Bigla na lang pumatak yung luha ko, at nakatulala ngayon sa kawalan.
Akala ko ready na ko na i-let go siya pero iba itong sinasabi ng puso ko. Ang sakit isipin na ikakasal na siya, at ang masaklap pa, sa bestfriend ko pa.
Tinignan ko yung invitation card at nilukot, tinapon ko yon sa trash can.
Hindi ko yata kayang masaksihan na makasal siya sa iba, kasi gusto ko ako lang, ako lang yung makasama niya sa future, pero siguro hindi talaga kami para sa isa't isa.
King na kasi ni destiny, masyadong ginalingan. Dapat kasi noong una pa lang hindi na kami nagtagpo, para hindi na ko nahihirapan ng ganito.
Gusto ko nang umuwi, nawalan na rin naman ako ng mood na magwork ngayong araw.
"Hmm Good morning Alex, napaaga ka yata?" sabi ni Caleb, kakapasok niya lang sa office.
"Good morning Sir, actually gusto ko lang po sana magpaalam ng personal sa inyo. Balak ko po kasing gamitin yung one week vacation leave ko." buti na lang talaga at magaling ako magpalusot.
"Oh? Bakit naman?" pagtatanong sa akin ni Caleb.
"Ahmm kasi sir may balak kasi kaming magrelax, kasama yung parents ko."
"Hmm ok." matipid na sabi ni Caleb.
"Sige sir, alis na po ako." pagpapaalam ko.
Palabas na sana ako ng hatakin niya yung braso ko, na naging dahilan para magharap kami.
"Alex, this is your last chance, ikakasal na ko sa bestfriend mo next week. Alam kong tutol ka dito kaya sinasabihan na kita ngayon na kung mahal mo talaga ako, sabihin mo sa harap ko. Tignan mo ko sa mata at sabihin mong mahal mo ako." para bang nagmamakaawa niyang sabi sa akin.
"Caleb? Di ba napag-usapan na natin to?" hindi ako makatingin sa mga mata niya. Naiiyak kasi ako na sa ganitong sitwasyon bumagsak yung relationship namin.
"Please, kung sasabihin mo sa akin ngayon handa ko siyang iwan Alex." sabi sa akin ni Caleb.
Inalis ko na yung pagkakahawak niya sa mga braso ko, at lumabas na sa office.
At nang makarating na ako sa elevator ay narinig ko pa siyang nagsalita.
"Kung magbago man isip mo, sana lang hindi pa huli ang lahat Alex."
At nagsara na yung pinto ng elevator. Napabuntong hininga na lang ako at nagwish na sana ito na yung last time na makikita kami. Nagsinungaling ako, gusto ko ng mag quit sa job.
(1 week later)
Hindi naman kami nagpunta pa sa ibang lugar dahil nga sa mga di inaasahang decision na ginawa ko. Alam ko naman sa sarili ko na tama yung naging move ko, total hanggang doon na lang talaga kami ni Caleb.
Pinaalam ko na rin sa parents ko ang lahat ng tungkol sa amin ni Caleb, at kung bakit ako nagquit sa job.
Medyo nagulat pa sila dahil hindi raw nila akalain na magkakaboyfriend ako. Likas na mahiyain daw kasi ako.
Naintindihan naman nila yung decision na ginawa ko. Kaysa naman sa araw araw ko naman daw makita si Caleb na may kasama ng iba.
Kaya ngayon pinasok na muna ako nila papa sa kakilala nilang isang pinoy na may-ari ng isang coffee at bread shop, habang naghihintay pa ako ng mga tatawag sa akin sa mga company na inapplyan ko.
Habang nagliligpit ako ng desk ay biglang nagring yung phone ko.
Nakita kong tumatawag na naman si Hanna. Actually araw araw niya kong tinatawagan para kulitin na samahan ko siya sa pagsashopping ng mga susuotin ng mga abay sa kasal niya.

BINABASA MO ANG
The Hopeless Romantic Idiot
General FictionLove, Drama, Bully, Secrets, Sex..... I'm Alex Monterozo, your typical guy, ahmm to be more specific, gay guy. Naghahanap ng love sa mundong punong puno ng kasinungalingan at pagpapanggap. Dapat ko bang hanapin ang love or hintayin na lang? Wha...