Pag-bukas ko ng pinto ay sumalubong sa akin ang ingay na palagi ko ng naririnig.
Isang normal na klase na may mga estudyanteng kanya kanya ng trip sa buhay.Dumiretso na ako sa aking upuan, sa bandang likod doon sa pang apat na hanay. Pagkaupo ko ay binati ako or more like sinalubong ( mukhang inaabangan ako) ni Erlind-- ang kaklase kong kilala ka lang kapag may kailangan sya sayo.
"Uy, may assignment ka na ba sa Science? Pagaya naman oh..nakalimutan kong gawin yung akin sa bahay." habang sinasabi nya iyan ay kinalkal na nya ang bag ko.
Nang mahanap na ang notebook kong may assignment na pinaghirapan kong sagutan kagabi, ay umalis na syang tangay ito at tahimik na nangopya sa kanyang upuan.
Hindi manlamang siya nagtanong kung payag ba ako pagkatapos ay hindi manlang sya mag pasalamat? Kungsabagay, ako din itong may kasalanan. Hinahayaan ko na lang lahat at hindi na ako umaangal pa.
Mahirap din kasi kung wala kang kaibigan sa klase.
Mahirap ma-O.P. Outcast in other terms.Inayos ko ang bag kong nagulo ng bahagya sa pagkalikot ni Erlind kanina. Tumayo na ako at kumuha ng walis. Cleaners ako ngayong araw na ito. At mukhang ako lang ata ang maglilinis ngayon.
Pagkadakot ko ng alikabok na aking pinaghirapang walisin, ay may dadaan namang mga estudyanteng walang pasintabi kung makidaan. Hindi manlang nag-sorry at derederetsong naglakad na parang walang nagwawalis sa dinaanan nila. Bwisit. Nakakapagod din kaya maglinis ano!
Pero as usual, tahimik ko na lamang ulit winalisan iyong. Parteng nadumihan sa halip na magwala dito. Mahirap na, baka pagisipan pa nila akong baliw.Aalis na sana ako para kunin ung sakong paglalagayan ng basura, ay may biglang tumawag sa akin na nagpabilis na kaunti sa tibok ng puso ko.
" Sandoval!" hindi agad ako humarap kasi kinikilig pa ako ng kaunti. Pero ilang saglit din ay sinalubong ko sya ng lakad at tinanong kung ano ang kailangan nya.
" Sandoval, Let me help you. " englishero yan. Ang pangalan nya ay Usui Min. Isang kalahating isda at tao. Teka, sireno ba yon? Ay hindi...isang half korean Half filipino sya. Sya lang siguro sa mga kaklase ko ang mabait sa akin. Nga pala, he used to call names using people's last name. Iyon daw ang paraan nila para sa formal talking churva nila. But anyways...teka napapa english ako. Ehem...mapapasabak nanaman ako sa englishan neto.
"Uhmmn--n-no way..I mean yes!!!! You can. If you don't mind hehehe.."kabado kong sabi.
"I dont at all. Let me carry that." sabay agaw nya sa akin ng dustpan na kanina ko pa ata hawak...oh my goodness...my hand just touch..on his!
Awkward man noong una, ay nakausap ko sya ng maayos kalaunan. Ang kaso di talaga mawawala sa eksena ang mga insecurity, envy and feeling perfect.
Nadaanan namin ang grupo nina Stephany--- mga estudyanteng walang magawa sa buhay kundi mang bully at mangutya ng kapwa porket nakakaangat sila sa buhay.
" Hi Usui! What are you doing with THAT girl??" maarte at malandi nyang sabi.
"I'm helping her, so please excuse us." simpleng sabi nya at itinuloy na ang lakad kaya naman sumunod na ako sa kanya. Pero bago pa ako makahabol, may humila sa buhok ko at may binulong na " hindi kayo bagay ng future hubby ko, so you better stay away from him. Understand D.U.F.F.!?"
Napatango ako ng pilit kasi parang mapapanot ako sa pananabunot nya. Nang makawala ako ay tumakbo na ako papalayo at humabol kay Usui. Pero habang naglalakad lumingon ako ng isa pang sulyap at natanaw ko ang urat na pagmumukha ni Stephany. Siguradong pagtitripan na naman ako nyan.
Haysss.."Hey. What's the problem?" bothered na sabi ni Usui.
"Im okay. Just dont mind me." hindi ko namalayan na napabuntong hininga pala ako ng pagkalalim lalim at pagkalakas.Tulala akong nakikinig sa guro sa unahan nang mag ring na ang bell ibig sabihin ay tapos na ang klase at labasan na. Hindi ko manlamang namalayan. Lutang ako ngayong araw na ito.
Tumayo na ako at inilagay ang kaunting gamit sa bag ko at isinakbit na ito sa likod ko. Dali dali akong lumabas sa pinto ngunit bago pa ako tuluyan makalabas ay ...
" Bye, Sandoval! See you tomorrow." nakangiti nya sambit with matching dimples na magkabila pa. Nilampasan na nya ako kasama ng kanyang kabarkada.
Gosh, di ko inexpect yun ah. Di narin naman masama araw ko.
Nagwave back ako kahit di nya kita. At lumabas na ng nakatungo ang ulo. Wala naman akong kasabay kaya binikisan ko na ang lakad-takbo papunta kay Sean.
Dumeretso ako sa gym para sunduin ang kapatid ko."Hey!"
"Wazzup sofie!!"
"Howdie!"
Bati sa akin ng mga kasamahan nina Sean. Medyo close ako sa kanila kasi minsan sumasali ako sa laro nila.Sinaludohan ko sila gamit ang index finger ko at napaupo na sa bleachers.
Papunta nadin sa aking direksyon ang kapatid kong pawisan. Mukhang dugyot na sya at talagang basang basa ng pawis. Kinuha ko ung bimpo ko sa bag ko at hinagis sa kanya para ipampunas nya.
" Aga mo naman." medyo hingal na sabi nya.
"Di pa ba kayo tapos?" bugnot kong banggit, nagugutom na kasi ako.
" Gutom ka na agad? Atsaka last na ung laro namin. Hindi ba!!!!!" sabi nya atsaka isinigaw sa kalaro nya ung panghuli nyang sinabi.
"Yeah! At sumali ka na din Sofie. But this time matatalo na kita." sigaw ni Jake habang nagpupunas ng towel sa mukha. Sofie tawag nila sa akin para daw maiba. Atsaka believe it or not, kaya kong matalo ang buong grupo nila.
Errr medyo hindi kapanipaniwala but its so true...!!!
Once nagawa ko but masyadong nakakapagod kasi maraming nagbabantay so maximum 3 lang ang kaya ko per game." Game." sagot ko kasi nakakabored manood.
Pumunta muna ako ng banyo para magpalit ng spare jersey ni Sean. Medyo maluwag kaya nagsuot muna ako ng tshirt sa loob.
Pagkatapos noon ay tag team kami.
Ako, si Sean. At si James. Tapos ang kabilang grupo nmn ay sina Jake , Harold at Ian.
Natapos din ang larong basketball 50-39. Syempre team namin ang panalo at ang kawawang si Jake ang talo.
"I cant believe na natalo na naman ako ng babae!" frustated pa nyang sabi sabay gulo ng buhok nyang magulo na.
"Hahaha mas magaling lang kasi ako sayo." nakakatawa ako ng totoo at ngumingiti ng tunay pag sila ang kaharap at kasama ko. Masyado silang mabait at tapat para peke-in ko at plastikin ko sila."Una na kami guys, " pagpapaalam ni Sean sa Kanyang kasamahan.
Nakarating na kami sa tapat ng bahay at naamoy na namin ang masarap na pakbet na niluluto ni mama.
Kumalam na ang tyan ko at tatakbong pumasok sa bahay. Kasabay ko na din si Sean.
Goodness gracious...it feels great to be home.
BINABASA MO ANG
Me
General FictionSharing my experience and my story is not a big deal. Some would think its stupid, or even ridiculous. I just want to tell the whole world what happens in living my own cyle of life, how hard it is to blend in with other people, how difficult it cou...