CHAPTER 7

1.9M 36.4K 10.7K
                                    

CHAPTER 7

TAHIMIK ANG buhay ni Gladz sa nakalipas na dalawang linggo. Wala kasing Pierce Muller na nagpakita sa kaniya. Pero kaakibat ng katahimikan na iyon ay ang pagka-bored niya sa bawat araw na dumaraan.

Nothing is happening. She’s doing the same thing over and over again. She's getting bored on her daily life and she's tired from working. Nakakapagod kahit nakaupo lang siya sa opisina niya at nagta-trabaho.

Gusto niyang magbago naman ang araw niya at sa araw na iyon, mukhang pinakinggan ng panginoon ang hiling niya.

She saw Beckett outside her Agency as she tiredly walks towards her car.

Kaagad na nasira ang tahimik niyang araw. "Huwag mo akong kausapin." Wika niya ng akmang magsasalita ang binata. "Huwag mo akong susubukang balahibo ka, pagod ako."

Ngumiti lang si Beckett saka inakbayan siya. "Bati na tayo?"

"No."

"Gladz naman—"

"No." Inalis niya ang braso nitong nakaakbay sa kaniya. "At huwag kang feeling close. Hindi tayo close—"

"Hindi pa." Anito na nakangiting saka inakbayan na naman siya. "I really miss you a lot."

Pinukol niya ng masamang tingin si Beckett. "Tigilan mo ako, Balahibo—"

"See!" Beckett grinned. "Bati na talaga tayo."

Nawala lahat ng emosyon sa mukha niya habang tinititigan ang binata. "Get away from me."

Beckett's smiling face fell. "Gladz naman, miss na kita. Hindi mo ba nami-miss ang mga ginagawa natin noon? Kasi ako, na miss ko 'yon. I miss going to cinema with you. I miss doing crazy things with you in an amusement park. I miss having someone to talk who would not judge me and i miss having you around with me."

"Then why did you leave me?" Napatitig sa kaniya si Beckett, wala itong maisagot sa simpleng tanung niya kaya naman mahina siyang natawa ng walang emosyon, "why did you leave me when I needed you the most?"

Guilt filled his eyes, "Gladz—"

Nag-iwas siya ng tingin ng mag-umpisang manubig ang mga mata niya. "Leave me alone, Beckett. Baka mabaril kita kapag kinulit mo pa ako."

Pero hindi si Beckett ang tipo ng tataong nakikinig kaagad. Kaya nang maglakad siya patungo sa sasakyan niyang nakaparada, inakbayan na naman siya nito at sumabay ng paglalakad sa kaniya.

Sisinghalan sana niya ito ng mapansin ang mabilis na sasakyang tinatahak ang dereksiyon nila ni Beckett. Gusto niyang itulak ang binata palayo para hindi ito masagi ng sasakyan pero huli na, malapit na ang sasakyan at kahit itulak pa niya si Beckett, masasagi pa rin ito at titilapon ito sa lakas ng magiging impact.

But the car stopped just inch away from Beckett's knees, shocking them both. And what stunned her is that she's out of the way. Kung dumeretso ang sasakyan, sigurado siyang hindi siya masasagi.

But Beckett on the other hand is in danger and he looks shock.

"Holy fuck..." Beckett was unmoving as he pulls himself together. Lumipas ang ilang sandali bago nakabawi ang binata sa pagkabigla sa nangyari. He, then, kicked the car's hood and pointed his angry finger at the driver who's still inside the car. "You fucker! You're off the road! Come out you son of a bitch—"

Bumukas ang pinto ng sasakyang nasa harapan nila saka lumabas doon si Pierce.

Pareho silang nagulat ni Beckett ng makita si Pierce. And there goes her heart again...beating so darn fast just because of seeing Pierce. Ang lalaking palaging laman ng isip niya nitong nakaraang mga araw.

POSSESSIVE 18: Pierce Rios MullerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon