Blame It on Fate

2.4K 57 5
                                    

Genre: Romance

Written By: krizjoypin19

"There will come a time when life will give you something you can never run away from." –The Empire Series: Von Liam



I was fifteen when I committed and gave my life to the Lord. The Lord and the church became my life and of course, my family and friends. I was really happy and contented during that age until I met him. No, he did not ruin me. HE. DID. NOT.

"Uuuy, friend! Alam mo 'yong panganay ng spiritual director natin, 'yong Renj, siya raw ang black sheep sa family nila. Imagine, lahat yata ng dancers sa church halos naging girlfriend na niya." That's Camille, my best friend/co-worker sa church. Nako, lahat na yata ay alam niya. Observer daw siya at hindi tsismosa.

"Aaah. Hayaan mo. Hindi naman dahil committed ang family niya ay ganoon na rin siya. Ba't siya nanaman ang nakita mo? Umamin ka nga, crush mo, no?" Alam ko naman na hindi niya crush kaso gusto ko lang siyang inisin. Ayaw na ayaw kasi niya kay Renj. Well, ayaw ko rin naman sa panganay ng spiritual director namin. Ayaw ko kasi sa mga babaero.

"Jusme, friend! Kahit gwapo 'yon 'di ko papatulan. Tsaka ang bata pa natin para sa ganyan, Kaye." At ayon nga, nangaral nanaman si friend.

Five months na ngayon mula nang nag-serve ako kay Lord. Madalas akong isama sa mga travel ng spiritual director namin dahil nga kailangan ng pianist and at the same time, worship leader. Dahil palagi akong naisasama sa travel, naging malapit kami ni Kuya Renj. Ewan ko ba kung paano, basta kinausap niya ako at nakita ko namang mabait pala siya.

Halos lahat ng bagong dalo sa church tinatanong kung anak ako ng spiritual director namin dahil sa treatment sa akin ni Kuya Renj. Parang hindi na kasi kami mapaghiwalay. Baby sister niya raw ako dahil 15 palang ako at 26 siya. Dahil din do'n, napalapit ako sa kapatid niyang babae na si Richelle na naging instant bff ko kahit na mas matanda siya sa akin.

Ang saya ko kasi dumami ang mga kaibigan ko, grabeng blessing. Pero sa edad kong 'yon, hindi ko inaakalang mamahalin ko si Kuya Renj ng higit pa sa isang kapatid. Inisip ko na sobrang attached lang ako sa kaniya. Palagi akong nasa tabi niya. Ako iyong comforter, listener, adviser niya. Gano'n din siya sa akin. Ang overprotective niya sa akin. Sa susuotin, sa crush at maraming bagay pa.

Nang nag-seventeen ako, siya iyong nag-organize sa birthday ko. 'Yon na yata ang the best birthday celebration ko. Lahat ng mga bagay na gusto ko nando'n. Kilalang kilala na niya ako sa loob ng dalawang taon. Busy ako sa pakikipag-usap sa mga bisita nang...

"Happy birthday, Kaye!" sabay yakap sa akin ni Rich. "Pwede ka na. Isang taon nalang." dagdag pa niya.

"Anong pwede na? Makulong?" sabi ko sabay tawa.

"Hindi, pwede ka nang ikasal kay Kuya." Bulong niya sa akin na ikinabigla ko. Paano niya nalaman, eh hindi ko naman sinabi kahit kanino. Pati nga kay Camille hindi ko sinabi kasi mababatukan ako n'on.

"Huwag kang mag-alala. Hindi ko ipagsasabi." Pagpapanatag niya sa akin.

"Huwag mong itanggi. Nahalata ko lang kasi iba ka tumingin kay Kuya." Sabay sundot sa tagiliran ko. Habang heto ako, grabe ang lakas at bilis ng pagtibok ng puso ko.

"Walang makaka-alam, ah? Sa ating dalawa lang 'yon. Please, i-promise mo sa akin." Pakiusap ko sa kaniya.

"So tama talaga ako. Hahaha! Okay, sis." Sagot niya sabay kurot sa pisngi ko at patakbong umalis. Habang ako naiwang nag-iisip kung pati si Kuya Renj ay nakahalata na rin.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon