Lyric's POV
2 weeks later....
"Lyric!" nagmamadaling tawag sa akin ni Leilani. Anong problema nito?
"Yes?" tipid kong sagot.
"Anong oras nga ba uli ang appointment mo mamaya kay Dr. Mendez?" Ay shoot! Nawala sa isip ko! Tahimik kong natampal ang noo ko pero nagsisi rin akong ginawa ko yun nang makita kong napakunot ang noo ng bff ko. Waaaa! "Lyric Calliope Lennon! For heaven's sake, don't tell me nakalimutan mo?!" nangangalit niyang singhal.
"Sige, I won't tell you hehe."mas lalo naman siyang nagalit kaya nagpeace sign ako. "Ok fine, I'm sorry. Masyado lang yata talaga akong pre-occupied these days. Mamayang hapon 3pm ang appointment ko."
"Okay,sige. Sunduin na lang kita mamaya, kailangan ko lang dumaan sa office nina Mommy at Daddy." Paalam niya.
"Hmm, no need naman mamshie. Besides, sanay naman ako e. Duhh!Halos lagi na kong nandun noh!" inirapan niya lang ako at humarap sa salamin para i-check ang outfit niya. Pfft! Office girl.
"Hindi pwedeng wala kang kasama." Paalala niya. Napabuntong-hininga na lang ako. Okay,mukhang wala naman akong magagawa.
"Teka! Eh bakit ikaw ang nag-iinsist ngayon kung pwede namang si Skylar? Nasaan ba siya?" nagtataka kong tanong.
"Maaga siyang umalis. Full sched siya today kasi diba ngayon na ang start ng Photography class niya tapos she's meeting some of our clients na magpapa-book." Ohh,okay! Tinanguan ko na lang siya.
"Hanggang anong oras ka ba?Baka naman busy ka tapos sisingit mo pa ako." Aba mahirap na 'no!
"Gaga! Halfday lang ako sa office tapos ipipick-up ko lang sa bahay yung mga pasalubong sa'tin nila Mommy nung business trip nila."Paliwanag niya. "Oh siya sige bes, aalis na ako. Mahirap ng ma-late hahaha." Pagpapaalam niya.
"Okay sige, ingat ka ha! Drive safely." Paalala ko.
"Yezzy, take care of yourself also! Bye!" nagbeso kami at waved goodbye to each other.
Nang makaalis siya ay doon ko lang napagtanto ang sobrang katahimikan ng condo namin. Gosh! So,home alone? Not bad. Maaga pa naman e,makapaglinis na lang muna. Nilibot ko ang paningin sa kabuuan ng unit namin. Mukhang mahaba-habang oras ng linisan ang magaganap ah.
Chord's POV
Flashback....
"Doc, kamusta na po ang anak ko?" nag-aalalang tanong ni Mommy. Sino ba namang hindi mag-aalala e, lampas isang buwan na akong naka-confine sa ospital!
"Hmmm,after all the tests na ginawa namin kay Chord, it seems na maayos na ang lagay niya. I think by Saturday, makakalabas na siya." Nagpalakpakan naman ang tenga naming lahat sa announcement ni Doc.
"Hindi naman ho ba nabaog ang kaibigan namin Doc?HAHAHAHA." gagong tunay. Binato ko ng unan ang hayop na si Reed at hayun! Ang mga walang kwenta kong kaibigan, 'di magkamayaw sa pagtawa.
"Hmmm, wala naman kaming nakitang ganung effect ng accident sa kanya. So that means, he's still fertile." Napahinga naman ako ng maluwag sa sagot ni Doc. Pucha! Gagong Reed talaga! Kinabahan ako dun ah.
"HAHAHAHAHA KINABAHAN SI CHORD, DOC!" usal pa ni Reed. Hayop ka.
"Maganda yan, Doc. Makaka-isang barangay pa siya." Tallis. What the fuck?! Napapailing na lang na natatawa si Doc sa mga kababuyang lumalabas sa bibig ng mga kabanda ko. Binaling ko ang tingin kina Mommy at nakita kong tumatawa rin sila.
BINABASA MO ANG
Lost Stars
RomanceThis story is about a 22 year-old girl who is suffering from brain cancer but still continues to pursue her ambitions in life until she met a guy that will show her the bright side of life. Will the love & happiness dominate her life?Or will sufferi...