Chapter 26

590 19 1
                                    

C h a p t e r T w e n t y s i x

Te iubesc

~**~

Mapaglaro talaga ang tadhana. Or baka sadyang pinaglalaruan lang kami ng media? Sa kabila ng issue,
magkasama kami ni Lisa sa photoshoot para sa isang international magazine for winter season. Hindi
lang naman kami, may mga models, idols, actors at ibang actresses. Pero kahit na. Nakikita ko pa rin
siya at naaalala ko kung paano niya sinubukang dungisan ang pangalan ko.

Anyway, pinaurong ko na
ang kaso laban sa kanya. Kinausap ko si PD dahil nagmakaawa sa akin ang mommy niya.

"So, andito ka rin pala?" Taas kilay habang nakapa-krus ang mga braso niya ng nilapitan niya ako.

"So, di ka ba magpapasalamat dahil hindi ka na aattend ng hearing?"

"Why would I thank you?"

Napabuga ako ng hangin sa napakaaaagandang asal ng bruhang ito.

"Why not thank your mother?"

"What?" bulalas niya. Mukhang hindi niya alam na pinuntahan ako ng mommy niya.

Hindi ako kumibo. Tinitigan ko lang siya

.
"Rem is here!"

Sabay kaming napalingon ni Lisa. OMG, nandito na si Rem. Pagkarinig palang sa pangalan niya, lumakas ang tibok ng puso ko.

"Of course he's here because of me."
Muli akong bumaling kay Lisa dahil sa sinabi niya. Bumuka ang bibig ko para magsalita kaso naunahan
ako ng iba.

"Really?"

My eyes grew wider. Lalong nagwala ang puso ko. Shit! Nabibingi ako sa sobrang lakas nito.

Dahan dahan akong lumingon.

Pagkakita ko kay Rem, naikuyom ko ang mga palad ko with matching
kagat pa ng labi. Right at this moment, gustung gusto ko siyang sunggaban ng yakap. Shit talaga! Miss
na miss ko siya!

Seryosong nakatingin si Rem kay Lisa. Ako naman, pinapantasya siya. Waaah, Rem! Hug me please!

Imposible namang hindi mo ako na-miss. Rawr!

"Pwede ba tigilan mo na ang pag-a-assume? Wag ako, Ok? Iba nalang wag ako. Wala kang aasahan
sa'kin."

Kumunot ang noo ko. Humarap ako kay Lisa at sininghalan siya, "Sabi na eh, nagsisinungaling ka."

"Sabi na?" Lumipat ang tingin ko kay Rem nang ulitin niya ang sinabi ko. "Yun naman pala eh bakit di ka
naniwala sa'kin?"

Di ako nakasagot. Nag-pout lang ako. Magulo ang utak ko that time. Ayaw kong maniwala pero kasi...
nag-kiss sila eh. Hindi ba sapat na proof yun?

"Bakit naman siya maniniwala sa'yo?" Nagsimula ng bumida si Lisa. "Eh wala naman siyang tiwala sa'yo. Bakit wala siyang tiwala sa'yo? Kasi hindi ka niya mahal. Yung set up ko nga na mahuhuli niya tayo na naghahalikan, napaniwala siya eh. Kahit na hinawakan lang naman kita sa magkabilang pisngi
nun at pinayuko. See? Ang bobo niya."

"Sino kaya ang bobo sa atin?" Tumingin ako sa paligid para ipaalam sa kanya na may mga nagvi-video sa amin.

Kanina ko lang rin napansin yan, nung nainip ako habang bumibida siya kaya tumingin ako sa paligid. Then, boom!

Huli siya.

Nasaksihan ko ang pamumutla ng mukha ni Lisa. Mukha siyang constipated na ewan. Oh, well. Sabihin
na nating, let the karma works?

"Kokomprontahin pa kita diba?" sabi ko kay Rem.

Tiningnan niya lang ako.

Nginitian ko siya at hinawakan siya sa kamay. Hinila ko siya palayo sa mga tao.

Be Mine Or Make Me YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon