[ Andrei ]
Ilang linggo din ang matuling lumipas pero walang ibang naging balita tungkol sa pagkawala ni Breeyana at nanatiling nasa missing person's list ang pangalan niya sa bawat police station nang Maynila, at hanggang ngayon ay pinaghahanap parin ng mga pulis kung ano nga bang totoong nangyari sa kaniya't kung bakit bigla na lang siyang nawala matapos naming mahulog sa bangin. Kinailangan din naming magbayad ng malaki sa lahat ng tao sa media para lang hindi lumabas ang issue ng pagkawala niya't 'di na pagpiyestahan pa, out of respect na rin sa grievance nang kaniyang pamilya.
Ngunit 'tulad din ng mga pulis, kahit ako man ay nagtataka na ni walang naiwang bakas ni Breeyana sa naturang aksidente maliban sa kwintas na nasa kamay na ng kaniyang mga magulang ngayon. At pilitin ko mang alalahanin ang mga nangyari ng maaksidente kami'y wala akong matandaan bukod sa alam kong nasabi ko pa sa kaniyang mahal ko siya, bago namin sapitin ang gano'ng kalagayan.
Walang anu-ano'y bigla akong nakadama ng 'di pangkaraniwang kirot sa'king dibdib na hindi ko maipaliwanag. Animo'y parang pinipira-piraso ang puso ko't dinudurog, dahil sa tuwing maaalala ko ang mga huling sandali naming magkasama ay para bang nasasaktan lang ako. Bagama't sa isang sulok ng aking puso'y dama kong umaasa din itong buhay pa siya.
Nagsimulang mangilid ang aking mga luha, subalit napigil lamang ng maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko 'yon mula sa'king bulsa't sasagutin na sana ng makita ko kung sino ang tumatawag.
Si Zeek na naman. bulong ng isip ko, and I almost groaned in disappointment dahil sa pag aakalang baka si Breeyana na ang tumatawag.
Oo, hinihintay ko siya. Hinihintay kong kahit man lang sa'kin ay magawa niyang magparamdam. Pero ilang linggo na 'kong naghihintay sa wala, na malungkot mang aminin sa'king sarili pero parang nami-miss ko na siya. At hindi ako sanay na 'di siya nakikita o inaasar at inaaway man lang. Nasanay kasi akong nariyan siya't palagi kong nakikita. Hindi man kami gano'n ka-close noon at inaamin ko namang hindi kami magkasundo dati, pero mula ng makasama ko siya sa Villa ay nagbago ang tingin at pagkakakilala ko sa babaeng akala ko dati'y hinding-hindi ko magagawang mahalin.
Napabuntong-hininga ako't nag dalawang-isip na kung sasagutin ba ang tawag o hindi. Ngunit do'n ko din na-realize na halos mag dadalawang buwan na din pala 'kong 'di lumalabas ng bahay at ilang beses na ding tumatawag sa'kin ang mga kaibigan ko pero ewan kung ba't 'di ko naman sinasagot. Naisip kong siguro'y dahil na din sa trauma na dinanas ko matapos ang aksidente at baka nalulungkot lang talaga ako sa pagkawala ni Breeyana kaya't 'di ko maatim sa ngayon ang makihalubilo sa kahit kanino. Ultimo nga pamilya ko'y 'di ko masyadong kinakausap lately. Basta't nagkukulong lang ako sa kwarto ko, at hindi na din muna pumasok since may excuse naman ako not to.
Napapikit ako't pilit iwinawaglit sa isip ang mga malulungkot na alaala niya, at para bang wala sa sariling kusa gumalaw ang daliri ko't imbes na patayin na lang ang tawag ay nasagot ko pa ito.
Damn it!. usal ko sa sarili at sising-sisi sa nagawang pagkakamali.
"Bro, kumusta ka na?. Okay ka lang ba?". bungad na tanong naman sa'kin ni Zeek na halatang sa tono pa lang ng boses nag aalala na sa'kin, which is rather unusual, considering na may pagka-frenemies din kami. And I know some people might not understand us, kung bakit magkaibigan kami despite us disliking each other sometimes dahil sa kayabangan. Pero gano'n at a talaga eh, you come to find a good friend inspite of you differences. At kagaya nga sa kasabihan ng mga babae, It's a guy thing.
"Okay naman ako". walang kalatuy-latoy na sagot ko na lang because I still don't feel like talking to anyone.
"Mabuti naman kung gano'n. Akala kasi namin nagpapakamatay ka na d'yan eh, hindi ka kasi lumalabas".
BINABASA MO ANG
Forever-Together (FOREVER LOVE series: Book 1) -COMPLETED-
Hayran KurguGaano nga ba katagal bago mo makilala ang isang tao at masabing MFEO (Made For Each Other) nga kayo?. Maniniwala ka bang itinadhan kayo kung mga magulang niyo naman ang may gusto?. Sina Yana at Andrei ang epitome of exact opposites. Never nagkasundo...