"JAISE! GUMISING KANA MAG-IMPAKE KANA NG GAMIT MO! LUMAYAS KANA SA PAMAMAHAY KO!" sigaw na bumungad at gumising sa natutulog na diwa ni Jaise.
"Aling Marta, ano ho iyon?" tanong niya pagkabukas ng pinto.
"Anong ano ka dyan ha!? Jaise, ang bayad ng renta nasaan na? Ngayon ang usapan diba!?" bulyaw sakanya ng matandang babae
"Aling Marta, kahit isang linggong palugit nalang po, nahold po kasi yung sweldo ko." pakiusap niya rito.
"AYAN NA NAMAN TAYO JAISE! ANONG PALUSOT NA NAMAN BA ANG SASABIHIN MO? TATLONG BUWAN KANANG HINDI NAGBABAYAD NG RENTA! ANONG TINGIN MO SAKIN HA? CHARITY WORKER!? AY HALA SIGE MAG-IMPAKE KANA O BAKA GUSTO MONG KALADKARIN KITA PALABAS NG APARTMENT MO!?" at wala na siyang nagawa.
Pumasok na siya sa kanyang apartment para mag-ayos ng kanyang mga gamit. Habang nag-aayos nakita niya ang isang kapirasong papel. Ticket. "Wings Tour in Manila" ang nakalagay.
Napangiti siya ng biglaan. Dito napunta ang pambayad niya sa renta, pero hindi siya nagsisi dahil nakita na rin niya ang kanyang mga idolo. Ang BTS. Bangtan Sonyeondan o Bulletproof Boyscouts sa English.
Binubuo ang grupo ng 7 kalalakihan. Si Kim Namjoon o si RapMonster, si Kim Seokjin o si Jin, si Min Yoongi o si Suga, si Jung Hoseok o si J-Hope, si Park Jimin o si Jimin, si Kim Taehyung o si V at ang kanyang pinakainiidolo sa lahat na si Jeon Jungkook o si Jungkook.
Napahagikhik siya ng muling bumalik sakanya lahat ng nangyare ng araw ng nakita niya ang mga ito. Iyon para sakanya ang pinakamasayang araw sa buhay niya.
"Hay, sana habang naglalakad ako may mapulot akong poster, yung pwedeng maging maid sa bahay niyong pito. Jusko, aapply talaga ako. Pero as if namang mangyari yun diba, nasa Korea kaya kayo Hahaha." sabi niya sa sarili habang hawak ang larawan ng grupo na nakuha niya kasama ng ticket.
"JAISE ANO NA!? HINDI KABA TALAGA LALABAS DIYAN? KAKALADKARIN TALAGA KITA DYAN TAMO!!" bulyaw na naman ng matanda.
"Opo ito na po." at tuluyan na siyang umalis ng kanyang lumang apartment.
——————————————————
Naglakad-lakad siya. Tiningnan niya ang laman ng wallet niya at 100 nalang ang laman nito.
"Saan naman kaya aabot to diba?" tanong niya sakanyang sarili at sinipa ang bote sa harapan. At sa kasamaang palad nadulas siya.
"Ay, ang gago. Ano ba yan!" tumayo siya mula sa pagkakabagsak at sa kasamaang palad na naman, nasira ang strap ng bag niya.
"Ay badtrip namang buhay to oh! Ano pabang kamalasan makukuha ko ngayong araw!" sabi niya sa sarili habang inis na inaayos ang strap ng bag niya. Hanggang sa may lumipad na papel sa mukha niya.
"AY! NAKAKAINIS NA HA!? ANO B--" hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng makita niya ang nakalagay sa papel.
WANTED
Maid (Male or Female)
Free Food, House, Clothing etc.
10,000.00 monthlyIf interested kindly bring your latest resume at BH Mansion, 061314 Seoul St. Cal. City
And look for PD Nim
Contact # +639 *** *** ****Agad siyang napatayo. At dumerecho sa pinakamalapit na piso net para magpaprint ng resume at dumerecho na sa nasabing address.
——————————————————
"BH Mansion, 061314 Seoul St., ito na ata yun." at napanganga siya sa nakita. Isang malaking gate at isang sobrang magarbong mansion ang bumungad sakanya.
"Jusmiyo, tama ba talaga address ko, pero nakakagulat ang laki ng bahay este mansion na to!" sabi niya sa sarili habang pinipindot ang doorbell. At biglaang bumukas ng kusa ang malaking gate.
Namangha talaga siya sa mga nangyayari, at naglakad patungo sa mansion. Habang naglalakad ay nakita niya ang garden ng lugar, maraming bulaklak at isang fountain sa gitna. Mga kotse sa labas ng mansion at iba pa.
"Pero nakakagigil ha, oo na maganda yung lugar pero nakakapagod, takte malayo pa ata" saad niya sa sarili habang palapit sa isa na namang malaking pinto. Kumatok siya rito ng ilang beses hanggang bumukas ito.
Bumungad sakanya ang isang familiar na mukha. Isang matandang lalake. Pero hindi niya maalala kung saan niya ito nakita.
"Uhm, excuse me? what can I help for you?" tanong sakanya nito.
Jusko, english spokening pala to omg. sabi niya sa isip-isip niya
"Hey!"
"A-Ah! Oh! Hahaha. Uhm" kinakabahan siya.
"What is it?"
"Uhm, I just wanted to inquire about the job. It's indicated here in the flyers that you're needing a maid so I try going here to pass my resume." dere-derecho niyang sabi habang inaabot sa lalake ang papel na lumipad sa mukha niya kanina.
"Oh! Okay! You didn't tell it to me earlier, come in, let's talk in my office." sabay lakad nito palayo, sumunod narin siya rito. Nilibot niya ulit ang kanyang paningin at nagulat siya sa mga nakita. Yung piano na ginamit sa music video ng BST nandito at yung mga costumes pa ng BTS sa iba pang music videos nila nakadisplay din dito. Nagtaka siya.
Fan din kaya si Tanda? Hahaha. sabay pigil ng tawa habang iniisip ang mga bagay na ito, isinantabi nalang niya na fan yung matanda kasi baka may anak siya na hilig din eh BTS.
Hanggang makarating sila sa isang malaking kwarto, ito na siguro ang opisina.
"Have a seat." at umupo siya sa pinakamalapit na upuan sa pwesto niya.
"So, you're applying as a maid?" tumango siya bilang pag-sagot
Di ko na kayang mag-english, sana marunong siyang magtagalog diba? sabi niya sa likod ng isip niya
"Hey? Okay, pwede kang magtagalog, matagal na ako dito kaya marunong ako, wag kang mahiya." sabi nito sakanya
"Ay jusko, marunong naman po pala kayong magtagalog, kanina pa po ako nanonosebleed dito eh!" sagot niya na ikinatawa ng matanda
"Alam mo patawa ka din. And because of that, you're hired."
"ANO PO!? PASOK NA PO AKO!?" at napatayo siya sa kanyang inuupuan.
"Hey, calm down boy. I'll show you your room follow me." at naglakad na naman ito.
"Ah! Wait lang po, ano po palang pangalan niyo?" biglaang tanong niya rito.
"Oh, yes I forgot to introduce myself, I'm Bang Shi Hyuk or Bang PD of BigHit Entertainment, and the persons na aalagaan mo ay ang pitong paano ko ba sasabihin ay basta, BTS. I know you knew them, I saw your badge in your bag." sabay tawa nito.
Ay, jusko nanaginip ba ako!? Oh mama! Bang PD to! Tapos ako yung maid ng BTS. Kaya pala nandito mga gamit nila kasi sakanila to. Omg, kailan sila lumipat!? Hindi ko alam omg. Wait di ako makahinga. tanong niya sa sarili.
"Hey? Are you ok--"
Hindi na niya narinig ang sunod pang sinabi ng matanda at tuluyan na siyang nilamon ng dilim.
——————————————————
Nagising siya sa mga bulungan sa paligid niya. Nasa isang hindi familiar na kwarto siya. Medyo malabo ang paningin niya hanggang may maaninag siyang mga tao.
"He's awake!"
"Jjinja!?"
"REALLY!?"
"Thank goodness"
"Oh! At last!"
"OMO! HE'S AWAKE!"
"He is?"At umayos na ang paningin niya. At nakita niya ang pitong lalake sa harap niya. Ang pitong lalake na babago sa buhay niya. Ang BTS.
——————————————————
Yuhoo! Ayo! 1st Time doing a fanfic err. boyxboy pa omg Hahaha 😂
May some changes dito kasi nawala yung mga drafts ko sa Watty.Slow update yan na agad ang sinasabi ko sainyo hehe.
Follow me on Twitter (@sparklingjjk) for more updates!
Kamsa!
BINABASA MO ANG
Living With The Seven Dorks
FanfictionLiving with those seven boys is not easy, but being with them is like a heaven everyday - Jaise