Titig na titig nga ako sa burger nya at gusto ko na ngang agawin sa kamay nya yun dahil lang sa gutom si ako. Then in that moment ay mag babayad na sana ako, imbis na 'bayad po' ang sasabihin ko ay 'pahingi po' ang nasambit ko. Lahat tuloy ng pasahero ay nakatingin sa akin, at hiyang hiya lang naman ako sa moment na yun. Parang gusto ko na ngang bumaba dahil sa kahihiyan. At nang nasa bayan na ako beshie ay bumaba na kaming lahat ng pasahero, at saka nag abang ulit ng isa pang jeep pa larga papuntang VBL.

At heto na nga mga beshie, itutuloy ko na ang kilig moment ko kanina.Habang nag aabang ako ng masasakyang jeep ay napadaan ang tsikot ni sir Clifford. Binabaan nya pa nga ako ng salamin ng kanyang sasakyan saka nag bosena sa harap ko. Magagalit pa nga sana ko sa kanya kase gulat much lang naman ang chakang si ako dahil sa bosenang yun.

"hey Yna!!" tawag sa akin ni Clifford nang binaba nya ang salamin ng kanyang sasakyan. "nag aabang ka ba ng masasakyan?"

Gusto ko nga sana syang sagutin ng pabalang pero di ko na ituloy baka kase pausukan nya ako ng tambutso like what Terrence did to me.

"ahh o-opo sir" ngisi ko.

"tara sumabay ka na sa akin, baka abutin ka pa ng syam syam dyan at ma late ka pa" yaya nya sa akin.

Magpapakipot pa sana ako, yung mag papapilit pa para pasakayin kaso di bagay sa kagaya ko ang magpakipot, kaya gura na ako sa loob ng car nya.

Pagpasok ko sa kotse nya na amoy ko na naman ang lemon scent ng aircon freshner. At dahil sa amoy na yun ay napag isip ko na sana... sana ganto din kabango ang bahay namin everytime na dumadating ako sa gabi. Kung hindi kase anghit ni Marisa ang naabutan ko sa buhay ay amoy naman ng tae ng pusa ang nakakasalubong ko.

Sinarado ko na ang pintuan ng kotse at umupo ng kaswal.

"pawisan ka na sa kakaabang ng masasakyan mo" turan ni Clifford sa akin. Napatingin ako sa near mirror ng kanyang sasakyan at nagkasalubong lang naman ang aming paninging dalawa. Kaagad ko namang kinuha ang tingin ko sa near mirror at binaling ang tingin ko sa labas.

Mahirap Kapag Chaka (Under Revision)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang