22 - LOKO PLAN Number 4

278 5 0
                                    

Meri's POV

Saturday. Time to do what I have to do. Gagawan ko ng Loko Plan si Serena but it's for her own good rin. Sisirain ko lang talaga siya pag nanakit pa siya sa isa sa mga mahal ko. 

Kumain ako ng breakfast habang nag-iisip ng outfit ko for later. Feel ko lang na mag-disguise.

A few weeks ang nakalipas pagkatapos saktan ni Serena si Tam, stinalk ko siya. Masakit man sa pride pero talagang stinalk ko siya para malaman kung ano ang daily life niya at kung saan siya pumupunta. 

Naramdaman 'kong nagvibrate ang phone ko.

Wayne calling...

Ano na naman kailangan ng lalaking 'to?

Sinagot ko ang tawag. "Hello? Kahit ano pang sasabihin mo, NO ang sagot ko."

[Sige na kasi, promise, hindi ako pabigat sa mga plano mo. Tutulungan kita!]

Napaikot nalang ako ng mata. No'ng nalaman kasi ni Wayne ang nangyari kay Tam, tinawagan niya agad ako at sinabing tutulong siya sa Loko Plan na gagawin ko. Siyempre hindi ako pumayag pero hanggang ngayon, nangungulit parin siya na sumama sa plano ko!

Ayos naman si Tam after no'ng baliw na pangyayari pero sinabi ko sakanya na iwasan nalang niya si Serena as much as possible. Mamaya saktan siya.

"Wayne, ba't ba ang kulit mo?"

[Gusto kalang naman makasama no'ng tao 'e...]


Dug dug dug...

Napahawak ako sa dibdib ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Bwisit na'yan. Paano ko na siya matatanggihan... Parang gusto ko rin siyang makasama 'e.

"Fine, basta sumunod ka sa bawat utos ko. Siguraduhin mo lang na hindi ka pabigat kundi sa susunod na araw, sa isang ospital kana gigising. Tsaka wag na wag mo sasabihin kahit kanino ang gagwin natin."

[Opo ma'am, pupunta na ako diyan.]

In-end ko na 'yong call. Alam 'kong alam naman niya papunta sa bahay dahil sa party dati ni Kuya, invited naman siya.

Naghanap ako ng fake glasses tsaka cap na pwedeng pang-disguise, nagsuot nadin ako ng black jacket para kumpleto ang outfit.

SWAG.

Joke lang, my gash. Ang cute lang kasi ni Bok-joo, 'yong babae sa KDrama na Weightlifting Fairy.

ANYWAY! Ganito ang plano ko. Basically, kausapin ang parents ni Serena tungkol sa BRATTY attitude niya at ibahin 'yon. Edi kung ayaw man mag-iba, lumipat nalang siya ng school. Wala akong balak ipa-expel though, kasi makakapasok parin 'yan sa ibang school dahil mayaman siya.

Since may CCTV sa school, kukunin ko 'yong video tape na ginawa ni Serena kay Tamina at I'm honestly gonna explain kung bakit ko rin siya tinulak no'n. I know her parents will understand. Her parents are just... So kind. Hindi mo talaga malalaman kung saan nanggaling 'yong ugali ni Serena na gano'n. Especially the language part, jusko.

Bumaba na ako galing sa kwarto ko ng may narinig akong mag-doorbell. Tiningnan ko ang peep hole at siya nga. Binuksan ko ang pinto at napabuntong-hininga. Same old, same old. That black leather jacket.

"Papasukin mo ba ako o hindi?"

"Ay sorry." Binuksan ko pa ang pinto para makapasok na siya. Kanina paba ako nakatingin sakanya? Pumasok siya at nakita ko namang suot niya 'yong hikaw na binigay ko. Napangiti nalang ng patago at pinaypayan ang sarili.

Umupo siya sa couch at tiningnan ako. Napakunot naman ako ng noo.

"Nice jacket, buti nalang 'yan pinili mo."

Mahal Kita.....BAKLA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon