yosi

1.6K 196 34
                                    

//




G.

What is it, Maine?

Tara, yosi.

Gago.

Minumura mo na 'ko ngayon? Dati mahal na mahal mo 'ko, ah. What happened?

Maine, no one loves a person who disturbs their sleep at three am.

G.

Ano?

I'm lonely.




Nasaan ka?

Bahay.

Sa'n tayo?

Dito na lang sa tapat.

Ilang bottles?

Tig-dalawa na lang.

Tangina ang martir ko, ah.

Mahal mo 'ko, 'di ba?

Dati.

Eh bakit pupunta ka pa?

Kasi kailangan mo 'ko. Wrong, kailangan mo ng kausap. Not specifically me. And you can't call him, because he's married, so you turn to me.

Sorry, ah.

Okay lang. Sanayan lang din. Tinatawagan mo lang ako kapag malungkot ka.

Hindi naman, ah. Tinatawagan din kita for every good news I receive. Tinatawagan kita kapag masayang-masaya ako. Sa lahat! For every feeling I experience, I call you, Brent.

But I'm not the first person you'd call, given the chance.

G naman.

Okay lang nga, Maine. Nagpapagamit naman.

Sana magka-girlfriend ka na.

Available ka ba?

Hindi yata.

So hindi pa ako magkaka-girlfriend.

Iniintay mo 'ko?

Hindi, iniintay ko sarili kong mapagod.

Kailan?

Malay. E 'di kung alam ko, hindi mo na ako nakakausap.

Sorry ulit.

Sorry pero tatawag ka na naman kapag may kailangan ka.

Eh wala akong guts, eh.

Walang guts na ano?

Mang-agaw ng asawa.

Tangina.

Bakit?

Napaka-fucked up mo ngayong gabi, Maine. I'd be there in minutes. Don't do anything stupid.

I've been stupid since that day he asked for another chance and I said no, G. Wala na yatang tatalo du'n.

Meron pa.

Ano?

You, asking for another chance this time.




//

The Art of Never Letting Go (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon