EPILOGUE

1K 23 7
                                    

E P I L O G U E

Direk Babe Sweet



Hindi maalis ang ngiti ko habang pinapanood ko sina Rem at Kangji na masayang tumatakbo habang
magkahawak kamay. Matapos nilang ianunsyo ang pagiging real life partner nila, tinakbuhan nila ang
mga reporters na pinapaulanan sila ng tanong.

Mission accomplished.
Masaya talaga ako kapag nagiging daan ako sa pagkakatuluyan ng dalawang taong nagmamahalan.

Ginagamit ko ang show ko para tulungan ako.

Una akong nakaramdam na may "something" sa dalawang iyan nang imbitahan akong maging guess
speaker sa isang Dance Battle event. Nakatayo ako sa gilid at naghahanap ng pwedeng gagawin kong
participant sa show ko.

Tinulungan naman ako ng panginoon sa paghahanap dahil napatuon ang
atensyon ko kay Rem. Nakaupo siya sa isang table kasama ang mga ka-member niya nang dumaan ang
Style, ang grupo nila Kangji. Nginingitian niya ang mga miyembro nito. Ngunit napansin kong kakaiba
ang pag-ngiti niya kay Kangji.


May kasamang pamumula at pagkahiya.
Naging interesado ako sa kanya kaya hindi ko siya nilubayan ng tingin. Panay ang sulyap niya sa table
ng Style, kay Kangji.


At si Kangji naman nang pagmasdan ko, ilang beses ko siyang nahuli na lumilingon sa gawi ni Rem. Para silang mga ewan na nagsusulyapan ngunit hindi nila alam na pareho sila ng
ginagawa. Kapag titingin si Rem kay Kangji, sa iba na ito nakatingin. At kapag si Kangji naman ang
nakatingin, nakikipagdaldalan si Rem sa mga ka-grupo niya.

Hindi magtagpo ang mga tinginan nila.
Hindi ma-timing-an.

Kaya nakapag-isip isip ako na sila ang gagawin kong next participant ng show ko.

Ako na ang gagawa ng paraan. Ako na ang ta-timing.


Dahil sila ang napili kong magiging couple ng show, kinausap ko ang private researcher ko. May pinakita
siya sa akin na mga misteryosong larawan ng babae sa Instagram account ni Rem. Wala raw
nakakakilala kung sino ang mga babaeng iyon.

But later on, my private researcher found out na iisang
babae lang ang mga nasa posts ni Rem. And it was Kangji. How sweet. Lalo akong na-motivate sa
kanilang dalawa. Lahat nalaman ko tungkol sa kanila sa tulong ng private researcher ko. Alam ko rin ang
tungkol kay Kangji at kay Zico. Akala ko pa nga hindi ako magtatagumpay sa gagawin kong RemJi
episode dahil bawal maging participant ang may ka-relasyon sa totoong buhay. But, they aren't really
together.

Magulo ang kung ano mang relasyon nila. At sa pag-stalk at sa pagsubaybay ko sa kanila, I
knew they didn't really love each other. I just knew.

So, nakipag-ugnayan ako sa Director Organizer ng isang Awarding Event na doon ako pipili ng
participant. Of course, hindi nagkataon na kay Rem napunta ang wine glass na may singsing. May
inutusan akong tao na ang basong iyon ay dapat kay Rem ibibigay. Hindi siya maaaring magkamali.
Kinabahan pa nga ako ng itinaas ni Rem ang hawak niyang glass pati ng ibang members. Mukha kasing
magpapalit sila ng mga baso.

Nakahinga ako ng maluwag nung nag-cheers lang sila.

Pwede ko namang automatic na piliin si Rem at Kangji. Ngunit, mas mapapatunayan kong mahal talaga
ni Rem si Kangji kapag siya ang pinili nito. At napatunayan nga ito dahil siiya nga ang pinili. Masyado
akong masaya. Masyado akong proud that my everything went on its plan.


Lahat ng mga kaganapan sa bahay na nahuhuli ng mga cameras na naka-install, ako ang unang
nakakakita. I care for my participants kaya binibigyan ko sila ng privacy. Pinipili ko ang mga hindi na
dapat makita ng mga manonood bago ko pinapasa sa Video Tape Operators, na hindi alam ng
karamihan.

Kahit na sobrang nakakakilig yung kaganapan sa rooftop, hindi ko na isiniwalat sa marami
'yon. Akala ng RemJi walang camera sa rooftop, pero nagkamali sila. Ako lang ang nakakaalam nun.



Miski si Kangji hindi alam na naiyak si Rem nang sabihin niyang mahal niya si Zico. Akala niya natutulog
si Rem. But little did she know, Rem was silently crying in pain. Doon ko lalong napatunayan na mahal
na mahal ni Rem si Kangji. At si Kangji naman, I knew she feel the same way. Ayaw niya lang aminin sa
sarili niya. Pinipigilan niya lang. Pero lalo niyang pinipigilan, lalong lumalala. Ayun ang napansin ko sa
kanya.


Kaya naman nang umeksena si Lisa sa couple ko, tumulong ako sa pag-aayos sa ginawa niyang gusot.
Ngunit hindi ko ipinaalam sa lahat. At kinausap ko ang PD ng Sky Entertainment, na humahawak kay
Kangji at kay Zico na wag ipaalam kahit na kay Kangji. Even Dark B's Manager, kinontyaba ko siya na
isama si Rem sa pakikipag-partnership deal sa Japan so that maiiwan siya doon ng ilang araw. With
that, Kangji will miss him.



At habang wala si Rem, doon niya ma-re-realize kung gaano kalalim ang
nararamdaman niya para kay Rem. Dahil sabi nga, kapag nawala ang isang tao, doon mo lang ma-a-
appreciate ang kahalagahan niya.

Everything is a success! Masayang masaya ako dahil may dalawang tao na naman ang nagkatuluyan
dahil sa akin.


"May naisip ka na bang next target?"
Lumingon ako at nakita si Sunny na nakangiti habang sinusundan ng tingin ang papalayong sina Rem at
Kangji.

"Hindi nauubusan ng pangalan sa list ko," sabi ko sa kanya at ngumisi.


"Sino naman kaya?"


Nilabas ko ang phone sa purse ko at hinanap sa Gallery ang isang video na dinownload ko. Nanlaki ang
mga mata niya tapos inagaw sa kamay ko ang gadget.


"Alam naman nating lahat na marami ang naghahangad na maging participant ng 1hundred Days. Kung
kayo ang tatanungin, sino sa UNQS ang gusto niyong maging partner? Ikaw na mauna, L." Rinig ko sa
pinapanood ni Sunny.

Nag-e-enjoy akong panoorin ang reaksyon niya habang pinapanood ang video.


Enthusiasm was written in her cute face.

"Kahit sino sa kanila wag lang si Xiana-ng amazona."

"Hoy! Ayaw rin kitang maging partner! Atsaka as if naman mapipili kang participant! Hindi pwede unggoy
dun, uy!"

Tumawa si Sunny. Binalik niya sa akin ang phone ko at nakipag-apir. "Let's discuss how to get them,
then." U Umangkla siya sa braso ko at hinatak ako.



END


PekengKyoot's Note:

Breaking The Last Rule ang title ng season two :)

Be Mine Or Make Me YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon