Kabanata 6 ~ Conoce a la familia Montecillo
~~~~~~~~~~~~~~~
Ciudad de Santa Clara de Asis
9 de Mayo 1890Pagkatapos ng insidenteng nangyari kanina ay natutulala na lang ako buong biyahe at iniisip ang kalagayan ni Indio.
Naguguilty tuloy ako sa nangyari sa kanya. Dapat ako yung nasa kalagayan niya ngayon. Pero eto ako nandito ligtas at nakatulala sa mga nangyari. Ang tanga tanga mo naman kasi Catherine! Kung hindi ka nagpadala sa pagkaligalig mo sa lugar na ito edi sana nasa maayos na kalagayan ngayon si Indio!
Napasabunot na lang ako sa buhok ko at ngayon ay magulo na. Yung tipong mukha na akong bruha. -_-
"Hija! Ano bang ginagawa mo sa sarili mo!?" tanong ni Doña Anastacia sa akin at hinahawak niya ng pilit yung dalawa kong kamay para hindi ko na masabunutan yun buhok ko.
Napahinga na lang ako at sumimangot sa sobrang inis ko sa sarili ko.
"Naiinis po ako sa sarili ko Doña! Ang tanga tanga ko kahit kailan!" Inis kong sambit at ang gulo gulo na tuloy ng buhok ko.
"Tsss! Tumigil ka ngang bata ka! Huwag mong isisi sa iyong sarili ang mga nangyari at walang may gustong mangyari yun" saway sa akin ni Doña Anastacia at tumigil naman na ako at inayos ko yung buhok ko gamit yung suklay na nasa bag ko.
"Sana maging mabilis ang pagrecover niya kasi kapag may nangyaring hindi maganda sa kanya at mas malala pa hinding hindi ako patatahimikin ng konsensya ko!" sambit ko at konti na lang eh parang tutulo na yung luha ko pero agad ko naman itong pinunasan para hindi na tumulo.
Hinawakan naman ni Doña Anastacia yung dalawang palad ko at tinitigan ako ng diretso sa mga mata ko.
"Huwag kang mag aalala sabi ko nga saiyo kanina ako ang bahala sa kanya at bukas na bukas ay magiging maayos na ang lagay niya" wika niya at binigyan ko siya ng ngiting pilit at napatingin ako sa bintana ng kalesa at maya maya ay napansin kong nagiging pamilyar na yung daan na tinatahak namin kaya alam kong malapit na kami sa Hacienda Montecillo.
Napansin ni Doña Anastacia na panay ang tingi ko sa labas kaya napatingin na din siya.
"Doña Anastacia malapit na po tayo sa Hacienda Montecillo" paalala nung kutsero at isinukbit ko na yung bag ko sa likuran ko.
BINABASA MO ANG
The Unexpected 19th Century Journey
Ficción históricaCatherine McKinley in short Cath, isang popular student ng kanilang school una sa lahat maganda at sobrang talino, manang mana sa grandparent niya na model, lahat na sa kanya pero nasa sinapupunan pa lang siya ng Mommy niya ay sinabihan na siya ng i...