Katangahan

162 7 6
                                    

POV ng isang lalake 'to.

------

Normal lang namang masaktan di ba? Normal yun. Nagmahal ako eh. Alam mo na yun. Nagmahal. Nagmahal ng sobra.

Ilang buwan na siguro kaming hiwalay. Matagal na rin, sapat na pahanon para makalimot kahit papaano. Paano ko nasabi? Mayroon na kasing ibang nagpapasaya sa kanya.

Naalala ko nung araw na nakipaghiwalay ako sa kanya. April 27, isang araw pagkatapos ng 21st birthday nya.

Usual spot namin, sa may playground, partikular sa may swings. Nakaupo kaming pareho.

"Grace, sorry."

Hindi sya nagsalita. Paano ba 'to? Ang hirap naman..

"Kasi, tangina naman, pano ko ba sasabihin to? Shit! Grace, sorry. Gusto ko kasi munang magkaroon ng oras para sa sarili ko. Simula kasi nung naging tayo, parang ikaw na lang. Wala na para sa sarili ko, alam mo yun? Naiintindihan mo naman ako di ba?"

Sana maintindihan nya 'tong gagawin ko. Sana.

"Anong gusto mong iparating?"

"Mag-cool off muna tayo. Sorry."

"Bakit cool off pa? Para saan ba 'yan? Parang hindi ka naman nalulungkot o nasasaktan man lang sa desisyon mo na 'yan eh. Diretsahin mo na ko."

"Grace, kas--"

"Limang taon, Ces. Limang taon. Tapos sinabi mong nawalan ka ng oras para sa sarili mo? Hindi ko hiniling sayo ang buong buhay mo. Hindi rin ako demanding sa kaya mong ibigay kasi yun na yun. Sapat na yung mga kaya mong ibigay sa'kin. Yun ka eh, yun ka. Mahal kita."

"Sorry Grace. May kailangan akong i-prioritize."

"At hindi ako yun? Alam ko. Nung una palang, alam ko na yan."

"Sorry. Itigil na natin. Ayoko na."

Dahil sa maraming pwedeng idahilan, naghalo halo na! Sana ayos lang talaga sa kanya!

"Okay. Umalis ka na. Wag ka na munang magpakita sa'kin."

"Sorry talaga, Grace. Salamat sa lahat."

Ayoko nang magtagal dun. Dahil alam kong mas masasaktan ko lang sya. Masakit din naman sa'kin kaso kailangan kong gawin 'to. May mga pagkakataon kasi sa buhay ng taong kahit hindi nya gustong mangyari, nangyayari bigla.

*

Nagising na lang akong may mabigat na nararamdaman sa dibdib ko.

Dapat hindi ko ginawa yun. Dapat sinabi ko sa kanya yung totoong nangyari. Paniguradong maiintindihan nya ko eh.

Sino bang gagong may gusto na iwan ang babaeng nagbigay buhay para sa kanya, ang babaeng mahal na mahal sya higit pa kung saan, ang babaeng sobrang umintindi sa kanya, ang babaeng hindi nawalan ng tiwala sayo kung ang lahat sinasabing hindi mo kaya, sinong gagong kayang gawin ang iwanan ang babaeng mahal na mahal nya?

Ako! Kaya ko! Nakaka-tangina pero nagawa ko syang iwan! Nagawa ko syang saktan! Ang tanga tanga ko! Ang gago gago ko pa!

Hindi ko naman sinasadyang makipagsex sa ibang babae. Lasing ako nun. Nagising na lang akong nakayakap sya sa'kin at pareho kaming walang suot na kahit ano. Hindi naman ibang babae yun, bestfriend nyang may gusto sa'kin noon pa.

Pero naging mahina ako, naging tanga ako. Akala ko sapat na ang pagmamahal ko para sa kanya para maging masaya kami.

Gusto kong umamin sa kanya pero natatakot akong saktan sya.

May sinabi sa'kin ang isang kaibigan ko, "P're, nasaktan mo na nung nakipaghiwalay ka. Bat di mo pa sinabay yung pag-amin mo? Kilala ko naman si Grace eh, mahal ka nun Rances, mahal ka nun sa higit pang inaakala mo."

7 buwan nang nakakalipas pero mahal ko pa rin sya. Siya lang ang babaeng minahal ko ng ganito, una't huling babaeng mamahalin ko.

Napagpasyahan kong pumunta ng bahay nila para magpaliwanag at makipagbalikan.

Wala na kong paki alam sa kabang nararamdaman ko, sa takot na baka hindi nya ko tanggaping ulit. Kailangan kong kausapin sya at umasang magkakaroon ako ng pangalawang pagkakataon. Mas gugustuhin kong mabigo dahil may ginawa akong paraang kesa sa wala.

Natanaw ko ang babaeng pinakamamahal ko.. may kasamang ibang lalake.. halatang ang saya nila..

Tama pa bang lapitan ko sya at magpaliwag? Masaya na kasi sya eh. Ayoko nang guluhin, at isa pa..

Masakit makita mo syang masaya sa piling ng iba. Pero may mas masakit pa doon. Ano? Yun yung ako mismo ang nang-iwan sa kanya at hindi ko matanggap 'yon. Yung pakiramdam na dapat ako 'yong nagpapasaya sa kanya, ako dapat, ako 'yon noon eh, iniwan ko sya. Kasalanan ko. Iniwan ko ang taong nagpapasaya sa'kin.

Andun sya sa labas ng bahay nila. May kasamang ibang lalake, nakaakbay sa kanya at mukhang masaya. Hindi ko alam kung tama ba ang napapansin ko, nangayayat sya at parang may sakit.

Natakot na kong kausapin sya. Sapat na para sa'king makita syang nakangiti't nakatawa kahit hindi ako ang dahilan ng mga iyon. Parang gusto ko na lang magpalibing ng buhay, ayokong maramdaman ang sakit ng pagsisisi, hindi mo talaga maipaliwanag, basta ang alam mo lang gigising ka na lang sa umaga at patuloy ang buhay mo pero wala na sya at kasalanan ko 'yon. Pinakawalan ko kasi.

*

Isang araw, nakita ko syang papunta ng sementeryo. Dahil sa kuryosidad ko, sinundan ko sya.

Nandoon lang ako sa likod ng puno, sapat na para marinig ang sinabi nya.

"Baby, kamusta? Ang ganda siguro dyan noh? Alam kong kasama mo na dyan si Jesus Christ, alam ko ring masaya ka kung nasaan ka man ngayon. Be your daddy's guardian angel ha? Sorry talaga baby, hindi kita naalagaang mabuti. Hindi ako aware noong panahong naaksidente ako na magkasama na pala tayo. Kahit hindi ako naging mabuting mommy sayo basta tandaan mo mahal na mahal kita baby, I love you very much. Basta baby, bantayan mo ang daddy mo kahit hindi nya alam na andyan ka na."

Nagkaanak kami? Hindi man lang nya sinabi sa'kin? At bakit ang tanga ko para hindi malaman yon?

"Alis na ko baby, I love you."

Tumayo na sya mula sa pagkakaupo nya. Kailangan ko syang kausapin.

"Buntis ka pala nung nakipaghiwalay ako sayo at wala kang balak sabihin sa'kin?"

"Alam mong pwedeng mangyari yun pagkatapos ng nangyari sa'tin. Wag mo kong gawing tanga. Kaya ka nakipagbreak dahil natakot kang panagutan ako kung magkaroon man. Tutal, nakuha mo na eh, kaya mo ko iniwan."

"Ano ka ba?! Hindi yun! May iba akong dahilan kung bakit kita hiniwalayan."

"Ayoko nang marinig yan. Sawa na ko. Just move on, Ces."

"Pero mahal pa rin kita. Mahal na mahal Grace."

"Kelan lang, Ces? Wag mong sabihing pagmamahal yan. Nakokonsensya ka lang dahil sa nangyari sa'min ng anak mo."

"Hindi 'yon, Grace! Mahal na mahal kita at hindi nagbago 'yon!"

"Tama na. Aalis na ko. Hinihintay na ko ni Tommy."

"Grace.. Isang pang chance, please. Mahal na mahal kita. Patawarin mo na ko.."

Hindi ko na napigilan ang luhang unti unting pumatak sa mga mata ko. Dahil sa mga nalaman ko, nawalan ng lakas ang mga binti ko, napaluhod na lang ako sa harapan nya. Gusto ko lang ng pangalawang pagkakataon.

"Matagal na kitang pinatawad Rances. Pero hindi ko hahayaang maging tanga ulit nang dahil sayo."

Umalis syang hindi ako nilingon. Siguro ako na ang pinakagagong lalake sa mundo dahil sa ginawa ko sa kanya.

Gusto kong mamatay na lang dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Nakakaputang ina talaga.

Nagmahal ako. Nagmahal ako ng sobra at kasalanan ko rin kung bakit ako nasasaktan ngayon. Sana binaril o sinaksak na lang akong direkta sa puso para hindi ko naranasan ang mga ito. Kasalanan ko rin naman eh.

Naging mahina ako, duwag at gago sa babaeng walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako ng lubos.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KatangahanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon