(A-Ches's P.O.V.)
Anong oras na..... Gising pa rin ako dahil sa pagliligpit ng kalat nila
Nagulat naman ako dahil biglang sumulpot si Sir.Min galing sa taas
"Sir.Min!" Masigla kong tawag pero hindi sya sumagot at nagpatuloy lang sa paglalakad
Hmm, hayaan mo na, baka mamura ka pa, huehue
Nilabhan ko ang basahang pinanlinis ko sa akus nila, eeeeew! Huehue hahaha
"Mmm," napalingon ako kay Sir.Min na naglalakad pa rin
"Anong kailangan Sir?" Tanong ko at nilapag ang basahan, hindi sya tumugon
Nilapitan ko sya at tinignan
"Sir.Min?" Tawag ko ulit pero hindi pa rin sya sumasagot
"Ummm Sir, k-kukunin ko lang yung-" di ko nalang tinapos ang sasabihin ko dahil lumalakad pa rin sya at parang di naman nakikinig
Paakyat na sana ako para tawagan si Baby Jin nang maalala kong may mga pinagsasasabi nga pala itong mga ito kagabi
Bumalik ako sa may kusina at nakitang paikot ikot lang si Sir.Min sa kusina
Anong trip ni Sir.Min?
Pinagmasdan ko lang sya at napakunot ang noo ko
Shocks, hindi talaga sya humihinto!?
"Nag si sleep walking ka ba?" Tanong ko habang naglalakad palapit sa kanya
"Mmmm-a," sabi nya at patuloy pa ring lumalakad
"Sir," tawag ko at hinarangan sya, patuloy lang sya sa paglalakad kaya napapaatras ako
"Mmm-a ma," ulit nya
May problema ba si Sir?
Pinagmasdan ko ang mukha nya habang napapaatras pa rin dahil sa paglalakad nya
Ang puti niya, maliit ang mata pero mapungay, mahaba ang pilikmata, tama lang ang tangos ng ilong, may magandang labi at alam kong malambot ang pisngi niya sa titig pa lang
Nang tinignan ko ang ekspesyon nito ay nakaramdam ako bigla ng lungkot
"M-Miss na kita mama, mahal na mahal kita ma," anas nya
"Sir!" Nagulat ako nang nasa sulok na kami at naharangan nya ako ng isa nyang kamay
Pagtingin ko sa kanya ay wala akong ibang narinig at nakita kung hindi ang mahihina nyang paghikbi at ang kanyang pagluha
"S-Sir," mahina kong tawag, baka sakaling magising sya
Anong problema Sir? Bakit ka umiiyak?
Lalo akong nakaramdam ng lungkot at para bang gusto ko nalang syang yakapin ngayon, anong meron...
Napatitig ako sa kanya na pumapatak na ang luha sa kanyang damit
Ano itong nararamdaman ko?
Bigla nya akong niyakap dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko
Ang... Ang gaan sa pakiramdam ng yakap niya...
Bumibilis ang tibok ng puso ko habang palakas nang palakas ang paghikbi niya
"Sir!" Tawag ko at pinunasan ang luha niya na sabay namang pagmulat niya ng mata niya
Napaatras naman sya bigla
"A-Ches!?" Sabi niya, bakas ang pagkagulat sa kanyang mukha nang punasan nya ang mga mata nya
BINABASA MO ANG
A Stupid Contract With The C.E.O.
FanfictionKatangahan at Katalinuhan Bawat tao, taglay ang katangiang iyan. Kahit ang pinaka-matalino ay nagkakamali, at kahit naman ang walang alam ay nakakagawa pa rin ng tama. Ano bang maaaring maidudulot ng katangahan at katalinuhan sa buhay? Saan nito dad...