A/N: First one shot ko to :'D Ampangit po nito, promise! :3
* * * *
"HAHAHA! Ikaw talaga. Kaya mahal kita eh." Sabi ko sa kanya. Eh kasi naman, knina pa sya nagpipick-up. Kanina pa din ako kinikilig. "Mamaya na nga. Tara! Magluto na tayo." Masayang sabi ko.
"Ano gusto mong kainin?" Sabay tingin nya sa akin mula ulo hanggang paa na para bang may ibang ibig-sabihin.
"Baliw! Tara na. Pagluto mo ko ng corned beef." Iba nasa utak nito eh.
"Hotdog na lang?!" Nakangiting sabi nya na parang bata. "Please? Para madaling lutuin."
"Ayoko! Gusto ko corned beef." Umiwas ako ng tingin at alam kong nagpout sya.
At kung iniisip nyong live in kami? Naaah! Dito muna sya mag-istay sa condo namin. Yes! Namin. Kasi kasama ko dito yung bestfriend ko, si Sarah. Wala sya dito ngayon, weekend kasi kaya nandun sya sa bahay ng parents nya.
-
Sinundan ko na sya sa kusina. Nakita kong magsisimula na syang maghiwa ng sibuyas. Bago sya magsimula, niyakap ko sya mula sa likod nya at ska nya sinimulan hiwain.
Maya-maya, napansin kong may sinisinghot sya. Nyak? Umiiyak? Hahaha! Ang cute nya.
"Oh bat ka umiiyak? Hahaha!" Pang-aasar ko, alam ko kasing dahil sa sibuyas yun.
"Ah… eh… ikaw kaya dito." Pagsusungit nya.
"Hahaha!" Ang cute nya pag nagsusungit.
"Tae! No one can make me cry, but this sibuyas.… Aishh!" Hahaha! Nagpipigil ako ng tawa, baka kasi magalit kaya ngumiti na lang ako.
"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" Yan na naman yung poker face nyang mukha.
Nakita kong may tumulo mula sa mukha nya hanggang sa katawan nya. Gravity! Nakatopless kasi sya ngayon eh.
"Naaakit ka na naman?" Sabi nya habang naglalakad papunta sa lababo.
"Huh? Hindi noh? Baliw!" Pag-dedeny ko saka ko tinaggal kamay ko sa katawan nya. Totoo naman. Sino hindi maaakit dyan?
-
Araw-araw kaming masaya, yung para bang wala ng kahit ano o sino ang makakapaghiwalay samin. Mahal nya ako at mahal ko sya. Kahit ilang minuto lang syang mawala, namimiss ko na kaagad sya. Kaya nga ginagawa nya agad lahat mapuntahan lang ako.
Naalala ko pa nung last week na sinurprise nya ako nung 1st Anniversary namin.
[FLASHBACK]
"Sorry uh, kung naistorbo kita! NAKALIMUTAN MO LANG NAMAN KASING 1st ANNIVERSARY NATIN NGAYON!!! Fvck!" Tumalikod ako at wala man lang ako kahit anong naramdaman na sumunod sya, sumigaw sya, bumulong sya o kahit ano mang reaksyon.
Bago ako maglakad, some boys walk in front of us holding a guitar, roses and banner, "Im Sorry! HAPPY 1st ANNIVERSARY BABY. ILOVEYOU ♥"
That was what written on the banner.
Sabay-sabay nilang kinanta yung favorite song kong 'We Could Happen' by Aj Rafael.
Nilingon ko kaagad si Marco sabay yakap sa kanya.
"I love you more, baby! Nakakainis ka naman eh." Mangiyak-ngiyak na sabi ko. Sino ba naman hndi maiiyak sa ganung surprise? Tae!
Bumitaw sya sa pagkakayakap skin, lumuhod sya at nagulat ako sa susunod na sinabi nya…
"Will you marry me?" Shock! Totoo ba to?
"Yes! Yes yes yes!" Nilagay nya yung singsing sa kamay ko. Tumayo sya saka ko sya ulit niyakap. Napataas pa yung paa ko, umiikot sya habang magkayakap kami. Heaven!
BINABASA MO ANG
Broken (One shot)
RomancePag sinaktan ka na ng sobra sobra ng taong mahal mo, magagawa mo pa kaya syang balikan? ENJOY! ^^