CHAPTER 29

3.6K 115 20
                                    

CORAZON

"Oh, heto na pala si Corazon! Bakit ba palagi ka na lang biglang nawawala?" ngiwi ni Cassi sa kanyang direksiyon.

Kasama na ng mga ito ang mga lalaking napahiwalay kanina. Mukhang tapos nang mag-inuman. Pagod na rin siguro sina Cassi kaya umalis na roon sa nagkakasiyahang fire dancers.

"N-Nagpahangin lang," dahilan niya.

Iniwan niya si Donny nang walang sinasabing kahit na ano rito. Bakas man sa tinig nito ang pagiging sinsero, hindi maialis sa kanya ang pagdududa gayong minsan na siyang nalinlang ng mga matatamis nitong salita. Hindi na nga dapat pang pinag-iisipan ito. There's no reason for her to believe him.

Kahit pa gaano ang pagsigaw ng puso niya na totoo ang lahat ng kanyang naririnig. No. Being fooled by him once is enough. Tama na. Binigyan niya na ito ng pagkakataon noon kahit pa may agam-agam din siya at binalaan na ng ate niya ngunit ano ang nangyari? Kaya dapat lang na ngayon ay alam niya nang hindi ito dapat paniwalaan.

But he said he's not going to stop until he's gained her trust again. Totoo man iyon o hindi, dapat niyang ihanda ang puso niya't panatilihin ito'ng guwardiyado upang hindi na muling maloko.

"Corazon..."

Napaigtad pa siya nang marahang tapikin ni Vitto sa kanyang braso. Their friends were already walking to the hotel's direction. Sila na lamang pala ang napag-iiwanan doon.

"Are you alright?" bahagyang tinabingi ni Vitto ang ulo at ang mga labi'y naka-kurba sa isang masuyong ngiti. He really looked like a typical nice guy. With his doe-eyes, friendly smile and light aura.

Marahan siyang tumango bago ito niyayang sumunod na sa kanilang mga kasama.

Kahit ano'ng pilit niyang pikit sa mga mata at magsimula nang magpahinga ay bigo siya. Ang naging pag-uusap nila ni Donny kanina ay tila sirang-plakang paulit-ulit sa kanyang utak.

She wanted to forget it. All of it. She wanted to forget the sadness, longing and fear on his voice. She wanted to forget the way his arms held her tightly but carefully as if afraid of losing her. She wanted to forget the feeling of his hot tears on her skin when they fell.

Kasinungalingan lamang iyon. Arte lamang nito. Kung ano mang dahilan ng ginagawa ni Donny nasisiguro niyang hindi iyon makakabuti sa kanya kaya dapat lamang lumayo. Dapat lamang umiwas.

Pumikit siya upang subukan muling matulog. Kahit pa nanghihikayat na magmulat ang kanyang mga talukap ay pinanlabanan niya iyon. Narinig niya ang tunog ng cellphone na nasa bedside table at doon lamang siya muling dumilat.

Inabot niya iyon ngunit bago pa man makita kung sino ang nag-text ay kumilos si Cassi na siyang katabi niya sa kama. Ang akala niya'y nagising niya ito ngunit pumaling lamang pala sa kabilang direksiyon ng higaan.

Ibinalik niya ang mga mata sa cellphone. 'Di naka-rehistro ang numero ng nag-text ngunit sa paraan pa lang ng pagtibok ng kanyang puso sa mensahe'y kilala niya na kung sino ang nagpadala.

"Good night, Corazon..."

Sinundan iyon ng isa pang mensahe. "I'll be watching your game tomorrow. Best of luck my favorite volleyball player. Though it's pretty obvious that you're going to win :)"

Akma pa lamang niyang buburahin ang mga mensahe nang may pumasok muling panibago.

"I love you, little girl. Always."

Nanubig ang kanyang mga mata ngunit sinikap niyang pigilan ang mga iyon sa tuluyang pagbagsak. This is a lie. His friends told her so. His father told her so. Her sister told her so. Everyone told her so. Donny is just lying. He just wanted to hurt her. Tulad ng mga taong piniling saktan lang siya.

Falling for Mr. Wrong (A SharDon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon