One Shot - The stupid assignment that led to love

770 32 12
                                    

~~~Monday~~~~

Sigh.

Ako si Cassandra, Cassie for short. Second year high school. Meron akong classmate na gustong gusto ko talaga. Si Ryan, isang gwapong nilalang na magaling mag-gitara, maganda ang boses, at mahilig mag-drawing. Mabait siya sa lahat ng tao at never pa siya nagkaroon ng girlfriend. Wala rin namang nakaka-alam kung may crush ba siya.Close rin kami ni Ryan. At minsan, iniisip ko rin kung mag-coconfess ako.

But there's one problem.

Si Ryan ay anak ng step-father ko. So ibig sabihin, step-brother ko si Ryan. Tsaka parang ang weird naman diba kung may gusto ka sa step-brother mo? Nakakaasar.

"OK, class. We'll be having a creative writing assignment. For one week, isusulat niyo lahat ng iniisip niyo sa isang notebook. Almost like a diary. And you'll be giving it to me by the end of the week.", eh? Diary? Sino namang may gusto mag-sulat ng secrets nila sa isang notebook tapos ipapabasa sa teacher?

Pero wala nang nag-refuse. Nakakatakot kasi yung teacher namin na yan kapag ginalit ah so hindi na kami nag reklamo. May pinasa na iba't-ibang style ng notebook sa amin. Yung nakuha ko, color white na may mga naka-sulat na ewan-ewan sa harap, ang cute. Gusto ko tuloy sulatan.

"Class dissmised.", uwian na. Last subject kasi namin ang English.

"Sabay na tayo?", oo nga pala, palagi kaming sabay ni Ryan pauwi. Parang nang-iirita lang yung life. Sobrang nang-iirita. OK lang sana kung hindi ko siya mahal eh. Pero hindi ko naman kayang pigilan ang tanga ko na puso diba?

~~~~~~Tuesday~~~~~

Ako si uto-uto. Ginawa ko talagang diary yung notebook na pang assignment namin. Boring naman, puro naririnig ko lang ay blablabla. Silipin ko nga si Ryan. Nakaupo siya sa gilid ko eh. Tinignan ko siya. Nag-dadrawing siya, parang babae yata yung skinetch niya doon sa notebook niya. Sino kaya yun?

~~~~~Wednesday~~~~~

May rumor na nag-cicirculate sa class namin. Isa sa mga classmate namin sinulat niya yung pangalan ng crush niya sa gitna ng isang blank page 3 times. Tapos naging sila daw ng crush niya after 2 days. Meron na rin daw ibang nag-try nun, tatlo yata kaahapon. Naging sila nga daw. Pssh. Coincidence lang yun.Ang weird naman nun. Paano kaya yung nangyari? Pssh. Hindi ako naniniwala sa ganyan. Pero.......

Susubukan ko na nga lang =____= . Sinulat ko yung pangalan ni Ryan ng tatlong bese sa isang blank na page. Pssh. Ano namang mangyayari nito? Baka mga sinungaling lang yun. Pero bakit ko nga ba ginawa?

~~~~~Thursday~~~~~

Uwian na. Sobrang depressed ako ngayon. Ang dami kong iniisip ngayon. Katulad ng: Bakit ko ba naging kapatid si Ryan? Nakakainis, sa lahat ng pwede ko maging step-brother, yung taong mahal ko pa talaga. Ang sakit talaga ng feeling na sobrang lapit nalang ng taong mahal mo, hindi mo pa maabot. Nakaka-asar. As in. Bakit ba si Ryan yung minahal ko? Ang daming tao sa mundo, siya pa talaga yung naisip na mahalin ni heart.

Hindi ko na sinabayan si Ryan ngayon, sabi ko aalis ako kasama yung mga kaibigan ko. Pero hindi ko naman talaga sila kasama. Pupunta nalang ako sa park.

........

Na sa bahay ako ngayon. Pero bakit may feeling ako na may nakakalimutan ako. Chi-neck ko yung bag ko. Nandito naman lahat..........excpet..........

YUNG NOTEBOOK KO. SHETE!!!! NASAAN NA YUN?! WAAAA T ^ T . BAKIT GANITO ANG BUHAY KO?! ANG MALAS KO NAMAN!!!

"Cas, kain na daw.", kumatok si Ryan sa pintuan ng room ko. Shemay. Ayoko kumain, umiiyak ako. Okay, relax lang. Breathe in, breathe out. "Um....Kumain na kasi ako kanina eh. Kain ka nalang dun.", sigaw ko. Ayoko na buksan yung pintuan, baka namamaga yung mata ko. Baka mahalata pa na umiiyak ako. "Ah.....OK.", tapos narinig ko na umalis na siya. Wala na akong gana kumain. Mawala ba naman yung diary mo and assignment. Bukas pa naman pasahan nun. Ayoko namang bumalik, medyo late na kasi ako umuwi eh. Napa-tagal kasi ako sa park.

Sigh. Ang malas ko talaga sa buhay.

~~~~~Friday~~~~~

Ugh. FUUUUDGE. Wala na ako sa mood mabuhay!!! Pwede mo na po ako kunin Lord! WAAAAAAAH T ^ T Hindi ko na talaga nahanap yung notebook ko. Kaasar!!! ANG SHONGEKS MO KASI CASSIE!!! BAKIT MO KASI KINALIMUTAN AYUSIN YUNG GAMIT MO?! Ito na..........this is the end...........nandito na yung teacher namin. Wala akong assignment. Shete lang. Pero nagulat ako ng........

"Class, I have an announcement to make. That notebook wasn't actually an assignment, it was just something to use so you can learn to share what you're feeling. Because keeping everything inside, won't really help you solve your problems. Sometimes, you need to share it with a hepling hand. So keep the notebooks. I hope you learned a valuable lesson.", haaaay. Buti nalang pala. Actually, gumaan rin yung loob ko ng nilalagay ko yung mga problema ko doon sa notebook. Pero sayang lang, nawala ko. Kung may naka-pulot man' nun. Sana hindi niya ipag-kalat yung mga nakalagay doon. Medyo personal kasi yung mga nakalagay dun. Katulad ng:

Ang hirap talaga kapag malas sa buhay, maging crush mo ba naman yung step-brother mo?! Ang malas diba?! Pero at least nandyan lang siya, nakikita ko siya araw-araw.

Aw shiz. Sana wala nalang naka-hanap nun. Meron pa ngang mga doodles doon na Cassie love Ryan, songs tungkol kay Ryan, drawing ni Ryan. Parang obsessed lang eh noh?

.............

Uwian time. Kahit masaya ako na hindi ako pinatay ng teacher namin kasi hindi naman pala ipapasa yung notebook, malungkot parin ako. Nawala ko yung diary ko. Shiz. Sino kaya naka-hanap nun. Alagaan niya sana yung notebook ko. Wag niya sana ipag-kalat ang aking secrets. Nagulat nalang ako ng...........

"Cassie, sayo toh diba?", binigay sa akin ni Ryan yung notebook ko......OMG.......mamamatay na ako......why?......sa lahat ng pwedeng maka-kita ng notebook na yun, kailangan talaga siya pa? Malas. Ako ay sobrang malas sa buhay.

"So......um......binasa mo lahat ng naka-lagay doon?", pero instead na sagutin niya yung tanong ko, nilabas niya yung notebook niya. Kung akin white na girl designed doodles yung cover ng notebook, yung sakanya naman color white rin pero mga peace sketches yung design sa harap. Destiny siguro? Binuksan niya sa isang specific page yung notebook niya.

Isang page na nag-lalaman ng drawing ng mukha ko.

Nilipat niya sa kabilang page yung notebook niya.

Tapos nakit ko yung pangalan ko na nakasulat ng tatlong beses.

"Cassie, will you be mine? Alam ko na kapatid mo ako, pero step-brother lang naman ako diba? Kapag nasa tamang edad na tayo. Ako mismo ang mag-bibigay ng apelyido ko sayo."

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Neko-chan: OK ba yung ginawa ko? Sana na-enjoy niyo ^ _____ ^ I decided to dedicate this sa aking kaibigang nangangalang Armani :) Birthday kasi niya nung Thursday at di ko na na-post ang dapat kong ipopost -_____-

🎉 Tapos mo nang basahin ang One Shot - The stupid assignment that led to love 🎉
One Shot - The stupid assignment that led to loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon